Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 2 days ago
Ilang kongresista, may iba't ibang mungkahi para mapalawak pa ang P20 rice program ng Marcos administration

For more news, visit:
►https://www.ptvnews.ph/

Subscribe to our DailyMotion Channel:
►http://www.dailymotion.com/peoples-television-incorporated

Subscribe to our YouTube channel:
►http://www.youtube.com/ptvphilippines

Like our Facebook pages:
►PTV: http://facebook.com/PTVph
►Rise and Shine Pilipinas: https://www.facebook.com/riseandshinepilipinas

Follow us on Twitter:
►http://twitter.com/PTVph

Follow us on Instagram:
►https://www.instagram.com/ptvph

Watch our livestream on:
►http://ptvnews.ph/livestream/
►https://www.dailymotion.com/PTVPhilippines

Watch our News Programs, every Mondays to Fridays

Rise and Shine Pilipinas - 6:00 - 7:00 am | 7:30 - 8:00 am
Balitang Pambansa - 7:00 - 7:30 am | 12:00 - 12:30 pm |
6:00 - 6:30pm | 9:30 - 10:00 pm
PTV Sports - 8:00 - 9:00 am
Bagong Pilipinas Ngayon - 12:30 - 1:00 pm
Sentro Balita - 1:00 pm - 2:00 pm
Ulat Bayan - 6:30 pm - 7:00 pm
PTV News Tonight - 10:00 pm - 10:30 pm

Saturday & Sunday:
►Sentro Balita Weekend - 1:30 - 2:00 pm
►Ulat Bayan Weekend - 6:15 pm - 7:00 pm

Category

🗞
News
Transcript
00:00Naghain ng iba't ibang mungkahi ang mga kongresista para mas mapalawak pa ang 20 Pesos Rice Program ng Pamahalaan.
00:06Tiniyak ng Kamara, katuwang sila ng administrasyon sa paghahatid na mas maginhawang buhay para sa bawat Pilipino.
00:13Ang detalye sa Balitang Pambansa ni Mela Lesmoras ng PTV Manila.
00:20Kumpiyansa ang liderato ng Kamara na malaki ang maitutulong ng 20 Pesos Rice Program ng administrasyon sa mga Pilipino.
00:28Para mapalawak pa ito at maging mas pang matagalan, naghain din sila ng iba't ibang mungkahi na maaaring gawin.
00:36Ayon kay House Committee on Agriculture and Food Vice Chair Elrey Villafuerte,
00:40maaaring paigtingin ang masagana rice program para ang murang bigas maibenta hindi lang sa piling lugar kundi sa buong bansa.
00:48Sa ilalim ng kanyang proposal, bibigyan ng 40,000 pesos per hectare na pre-planting assistance ng gobyerno
00:54ang mga magsasaka sa ilalim ng ilang kondisyon para ang kanilang ani maibenta sa mas murang halaga hanggang sa makarating ito sa merkado.
01:03May kahalintulad din mungkahi si Agri Partidist Representative Wilbert Lee na nakapaloob sa kanyang panukalang Cheaper Rice Act.
01:10Bukod dito, maaaring rin daw gawin ang sumusunod.
01:13Dagdag na suporta sa mga post-harvest facilities tulad ng mga dryers, treasers, rice mills at transport facilities,
01:24pati na ang pagpaparami sa mga kadiwa centers nationwide.
01:28Sabi naman ni House Speaker Martin Romualdez, maaaring magkasang gobyerno ng rice subsidy program
01:34kaysa direct cash transfer tulad ng ginawa sa kamigin sa pagtutulungan ng LGU, DSWD at local retailers.
01:41Maaari ang niyang pag-aralan ang modelong ito at handa rin tumulong ang Kongreso sa pagbuo ng pondo at mga patakaran ukol dito.
01:51Sa ngayon, may mga nakahain na rin panukala rito sa Kamara para mas mapagbuti pa ang sektor ng agrikultura sa bansa.
01:59Mula sa PTV, Melalas Moras para sa Balitang Pambansa.

Recommended