Saksi is GMA Network's late-night newscast hosted by Arnold Clavio and Pia Arcangel. It airs Mondays to Fridays at 10:20 PM (PHL Time) on GMA-7. For more videos from Saksi, visit http://www.gmanews.tv/saksi.
#GMAIntegratedNews #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
#GMAIntegratedNews #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Category
🗞
NewsTranscript
00:00To be continued...
00:30To be continued...
01:00To be continued...
01:30...habang sakay ng kanyang Pope Mobile kahapon, Easter Sunday.
01:37Sigaw nila,
01:38Viva El Papa!
01:40O Long Live the Pope!
01:42Habang iniikot niya ang St. Peter's Square.
01:44Di gaya nung mga nakaraang taon, hindi si Pope Francis mismo ang nanguna sa misa para sa Easter Sunday at iba pang pag-unita sa Holy Week.
01:55Pero nagpakita ang Santo Papa sa balkonahin ng St. Peter's Square para sa tradisyonal na Orbi at Orbi Blessing.
02:07Cari, Fratelli e Sorelle, Buona Pascua!
02:14Maestro del Seremonio, di leser el mesacho.
02:28Ito na pala ang huling pagkakataon na masisilayan si Pope Francis ng publiko.
02:34Wala pang 24 oras mula nito, inanunsyo ng Vatican.
02:41Cari, Fratelli e Sorelle,
02:44Con profondo dolore devo annunciare la morte del nostro Santo Padre Francesco.
02:54Alle ore 7.35 di questa mattina,
03:02Il Vescovo di Roma, Francesco, è tornato alla Casa del Padre.
03:09Umalingaungaw ang tunog ng kampana sa St. Peter's Square,
03:14kasabay ng pagbuhos ng pakikiramay muna sa iba't ibang panig ng mundo.
03:19La sua vita tuta intera estate dedicato al servizio del Signore e de la sua chiesa.
03:29Ci ha insegnato a vivere i valori del Vangelo con fedeltà,
03:37coraggio e amore universale,
03:41in modo particolare a favore dei più poveri e dei marginati.
03:48Pinatunog ang kampana sa iba't ibang simbahan, maliit man o malaki.
03:55Sa makasaysayang Notre Dame Cathedral sa Paris, France,
03:5988 kalembang ang umalingaungaw para sa 88 taon ang buhay ni Pope Francis,
04:05na walang patid na pumanig sa mga pinakamayihina at nangangailangan,
04:10ayon kay French President Emmanuel Macron.
04:14Bumuhus din ang paghupugay mula sa iba pang world leader.
04:18Mula sa Australia, Greece, Germany, India at Argentina,
04:25kung saan ipinanganak ang unang Santo Papa mula Latin America.
04:28Nagbigay-pugay rin si King Charles ng Britannia.
04:33Si Ukrainian President Vladimir Zelensky ipinagluloksa ang pagpano ng Santo Papa
04:38na ilang beses na nawagan ng kapayapaan para sa Ukraine,
04:41na patuloy pa rin ang yera sa Russia.
04:44Nagpaabot din ang pakikiramay sa Russian President Vladimir Putin.
04:48Si Pangulong Bombong Marcos nakiisa sa mundo sa pagluloksa para kay Lolo Kiko,
04:54na tinawag niyang best pope in my lifetime.
04:57Sa pamamagitan ng halimbawa, itinuroan niya ni Pope Francis
05:01na ang pagiging mabuting Kristiyano ay pagpapaabot ng kabutihan sa iba
05:06at maraming nanumbalik sa simbahan dahil sa kanyang kababaang loob.
05:10Nagdaos din ang nisa sa Pontificio Colegio Filipino sa Roma.
05:15Si Catholic Bishops Conference of the Philippines President Pablo Cardinal David
05:19na nawagan sa mga simbahan sa bansa na patunogin ang kanila mga kampana
05:24at manawagan ang panalangin.
05:26Ngayong linggo, inaasahan babiyahe si Cardinal David Paroma para sa Papal Conclave
05:30kung saan pipiliin ang susunod na Santo Papa.
05:34Para sa GMA Integrated News, ako si Mariz Umali ang inyong saksi.
05:39Malungkot na gabi, Luzon, Visayas at Mindanao.
05:46Nagluluksa nga ang halos buong mundo, lalo ang milyong-milyong katoliko
05:51dahil sa pagpanaw ni Pope Francis sa edad na 88.
05:57Isang araw yan matapos ang pagharap sa publiko ng tinaguriang People's Pope
06:01para po sa paggunita sa linggo ng pagkabuhay.
06:04Bakaswa na may iniinda, naging magiliw ang Santo Papa sa mga nag-abang sa kanya
06:09at naghanda pa ng mensahe ng kapayapaan para sa lahat.
06:14Nakatutok si Maki Pulido.
06:15Hirap pa, pero bumati pa rin si Pope Francis sa libu-libong dumalo sa Easter Sunday Max.
06:37At umikot sakay ng Pope Mobile para malapitan ang mga dumalo.
06:42Ito na pala ang huling pagkakataong makikita siya ng publiko sa St. Peter's Basilica sa Vatican City.
06:51Ganina,
06:52Karisimi fratelli et sorelle,
06:57Con profundo dolore,
06:59Devo annunciare la morte del nostro Santo Padre Francesco.
07:05Inanunsyo sa isang video statement ang pagpanaw ni Pope Francis sa edad na 88,
07:12pasado alas 7 ng umaga, oras sa Vatican.
07:14Siya ha insegnato a vivere i valori del Vangelo con fedeltà,
07:22coraggio e amore universale,
07:26in modo particolare,
07:29a favore dei più poveri e dei marginati.
07:33Bago ang pagpanaw ng tinaguriang People's Pope,
07:36mahigit limang linggong nakipaglaban sa sakit na double pneumonia si Pope Francis.
07:41Naka-recover siya kamakailan at nagpasalamat pa sa lahat ng nagdasas sa kanyang pagdaling.
07:47Kabilang naman sa huli niyang naharap noong araw ng pagpanaw ay si U.S. Vice President J.D. Vance.
07:53Hello.
07:55So good to see you.
07:56Sa huli niyang pagharap sa Vatican,
07:58mensahe ng kapayapaan pa rin ang inihanda niya,
08:02bagamat binasa na lang ng kanyang aid dahil hirap ng huminga.
08:05Panawagan niya ceasefire sa Gaza at kapayapaan sa Ukraine na nakikipaggera sa Russia.
08:13Para sa GMA Integrated News,
08:15Mackie Pulido Nakatuto, 24 Horas.
08:18Kumuha po tayo ng update mula sa Vatican
08:20at makakausap natin live si GMA Integrated News stringer Pia Gonzalez-Abukay.
08:25Pia, magandang gabi mula rito sa Pilipinas.
08:28Kamusta na ang sitwasyon dyan sa St. Peter's Square?
08:30Buong pumiridyo Pia, mula dito sa Vatican.
08:37Dito sa Vatican, unti-unti na natin nakikita ang presensya ng ating mga kapwa-Pilipino.
08:43Dumadami na sila at nagpapahayag ng pakikiramay at pag-aalay ng panalangin sa kaluluwa ng ating Santo Padre.
08:53Yung iba, nakikita pa natin talaga na nakasuot sila ng Philippines,
08:57na ipinagmamala ka nilang nakikiisa sila.
09:00Mula po sa mga residente na Pilipino dito sa Italia,
09:05hanggang sa mga turista mula sa Europa at ibang bahagi ng Pilipinas,
09:09ng bansa at ng buong mundo.
09:13At mayroon din mga nag-cancel pa ng kanilang flight para makiisa dito sa pakikiramay sa pagdarasal din para sa kaluluwa ng ating Santo Padre.
09:26Inaasahan din ang pagdagsa ng mga Pilipino mamaya.
09:29Mas maraming numbers ng mga Pilipino dahil magkakaroon ng pagdarasal ng Santo Rosario para sa kaluluwa ng ating Santo Padre.
09:37Pia, alam natin na talagang espesyal at malapit sa puso ng mga kababayan natin si Pope Francis.
09:46At gaya ng sinabi mo, inaasahan na mamaya mas nadami pa sila dahil may mga dasal at may vigil pa ata para kay Pope Francis.
09:54Pero yung Pilipino community ba, meron din inihahandang espesyal na mga prayer rites?
10:01O kung anong bang pagtitipon para sa Santo Papa?
10:03Dito sa Roma, maraming Italian churches na tuwing hapon ay mayroong special mass sa Tagalog.
10:15So sigurado na special intention na ang mga panalangin at ang mga mass ay inooffer na para sa ating Santo Padre.
10:24Nahandyan ang Filipino chaplaincy at ang Filipino chaplain natin na Pilipino na nagsisimula na rin ng mga pamisa para mag-alay ng panalangin para sa ating Santo Padre.
10:36At siyempre pa, nahandyan ang Kolegyo Pilipino kung saan nakatira ang mga kapareang Pilipino na sigurado ay mayroon na rin nisang nagaganap at dire-diretsyo na ito.
10:50At magmula ngayong araw, magkakaroon ng mga pagdarasal ng Santo Rosario at siguradong pagka-open na sa publiko ang labi ng ating Santo Padre,
11:01ay marami pa tayong mga kababayang Pilipino ang makikitang nakikisa at nakikiramay sa pagpanaw ng ating Santo Padre.
11:10Pia, kahapon lang nagbigay si Pope Francis ng kanyang Easter message at humarap pa siya sa mga naroon sa St. Peter's Square.
11:22Meron ka bang na kilala dyan ng mga kababayan natin or iba pang mga turista siguro or mga residente dyan na kahapon lang ay naroon para sa Easter prayer or Easter message ni Pope Francis?
11:36Ikaw ba Pia, nandun ka kahapon?
11:37Pia, alam mo sa totoo lang talagang ikinabigla ng mga Pilipino at kahit ng mga Italians at ng mga turista ang balitang ito kaninang umaga.
11:50Dahil kung natatandaan natin, itulinggong ito during Lenten season, talagang hindi pinalampas ni Pope Francis ang kanyang mga surprise visit.
11:59At bigla-bigla na lang natin siyang nakikita sa St. Mary Major.
12:04Bigla siyang bumati noong Palm Sunday.
12:09At kahapon nga ay lumabas ulit siya at bumati sa mga pilgrims at mga mananampalatayan na nagpunta rito sa St. Peter's Square.
12:20At inaasahan din ang patuloy niyang pagbuti ng kalagayan at patuloy na pagbibigay panalangin din at pagbibigay bentensyon sa mga pumupunta dito sa Vatican City.
12:31Kaya kaninang umaga, ayon sa mga nakausap ko kaninang umaga, bandang alas 7.35 ng umaga, nagulat yung mga turista at mga pilgrims na nagpunta ng maaga rito para pumila
12:45dahil nagpumalembang ng almost 15 minutes.
12:50So, sabi nila, very strange yung kalembang na iyon at yung parehong kalembang na iyon ay natunghayan din namin dito ng alas 12 ng tanghali, Italy time hanggang alas 12.15.
13:04So, talagang nabigla ang buong mundo, nagluloksa ang buong mundo at ngayon ay lahat naman ay kasama-sama nag-aalay naman ng panalangin para sa kaluluwa ni Pope Francis.
13:18At syempre pa, inaalala ng mga Katolikong Pilipino dito sa Italia, ang kanyang pagiging malapit sa mga Pilipino,
13:26ang kanyang patuloy na pagbibigay aral na isabuhay ang totoong mensahe ng Ebanghelyo.
13:34At huwag kalimutan ang mga mas nangangailangan tulad ng mga mahihirap, may mga karamdaman at ang mga lugar kung saan mayroong kasalukuyang gera.
13:45At Pia, mula ng i-anunsyo ng Vatican kaninang alas 7 na umaga, oras dyan sa Roma, sa Italia,
13:53nagbigay na ba sila ng panibagong pahayag mula noon?
13:56Meron na bang mga inilabas kahit papano na mga detalye tungkol sa magiging funeral rights para sa Santo Papa?
14:02Pia, kung natatandaan natin, nung nakakonfine pa lang si Pope Francis, sinabi na niya na ang gusto niya ay isang simpleng funeral lamang.
14:13Binilin din niya na wooden coffin ang gusto niya, at nagbilin din siya kung sakali siya ay dalhin sa St. Mary Major Basilica.
14:24Ito ay isa sa pangunahing poor basilicas dito sa Rome, at iyon ang kanyang mga unang nabanggit nung siya ay nasa hospital pa lamang.
14:35Kung natatandaan natin, pagkalabas niya ng Gimeli Hospital, bago siya tumuloy sa casa Santa Maria,
14:42minabuti niya muna na dumaan muna sa St. Mary Major.
14:46Mahal na mahal niya talaga at nasa puso niya ang basilica na iyon, kaya doon muna at doon ang binili niyang nais na mahimlay.
14:55Gayunpaman, tungkol sa public viewing at paglipat ng salma ng labi ng ating Santo Padre mula sa Casa Santa Marta hanggang sa St. Peter's Basilica,
15:09inaasahan itong magaganap sa Merkulis. Ngunit ito ay kukumpirmahin pa kung paano ang detalye ay malalaman po bukas at ipapaalam po iyan ng Vatican Press.
15:22Samantala mamayang gabi, papangunahan po ni Papangunahan ni Cardinal Farran ang ritual ng paglalagay ng labi ng ating Santo Padre sa Cafe.
15:35All right, maraming salamat. GMA Integrated News Stringer Pia Gonzalez-Abukay, makikibalita ulit kami sa iyo.
15:44Ano mga kasarian, estado o paniniwala, buong pusong niyakap ng tinaguri ang People's Pope
15:50at ang pag-alala sa ilan sa mga di malilimutan sandali ni Pope Francis, ating saksihan.
16:00Paghalik sa paa ng dalawang babaeng inmates sa isang youth prison.
16:05Pag-iang paghalik niya sa mga kabataan, may kapansanan man o wala, ganyang klaseng pagmamahal ay pinaramdam ni Pope Francis.
16:15Sa kanyang mga aksyon, pinatunayan ang Santo Papa na siya ang People's Pope.
16:22Nakilala rin si Pope Francis bilang isang football fan, kung saan nagbigay suporta rin siya sa kanyang paboritong kupunan,
16:30ang Argentina na kanyang home country.
16:32Inalala rin siya bilang isang palabirong Santo Papa, pati si Spider-Man na kamayan pa niya.
16:44Hanggang sa outer space, dama rin ang pagmamahal ni Pope Francis.
16:48Sua Santita, buong giorno, benvenuto sulla Stasyon Espasyal Internasyonale tra di noi, tra l'equipaggio della Spedizione 52-53.
16:59Buong giorno o buonasera, porque cuando se nello spazion mai sesa.
17:06Nabigyan pa nga siya ng sarili niyang blue jump astronaut suit.
17:12Hindi lang din sa tao ipinadaman ni Pope Francis, ang kanyang malasakit at pagmamahal, kasama na rin diyan ang mga hayop.
17:22Labis-labis din ang pagmamahal ng Santo Papa sa mga nadamay at apektado ng gyera, kagaya na lang sa Syria.
17:29Nakipagkamay rin siya sa mga Syrian refugee.
17:34Minsan na rin naiyak ang Santo Papa sa gitna ng pagdarasal para sa mga nagdurusan Ukrainian dahil sa gyera.
17:42Isa rin sa mga tumatak sa mga nagmamahal kay Pope Francis, ang kanyang litrato habang pinagdarasal ang buong mundo sa gitna ng pandemia.
17:53Iniwan man tayo ng isa sa pinakaminahal na Santo Papa,
17:57tiyak na hindi malilimutan ng lahat ang pagmamahal na ipinaramdam ni Pope Francis sa ating lahat.
18:06Para sa GMA Integrated News, ako si Ian Cruz, ang inyong saksi.
18:11Hanggang sa huli, inilaan ni Pope Francis ang kanyang panahon sa paglilingkod sa kapwa.
18:17Kaya iba ang kirot ng kanyang pagpanaw, lalo na sa mga taong minsan niyang nakasalamuha.
18:22Gaya ng isang Pilipino na ibinahagi ang kanyang karanasan.
18:25Ating saksihan.
18:30November 2024, ng personal na makausap ng De La Salle graduate na si Ken, si Pope Francis.
18:37Kinilala ang grupo nilang Project Magkasapi sa Uni Servitate 2024 na para sa mga pinakamahuhusay na solidarity service learning experiences sa Catholic Higher Education.
18:49When I posted it also in social media, sobrang emotional po and sobrang thankful when Pope Francis mentioned.
18:58It's this for me and sobrang nakangiti po siya ng sobrang laki po.
19:03Dahil nung time po talaga po na yun is we, lahat po kami is we have the opportunity, every one of us, to talk with Pope Francis.
19:11Noong araw na yun, tila nagbago ang buhay niya.
19:19I'll give my best to be a better version of myself and to also serve the community with the guidance of Pope Francis.
19:26Kaya kakaibang kirot ang hatid kay Ken, nang balitang pumanaw na ang 88 anyos na Santo Papa, na hanggang sa mga huling araw, paglilingkod pa rin sa simbahan at sa kapwa ang isinasabuhay.
19:41Kahit nakaratay sa ospital mula noong February 14 hanggang March 23, panay pa rin ang kanyang mga mensahe ng pag-ibig, pag-asa at kapayapaan para sa mga lugar na nababalot ng kaguluhan.
19:54Kapayapaan ang sentro ng kanyang mensahe para sa Easter, sa gitna ng patuloy na digmaan sa Gaza, para sa mga Palestino, gayon din para sa mga Israeli.
20:06Pangmatagalang kapayapaan din ang hiling niya sa Ukraine.
20:10Sa kabila ng iniindang double pneumonia at muntik ng pagpanaw habang nakakonfine, ayon mismo sa kanyang mga doktor,
20:18Di niya nalimutang magpasalamat para sa milyong-milyong sumusuporta at nagdarasal para sa kanya.
20:24Di rin niya nalimutang magpasalamat sa mga doktor at nurse na nag-alaga sa kanya sa Gemelli Hospital sa Roma.
20:31Grazie e grazie per tutto quello che avete fatto.
20:38Grazie a lei che si è così forte.
20:42Quando comandano le donne le cose vanno bene.
20:45Grazie e grazie a tutti voi.
20:54Prego per voi.
20:56Per favore, fatelo per me.
20:59Grazie.
21:01Isa yan sa mga huling public appearance ni Pope Francis,
21:05na dalawang buwang pinagpapahinga noon ng mga doktor, kasunod ng kanyang confinement.
21:11Nasilayan din siya sa Vatican itong Palm Sunday.
21:14Buona Domenica delle Palme.
21:18Buona Settimana Santa.
21:22Noong Webe Santo, nagawa pa niyang bumisita sa isa sa pinakapunoang kulungan sa Roma.
21:29Sa maraming pagkakataon, lalo kapag nagsasalita, kapansin-pansing hirap nang huminga si Pope Francis.
21:37Bata pa si Pope Francis, natanggalan na siya ng bahagi ng kanyang baga dahil sa severe pneumonia.
21:45Noong 2021, tinanggal ang bahagi ng kanyang kolon dahil sa diverticulitis o pamamaga sa large intestine.
21:53Noong 2023, inoperahan din siya para tanggalan ng abdominal ernia o loose loss.
22:00Meron din siyang sciatica, isang kondisyon sa nerves na nagdudulot ng pananakit ng balakang, likod at binti.
22:08Iniinda rin niya ang problema sa kanyang tuhod.
22:12Ang kanyang double pneumonia nitong Pebrero, itunuturing na pinakamatinding health crisis ng labindalawang taong panunungkulan bilang Santo Papa.
22:21At umaga ng April 21, pumanaw si Pope Francis sa kanyang residence sa Casa Santa Marta sa Vatican.
22:29Noong 2023, sinabi ni Pope Francis na napili niyang paghimlayan ng kanyang labi ang Basilica of Santa Maria Maggiore sa Roma na malapit sa kanyang puso dahil sa kanyang debosyon sa Birheng Maria.
22:44Siya ang unang Santo Papa na ihihimlay sa labas ng Vatican sa loob ng mahigit isang siglo.
22:51Para sa GMA Integrated News, ako si Tina Panganiban Perez, ang inyong saksi.
22:56Mga kapuso, maging una sa saksi.
23:00Mag-subscribe sa GMA Integrated News sa YouTube para sa ibat-ibang balita.