Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 2 days ago
Tuluyan nang naapula ang sunog sa isang landfill sa Rodriguez, Rizal pero mapanganib pa rin ang usok nitong umabot hanggang Cubao, Quezon City. Delikado pa rin ang kalidad ng hangin para sa ilang residente ng tatlong lugar.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Tuluyan ang naapula ang sunog sa isang landfill sa Rodriguez Rizal pero mapanganib pa rin ang usok nitong umabot hanggang Cubao, Quezon City.
00:08Delikado pa rin ang kalidad ng hangin para sa ilang residente ng tatlong lugar. Alamin kung saan saan sa pagtutok ni Ian Cruz.
00:19Ganito kalawak ang sunog sa Rizal Provincial Sanitary Landfill sa Rodriguez Rizal na nagsimula linggo ng hapon.
00:27Mahigit 24 oras ang lumipas bago idiniklarang fire out ang nagarap na sunog dito sa Sanitary Landfill sa Rodriguez Rizal.
00:35Pero ngayon po, pasado alas 4 na ng hapon, makikita natin patuloy pa rin ang usok mula sa landfill.
00:42Kaya hindi tumigil ang pagtabo ng lupa ng mga dump truck ay sa BFP Rodriguez.
00:4790% na ng umuusok na bahagi ng landfill ang natabunan ng lupa.
00:52Sa gitna niyan, tuloy-tuloy rin ang pagpasok ng garbage truck.
00:56Kaya naman, ang mga nangangalakal tulad ng mag-asawang Orlando at Flores, pumalik na rin sa trabaho.
01:03Sa ngayon, wala na po kami mas mula nung mulan kahapon kasi nawala na yung usok.
01:08Kaya nga, pumakit na po kami, naramdam namin na wala na yung usok. Kaya nga, dito na kami natulog.
01:12Sana nga po, hindi na maulit po. Matanggal na po yung usok na may amoy, mabaho.
01:17Karamihan din sa 43 pamilyang inilikas kahapon, nagsibali ka na sa kanikanilang bahay.
01:24Nasa 6 na pamilya o 25 individual naman ang nananatili sa evacuation center hanggang kaninang umaga.
01:31Sabi ng LGU, natugunan naman daw ang lahat ng kanilang pangailangan.
01:36Nakipag-usap na rin daw sila sa pribadong kumpanya na may hawak ng landfill.
01:40At tinukoy na sa itaas na bahagi ng landfill, nagsimula ang apoy.
01:44Ito po'y outside grass fire na naka-apekto doon sa ating mga basura o doon sa ating landfill.
01:51And because of it, lalo nga sa init na rin ang panahon, kaya na-apektoan yung lugar, nag-escalate itong apoy na ito.
01:59Bunsod ng alinsangan ng panahon at inilalabas sa methane gas ng tambak ng basura.
02:05Kaya lumawak ang apoy at umabot sa lower portion ng landfill.
02:08Meron pa rin tayong risk na magkaroon ng rekindling ng flames.
02:13Kaya yun ang iniiwasan natin.
02:14Kaya maya't maya din ay nagkatabon tayo ng lupa doon sa mga umuusok pa ng mga area at nagbubuga pa rin tayo ng tubig.
02:21Umabot hanggang Quezon City ang usok dulot ng sunog kahapon.
02:25Kaya pinayuhan ng publiko na mag-mask dahil sa very unhealthy na air quality index sa ilang lugar.
02:32Bagaman mas gumanda ang kalidad ng hangin sa malaking bahagi ng lungsod ngayong araw,
02:36tatlong lugar pa rin ang naitalang may hanging unhealthy for sensitive groups.
02:41Kabilang dyan ang payatas, San Isidro at Cubaw.
02:45Para sa GMI Integrated News, Ian Cruz, nakatutok 24 oras.

Recommended