Saksi is GMA Network's late-night newscast hosted by Arnold Clavio and Pia Arcangel. It airs Mondays to Fridays at 10:20 PM (PHL Time) on GMA-7. For more videos from Saksi, visit http://www.gmanews.tv/saksi.
#GMAIntegratedNews #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
#GMAIntegratedNews #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Category
🗞
NewsTranscript
00:00Nasa Roma na rin si na Pangulong Bombo Marcos at First Lady Lisa Araneta Marcos para sa Funeral Mass ni Pope Francis Mucas.
00:08At mula sa Vatican, sexy live at exclusive si Vicky Morales. Vicky!
00:18Yes?
00:18Yes, Pia! O, nadatnan natin kanina yung first couple dun sa Piazza Navona sa Roma.
00:23At nagkakapis sila dun, parang ginugunita nila yung mga panahon nagde-date pa sila rito dahil dito nga sila nagpakasal.
00:32At nakita natin sila na walang security details so medyo nagkaroon sila ng konting oras na magpahinga bago nga dumalo sa funeral ng Santo Papa Bukas.
00:44Kaninang umaga dumating si na Pangulong Bombo Marcos at First Lady Lisa Araneta Marcos sa Roma para magbigay-pugay.
00:56Sa Santo Papang, minsan nagpakita rin ng natatanging malasakit nung bumisita siya sa Tacloban matapos itong masalanta ng Bagyong Yolanda toong 2013.
01:06Dito sa Piazza Navona sa Roma namin nadatnan ang first couple na ginugunita ang mga panahon magkasintahan pa sila rito.
01:15Sa Bansang Italia silang ikinasal taong 1993.
01:18Naluha rin si First Lady Lisa Marcos nung inalala niya ang kabaita ng Santo Papa na minsan na rin niyang nakilala.
01:26Me when I met him, he's humble and fine and I feel like you're blessed.
01:30Bagamat matipid ang kanilang mga salita, puno ng paghanga ang mag-asawa sa kabutihan at sinseridad ni Pope Francis
01:39at lubos na pasasalamat lang ang alay nila sa Santo Papa.
01:44Vicky, kamustahin namin yung lagay ng mga tao dyan sa Pilat dahil alam natin na hanggang ngayon ay marami pa rin ang gustong masilayan ang mga labi ni Pope Francis.
02:09Meron bang cut-off para dun sa public viewing?
02:11Yes Pia, alam mo kataon naman kung kailan itong last day ng public viewing ni Pope Francis.
02:20E talagang regular holiday dito sa Italia kaya lahat ng tao rito walang pasok so ang daming bumiyahe dito.
02:26Kaya nagtaka ako bakit ang dami ko nakitang Pilipino sa linya.
02:29Sabi nila bumiyahe pa sila mula Florence, mula sa iba't ibang panig ng Italia para lang pumunta rito at makita nga ang Santo Papa.
02:36Kanina Pia, talagang ito na yung pinakatugatog ng Pila dahil nga holiday, Friday pa at last day pa talaga.
02:44So umabot yung Pila hanggang dun sa kaduluhan ng train station at sa ikalawang palapag pa.
02:50So talagang wagas na wagas yung Pila, Pia.
02:53Pero ngayon inubos na nila yung mga tao sa Pila at dapat nga 7pm ang cut-off ngayon pero 5pm pa lang ay hindi na sila nagpapasok ng mga tao rito.
03:03Kaya medyo inubos na lang nila yung mga natitirang tao dito sa Pila.
03:07Pia.
03:07At Vicky, nakita rin namin yung lugar na iniyahanda na nila para dun sa funeral mass bukas.
03:13May mga upuan na, nakakordon na rin yung mga lugar kung saan ilalagay o kung saan pupuesto yung mga dignitaries, heads of state, pati na yung mga kardinal.
03:24May pagkakataon ba yung publiko na maging bahagi ng misa?
03:29Mayroon bang pwesto dun sa pinakalikod? May mga mapapwestohan ba sila, mga parke o ano kung saan sila pwedeng makiisa dun sa misa?
03:42Nakopiya talagang parang off limits na dito. Talagang lahat ng lagusan papunta dito sa St. Peter's Square ay sinara na.
03:48Kanina pang 5 o'clock, kanina pang tumutunog yung mga public alarm sa mga cellphone ng mga tao para i-abisuhan sila na talagang hanggang 5 o'clock lang.
03:57Kaya saktong-sakto naman yung airtime ng saksi dahil any minute now, palalayasin na rin kami dito sa aming media position dahil i-clear talaga nila itong buong area.
04:07Dahil as you can imagine, security nightmare dito sa may harap ng St. Peter's Basilica dahil libo-libo ang mga dignitaries na inaasahan nilang dadalo.
04:16Kabilang na siyempre dyan si Pangulong Bongbong Marcos at First Lady Lisa Araneta Marcos. Pia.
04:21Alright Vicky, nabanggit mo nga no, anytime, baka kayo ay paalisin na sa pwesto.
04:26So pang huling tanong na lamang Vicky, nabanggit mo na napakahigpit na ng siguridad, sino-sino yung expected na heads of state at dignitaries na dadalo dun sa funeral mass bukas?
04:37Actually, siyempre ang alam natin, ang madalas na bukang bibig dito ay sa U.S. President Donald Trump.
04:46Pero tinanong natin yung ating embahada sa Vatican at sinabi niyang yung Vatican mismo ang maghahanda ng protocol.
04:54Tinanong natin kung ano yung magiging seating arrangement nila dito at sinabi niyang yung Vatican din ang magde-desisyon tukol dyan.
05:02At kung pantay-pantay yung mga ikangay heads of state, gagawin na lang alphabetical order.
05:08So abangan natin yan bukas, Pia.
05:10Thank you Vicky at maraming maraming salamat sa iyo.
05:13Si Vicky Morales po nag-ulat live mula sa Vatican.
05:18Sa ibang balita, wala umanong koordinasyon sa PNP ang pag-aresto sa isang Chinese national na undesirable alien umano.
05:25Inakala ng mga tao sa lugar, dinukot ang Chinese national.
05:29Saksi, si Marisol of the Rama.
05:34Naka-full battle gear ang mga lalaking ito nang dumating sa isang establishmento sa San Antonio, Pasig.
05:40Maya-maya, nagpaputok sila ng baril at may sinakay sa puting van.
05:43Nagulo po yung lugar po na yun. Ang pagkakalam po ng marami ay talagang may kirid na po.
05:51Ang nangyari pala, batay sa embesigasyon ng pulisya, operasyon pala ito ng Bureau of Immigration at Intelligence Service of the Armed Forces of the Philippines o ISAP para arrestuin ang isang kinihinalang Chinese national.
06:02May mission order na issued by the BIA.
06:05Yung mga violations ng alleged Chinese national doon ay mga falsifications, fraudulent representations at saka dual citizenship.
06:18Pero wala raw koordinasyon ang operasyon.
06:21Ang masaklak po kasi nito is wala pong proper coordination na nangyari.
06:28And based on the records from the RTOC, ang nag-coordinate lang po is yung BID.
06:35Wala pong sinasabi doon na may kasama silang armed component coming from ISAP.
06:42Palaisipan sa mga pulis kung bakit nagpaputok ang mga taga-ISAP na nag-operate sa Pasig kagabi.
06:47What prompted them to fire those shots na sa tingin natin medyo marami.
06:54Naka-recover po yung soko po natin ng mahigit 28 cartridge po ng 5.56mm rifle po.
07:05Kahit noong natapos ang operasyon, hindi man lang din daw nagsabi sa mga pulis.
07:09Wala man lang nihoy-nihoy na sinabi nila na oh ito legitimate operation ng ganito para hindi po kami nababahala.
07:19It's a good thing na hindi na-encounter ng SAF kasi immediately after the incident,
07:24nagputap po tayo ng dragnet operation sa lahat ng mga choke points.
07:28At karoon po ng mis-encounter, yun po yung iniwasan natin.
07:32Paliwanan ng Bureau of Immigration, may operasyon niya sila kasama ng AFP at NBI kung saan inereso ang Chinese na si Lu Tianco na nagpapanggap daw na Pilipino at gumagamit ng Philippine Passport at Driver's License.
07:46Nakatanggap din ang Bureau ng ulat mula sa intelligence authorities na nagmamay-ari si Lu ng financial holding company na may 47 subsidiary
07:55at halos 100 real estate properties malapit saan nila yung mga critical national infrastructure, kaya banta sa national security.
08:03Nakatakdaan nilang kasuan si Lu ng underservability.
08:05Today nagkaroon po ng coordination ng BI at NCRPO about it.
08:10Nakikita naman nila yung importance na ang ginawa natin na paghuli doon sa isang illegal area na nagpapanggap na Pilipino na may mga concerns ang AFP na maaaring may involvement sa espionage activities.
08:24Bagamat kinumpilman na raw ng ISAP sa kanila na nagkaroon ng legitimate operation, patuloy pa rin nila itong iniimbisigahan at maaari sila magsampa ng criminal charges sa kanilang partner agencies.
08:35Sinusubukan pa ng GMA Integrated News na makuha ang pahayag ng ISAP tungkol dito.
08:41Para sa GMA Integrated News, Marisol Abduraman, ang inyong saksi!
08:47Tinagal sa pwesto si Police Major Sherwin Viernes bilang jepe ng Rizal Municipal Police Station sa Cagayan.
08:54Dahil po yan sa command responsibility, kaunay ng pagpaslang kay re-electionist Mayor Joel Ruma.
08:59Ay sa PNP Region 2, hindi pa opisyal na masasabing election-related ang pagpaslang kay Ruma.
09:06Sa ngayon, patuloy ang pangangalap ng ebidensya ng binuong Special Investigation Task Group.
09:11Nag-alok ng isang milyon pisong pabuya ang gobernador ng Cagayan sa sino mang makapagtuturo sa pumaslang kay Mayor Ruma.
09:20Arestado isang ginang sa Baguio City na inerereklamo ng extortion.
09:24Ang entrapment operation sa pagsaksi ni Oscar Oida.
09:29Wala nang nagawa ang ginang na ito nang arestoy na mataawa ng NBI car sa isang entrapment operation sa Baguio City kamakailan.
09:42Ayon sa NBI, nagpakilalang judge at naniningil ng 200,000 ang ginang kapalit ng pinapaayos umanong kaso ng komplainants.
09:50Na una na rin na aresto sa hiwalay na operasyon, ang kasabot nito na siya raw lumapit sa mga biktima na natalo sa land dispute case kamakailan.
10:00Nilapitan ko sila at sinabi ko sa kanila na may kakilala ko siyang judge na may malakas ang communication niya at maraming kakilala doon sa Port of Appeals or sa Supreme Court.
10:17So ang sinabi niya, kailangan daw kong bayaran yung judge na yun, yung RPC judge na yun na-retired ho.
10:23At siya na akong bahala para ilakad yung appealed case nila.
10:27Nagbigay ng initial na 30,000 pesos ang komplainants pero medyo nagdudao muna sila.
10:34May kakilala ko pala sila dito sa Baguio na dating staff ho ng prosecution service.
10:41Nakakilala rin ho itong RTC, tutong RTC judge ho na retired.
10:48So binili na nung staff, retired staff, napuntahan ho nila yung retired judge sa bahay niya
10:55at doon na nakausap ko nila nitong retired RTC judge.
10:59So sinabi ko ni RTC judge na wala ko siyang kinalaman doon sa extortion at di ko talaga daw siya nang hindi ng pera.
11:09Kaya ikinasan ang NBI ang magkasunod na entrapment operations.
11:14Baas sinisyal na pagsiyasat, hindi itong unang panluloko ng mga suspect.
11:19Kinasuan na sila ng NBI ng robbery extortion.
11:22Paalala ng NBI sa publiko, huwag papatol sa mga nagaalok ng anumang shortcut,
11:28lalo na kung batas ang pinag-uusapan.
11:31Sa mga dumadaan sa mga fixing, mas okay ho pag dumano tayo sa legal process talaga.
11:39Kasi at least so yun, alam natin na yung talaga yung nasa batas.
11:43May procedure ho kasi tayo when it comes to these cases.
11:46So we have to follow it.
11:47Para sa GMA Integrated News, ako si Oscar Oydang, inyong saksi.
11:53Dila may pahaging si Vice President Sara Duterte nang dumalo sa pagtitipon sa Maynila kahapon.
12:02Ang galing mo lang po iyong seal ng aking opisina.
12:09Ako palitan natin ang seal ng Office of the President.
12:13Sinabi po yan ng Vice sa isang campaign rally sa Tondo kahapon po yan.
12:20Tinanong siya roon kung hudyat ba ito ng kanyang pagtakbo sa eleksyon 2028.
12:25Patagal na rin tayo magkasama lahat.
12:29Patagal na rin ako natinitan ng sambayanan sa national stage.
12:33So naiintindihan na nila ako ano yung joke at yung joke.
12:37Pagamit ng mga armas gaya ng 50-caliber machine gun ng Philippine Navy,
12:44ang salipwesang pinagsanayan ng mga sundalo ng Pilipinas at Amerika
12:48para sa gunnery exercises na bahagi ng Multilateral Maritime Event sa Balikatan 2025.
12:54Saksi si Chino Gaston.
12:57Alas 8 ng umaga nagtagpo ang BRP Ramon Alcaraz, BRP Apollonaryo Mabini
13:06at USLSD Destroyer na Comstock sa karagatan ng North Luzon.
13:11Maya-maya pa, dumating na rin ang BRP Gabriela Silang ng Philippine Coast Guard.
13:16Pasado alauna ng hapon, dumating naman ang Littoral Combat Ship Savannah ng US Navy.
13:22Nakakaiba ang itsura dahil sa patulis at makantong hugis nito.
13:26Dito na nagsimula ang gunnery exercises na bahagi ng Multilateral Maritime Event
13:31ng Balikatan 2025 Joint Military Exercises.
13:40Isang punakoya ang ginamit na target dito sa gunnery exercises na ginawa sa karagatan ng North Luzon.
13:47Ito'y para masukat ang kukay at galing ng mga crew ng mga kalahok na barko
13:51sa paggamit ng kanilang mga armas gaya ng 50-caliber machine gun na ito.
13:56Magkakasunod na pinaputukan ng mga kalahok na barko ang target
14:01na nakadesenyong hindi lumubog kaagad kahit tadda rin pa ng bala.
14:08Sa may bandang Ilocos Norte din na mataan ngayong linggo
14:11ang isang surveillance ship ng Chinese Navy
14:13habang nakita rin dumaraan sa may batanes ang Chinese aircraft carrier Shandong.
14:18Pero hindi rao maapektuhan ang mga barko ng China ang ginagawang pagsasanay.
14:23The Multilateral Maritime Event aims to enhance our interoperability
14:30and cooperation with our allies.
14:34Sa gunnery exercises natin, this aim to enhance the capability of our personnel.
14:41Yung punamang replenishment at sea,
14:46napaka-importante po nito para may-extend po natin yung endurance ng ating barko.
14:51Para sa GMA Integrated News, sino gasto ng inyong saksi?
14:56Pinahimbisigahan ni Pangulo Marcos sa bayag kahapon ng National Security Council
15:00na may indikasyong nakikialam-umano ang China sa 2025 elections
15:04sa pamamagitan ng pagsuporta o paninira sa ilang kandidato.
15:08Ito po ay talagang nakakaalarma at paiiktingin pa po natin sa utos na rin po ng ating administrasyon
15:18na imbestigahan ng malalim para malaman po natin kung ano man ang katotohanan patungkol po rin.
15:25Pero sabi ngayon, ang foreign ministry ng China sumusunod ng China sa prinsipyo
15:31ng hindi pakikialam sa anilay domestic affairs ng ibang bansa.
15:36Lari na anilay silang interes sa pakikialam sa eleksyon sa Pilipinas.
15:41Mga kapuso, maging una sa saksi.
15:44Mag-subscribe sa GMA Integrated News sa YouTube para sa ibat-ibang balita.
15:48Mga kapuso, maging una sa saksi.