Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 2 days ago
Muling magtitipon para sa ika-anim nilang general congregation ang mga kardinal sa Vatican bago ang papal conclave o pagpili sa bagong Santo Papa simula sa May 7. Sa kabila ng pagpansin ng ilan sa dumaraming kardinal sa labas ng Europa kumpara sa mga naunang conclave, paniwala ng ilan, walang kinalaman diyan ang magiging pagpili na ginagabayan anila ng Espiritu Santo.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Muling magtitipon para sa ika-anim nilang General Congregation ang mga Kardinal sa Vatican
00:06bago ang Papal Conclave o Pagpili sa Bagong Santo Papa simula sa May 7.
00:12At sa kabila ng pagpansin ng ilan sa dumaraming kardinal sa labas ng Europa
00:16kumpara sa mga naonang conclave, paniwala ng ilan,
00:20walang kinalaman dyan ang magiging pagpili na ginagabayanan nila ng Espiritu Santo.
00:26Nakatutok si Maki Pulido.
00:30Sa huling tala, 133 kardinal electors ang lalahok sa isa sa gawang conclave sa May 7.
00:37Sino kaya sa kanila ang hihiranging bagong Santo Papa?
00:42Sa batas ng simbahang katolika, hindi kailangang kardinal para maihalal na Santo Papa.
00:47Sa kasaysayan nga ng simbahan, may mga naging Santo Papa na hindi kardinal.
00:51Merong lay people, pari at bishop.
00:53Ang unang pope, si St. Peter, ay isang manging isda.
00:57Pero mula taong 1378, puro kardinal na ang naihahalal para mamuno sa simbahang katolika.
01:03Paliwanag ni Fr. Joel Camaya, profesor ng Don Bosco School of Theology.
01:08Usually, kasi sila sila yung nandun, why would they choose somebody who would be from outside?
01:14Eh yun lang nga, hindi na nga sila sila, hindi na magkakakilala.
01:17Paano pa kayong iba from outside na sigurado hindi nila, hindi kakilala nung iba nila mga kasama.
01:25Sa mga cardinal electors, pinakamarami ang mula Europa na mahigit limampu.
01:29Sunod ang mahigit dalawampu mula sa Asia.
01:32Ayon sa Pew Research Center, dumami ang galing sa Asia, Africa at Latin America.
01:37Dahil sa mga appointment ni Pope Francis.
01:39Karamihan nga sa uupong cardinal electors ay appointee ni Pope Francis sa loob ng halos dalawang libong taon
01:45mula sa Europa ang mga nahahalal na Santo Papa hanggang noong 2013
01:50nang mahala si Pope Francis na mula Argentina, bansa sa Latin America.
01:55Pero ayon kay Fr. Joseph Donzaldivar, profesor sa San Carlos Seminary,
01:59sa huli walang ibig sabihin ang mga numerong yan.
02:02Dahil kahit tao lang din ang mga kardinal, ang proseso ng pamimili ay espiritual
02:07at pinaniniwala ang may gabay ng Espiritu Santo.
02:11Ganun ang Espiritu Santo kung minsan no?
02:13Na yes, he allows human components to enter,
02:21pero nanggugulat siya si Pope Francis din no?
02:24Parang everyone is expecting a European Pope.
02:28Tapos biglang, oh Latino-Amerikano, Jesuita pa.
02:33Ito ang mga Jesuita, kilala ko sila.
02:35Ayaw nila sana mag-obispo eh, eh maging papa pa.
02:39Para sa GMA Integrated News, Mackie Pulido Nakatutok, 24 Horas.

Recommended