Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • yesterday
-SUV, nang-araro ng mga dumalo sa isang street festival na ipinagdiriwang ang Lapu-Lapu Day; hindi bababa sa 11, nasawi/30-anyos na driver na nang-araro sa mga biktima, arestado/Vancouver Police, walang nakitang indikasyon na Act of Terrorism ang insidente/ Canadian Prime Minister Mark Carney, nakiramay sa pamilya ng mga biktima/Pagtulong sa mga biktimang Pilipino, ipinag-utos ni PBBM/DFA at Philippine Consulate General, nakipag-ugnayan na sa Canadian authorities para matulungan ang mga apektadong Pilipino






-Pagnanakaw sa 11 panabong na manok, nauwi sa engkwentro; isa sa mga suspek, patay; 2 iba pa, sugatan






-Magsasaka, patay nang mahulog sa bukid ang minamanehong tricycle






-PHIVOLCS: 70 aftershocks, naitala kasunod ng magnitude 5.8 na lindol sa Cagayan






-INTERVIEW: TERESITO BACOLCOL, DIRECTOR, PHIVOLCS






-Ilang turista, oras ang ginugol sa pila para mabisita ang puntod ni Pope Francis/Mga kardinal mula sa iba't ibang bansa, kabilang din sa mga unang bumisiita sa puntod ng namayapang Santo Papa






-Cardinal Tagle, pinangunahan ang Divine Mercy Sunday Mass sa Pontificio Collegio Filippino


Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Transcript
00:00One of them is after a few SUV after a celebration of a lapu-lapu day in Vancouver, Canada.
00:12Inuitos na ni Pangulong Bongbong Marcos na bigyang tulong ang mga Pilipinong biktima sa insidente.
00:17Balitang hatid ni Bea Pinlak.
00:18Puno ng mga food truck at tao ang kalsadang ito sa Vancouver, Canada para sa isang street festival ng Sunset and Fraser Community bilang paggunita sa lapu-lapu day ng mga Pilipino roon.
00:34Pero ang masayasanang pagdiriwang
00:36na uwi sa trahedya ng Mang Araro ang isang SUV.
00:46Nagkalat sa kalsada ang mga katawan.
00:48Agad namang dumating ang mga emergency responder.
00:51Hindi bababa sa labing isang nasawi ayon sa Vancouver Police.
00:55Dose-dose na naman ang sugatan at kritikal ang ilan sa kanila.
00:59Ang SUV driver hinabol ng mga tao roon hanggang siya'y mahuli ng mga polis.
01:05Ayon sa pulisya, 30 anos ang lalaki na may problema umano sa kalusugan.
01:10Hinaalam pa kung sinadya ito ng suspect o isang aksidente.
01:13Wala naman daw indikasyon na isa itong act of terrorism ayon sa mga otoridad.
01:18Nakiramay sa mga biktima si Canadian Prime Minister Mark Carney.
01:21Nakikiisa raw ang kanilang bansa sa mga naulilang pamilya.
01:25Si Pangulong Bongbong Marcos,
01:27nakiisa rin sa pakikiramay sa mga pamilya ng mga nasawi.
01:31Ipinagutos niya sa mga diplomat ng Pilipinas na bigyan ng tulong ang mga biktima.
01:35Ang Department of Foreign Affairs at Philippine Consulate General sa Vancouver makikipag-ugnayan daw sa mga otoridad sa Canada para matulungan ang mga Pilipinong apektado ng trahedya.
01:47Bea Pinlock nagbabalita para sa GMA Integrated News.
01:51Ito ang GMA Regional TV News.
01:59Mainit na balita mula sa Luzon, hatid ng GMA Regional TV.
02:03Nauwi sa inkwentro ang pagnanakaw sa isang bahay sa Tarlac City.
02:07Kaya sa ano yung ninakaw ng suspect?
02:09Connie, labing isang panabong na manok ang sinubukang tangayin ng mga sospek.
02:18Batay sa investigasyon, nagising ang may-ari ng bahay na isang pulis dahil sa tahol ng kanilang aso.
02:23At nakita ang pagdanakaw sa kanyang mga manok na isinasakay sa tricycle.
02:28Sinita niya mga sospek na nagpaputok.
02:31Dahil hindi naman siya tinamaan, doon na siya kumuha ng baril at hinabol ang mga sospek.
02:36Nang maabutan, nagkapalitan ang putok ng baril.
02:39Patay ang isa sa mga sospek habang nakatakas ang isa.
02:43Dalawa naman ang sugatan sa insidente.
02:45Na-recover sa mga sospek ang isang kalibre .38 na revolver, tricycle at mga manok
02:50na tinatayang nagkakahalaga ng 132,000 pesos.
02:54Pinagahan na pa ang nakatakas na sospek.
02:58Patay naman ang isang magsasakaan ng madisgrasya ang minamaneho niyang tricycle sa Bacara, Ilocos Norte.
03:05Base sa investigasyon, nawalan ang kontrol ang biktima sa tricycle
03:08sa kurbad ng bahagi ng barangay Doripes hanggang sa mahulog ito sa isang bukid.
03:14Sinubukan siyang tulungan ng mga nakasaksing residente pero dead on the spot na
03:19ang 63 anyos na nalaki.
03:21Batay naman sa post-mortem examination, traumatic brain injury ang ikinamatay ng magsasaka.
03:28Aabot na sa 70 aftershocks ang naitala kasunod ng magnitude 5.8 na lindol sa extreme northern Luzon.
03:38Natuntunang Feebox ang epicenter ng lindol, 73 kilometers northwest ng Dalupiri Island sa Calayan, Cagayan.
03:45Naramdaman ang intensity 5 na pagyanig pasado alauna kaninang madaling araw sa Calayan.
03:50Intensity 4 sa mga bayan ng Pasukin, Macara at San Nicola sa Ilocos Norte.
03:54Intensity 3 naman sa Batak City, Ilocos Norte.
03:59Pinaalerto na rin ang mga residente sa posibleng aftershocks.
04:04Update po tayo sa epekto ng pagputok at kasalukuyang sitwasyon ng bulkang Bulusan sa Sorsogon.
04:09Kausapin po natin si Feebox Director Teresito Bakulkol.
04:13Welcome po sa Balitang Hari, Director.
04:16Yes, ma'am. Good morning din po sa inyo.
04:18Ano po yung kasalukuyang aktividad ng Mount Bulusan na namumonitor po ninyo ngayon?
04:26Okay, so after the 4.36 am eruption kanina, hindi na po ito nasundan.
04:31And then, right now, we raised the alert level from alert level 0 to alert level 1.
04:36I see.
04:37So, it means na dapat walang tao inside the 4-kilometer permanent danger zone.
04:43May mga ula din po tayo na may ashfall sa mga ilang barangay na sakop ng Erosin and Huban.
04:53I see.
04:53Posible ho ba na magdeklara ho kayo ng mas mataas na alert level sa nakikita ho nating activities ngayon?
04:59For now, hindi pa natin masasabi kung mag-escalate farther yung activity.
05:06But we will watch closely, monitor closely Bulusan Volcano.
05:10And kapag may mga nakikita tayong escalation of activities like increasing number of volcanic earthquakes,
05:18pamamaga ng vulkan, then we may raise it to alert level 2.
05:21But right now, based on current parameters, nasa alert level 1 pa rin siya.
05:26At pagdating naman sa Bantanang Lahar, may mga namomonitor na rin ba tayo bukod sa ashfall?
05:31May lahar na rin ba?
05:33Most likely, pwede ma-generate as lahars yung mga deposito.
05:38But again, tag-init naman ngayon, so wala pa tayong nakikita na Bantanang Lahar.
05:45But ito yung paalala natin sa ating mga kababayan, living around Bulusan Volcano,
05:50na kapag mayroon yung torrential rainfall, continuous and walang torrential and continuous rainfall,
06:00then yung mga nakatira along riverbanks ay magsilikas po kasi pwede po mag-generate.
06:06Nang lahar yung mga naibuka ng Bulusan Volcano.
06:10Yes, sir. Yung 24 active volcano ho ba natin, isa lang ngayon sa ngayon.
06:16Ano ang atin pong binabantayan? Kasi meron din tayong taal, meron din po tayo sa iba pa.
06:21Ano ho ang mga update natin?
06:24Okay, so out of the 24 active volcanoes, apat yung may alert level.
06:29Isa na dito yung Bulusan Volcano na nasa alert level 1.
06:33Taal Volcano nasa alert level 1 din.
06:35May yung Bulcano nasa alert level 1 and ang kanlaon Volcano na right now ay nasa alert level 3.
06:41Okay, so ito yung mga ito, babantayan lang at posible ho ba yun?
06:46Magkasabay-sabay, although hindi naman sila syempre magkakasama, ano?
06:51Wala effect ang isa sa isa't isa?
06:54Yes, walang effect yung isa't isa, independent po yung mga volcanic systems natin sa isa't isa.
06:59The thing is, we have 24 active volcanoes, na tulad yung nabagit yung kanina,
07:02and there's always this possibility na dalawa o tatlo magkakaroon ng risklessness simultaneously.
07:10Alright, marami pong salamat sa inyo pong update sa amin.
07:14Marami salamat din po.
07:16Yan po naman si Feebox Director Teresito Bakulkol.
07:18Kabilang po sa mga unang bumisita sa puntod ng namayapang si Pope Francis,
07:31ang mga kardinal mula sa iba't ibang bansa.
07:34Maraming turista na rin ang piniling puntahan din ang puntod ng Santo Papa.
07:39Mula sa Rome, Italy, balitang hatid ni Vicky Morales.
07:42Dahil sa paghimlay ni Pope Francis sa Basilica de Santa Maria Maggiore,
07:49asahan daw na mula ngayon magiging paboritong puntahan nito ng mga turista.
07:55Ngayon pa lang, ang mga kainan at tindahan sa palibot nito,
07:59e dinudumog na at dahil paikot na sa buong basilika ang mga pila,
08:03with matching security checks sa bawat misita,
08:06umaabot daw sa higit dalawang oras bago makapasok sa basilika.
08:11Nandito na po tayo ngayon sa loob ng basilika.
08:13Talagang wow, nakakabangha yung loob ng basilika nito.
08:16Tingnan nyo naman yung mga kinsame.
08:18Napaka-intricate, pati yung mga paintings sa mga dingding.
08:22Ito raw yung sinasabing mother ng lahat ng shrine na dedicated kay Mama Mary.
08:28Na-imagine ko yung mga panahon kumupunta rito si Pope Francis
08:31before and after ang kanyang mga apostolic journey para humingi ng gabay.
08:36Last time na may nailibing ng Santo Papa rito was taong 1903 pa.
08:41Habang nasa pila kami papuntang puntod ni Pope Francis,
08:45taintimang lahat.
08:46Ang tanging marinig ay yung ilang ulit na panawagan ng mga security staff
08:51na huwag magtagal para bumilis ang pag-usad ng pila.
08:55At habang nasa pila kami, biglang itinigil muna ang pagpapapasok sa mga deboto.
09:14Ito na ang sumunod na eksena.
09:16Sabay-sabay dumating ang mga kardinal mula sa iba't ibang bansa
09:20para bisitahin itong napakasimpleng puntod ng Santo Papa.
09:26Pagkatapos mag-alay ng dasal, nagsama-sama sila sa isang misa.
09:31Marahil humihingi ng lakas at gabay.
09:35Dahil isang linggo mula ngayon,
09:37sila rin ang magtitipon-tipon upang pumili ng bagong Santo Papa.
09:44Mula sa Rome, Italy, Vicky Morales para sa GMA Integrated News.
09:50Pinangunahan ni Luis Antonio Cardinal Tagle
09:55ang misa sa Pontificio Colegio Filipino sa Rome, Italy.
09:58Doon nanunuluyan ng mga kardinal kapag sila'y nasa Roma
10:01at mga Pilipinong pari na nag-aaral doon.
10:04Dumalo sa Divine Mercy Sunday Mass ang ilanating kababayang Pilipino.
10:08Pagkatapos ng misa, nilapitan at kinubustang si Cardinal Tagle
10:11ng mga Pinoy kabilang ang kapuso nating sina Vicky Morales at Jessica Soho.
10:15Isa si Tagle sa tatlong Pilipinong kardinal na magiging Cardinal Elector na Boboto.
10:20Para sa susunod na Santo Papa.

Recommended