Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 2 days ago
Hinarang at binuntutan ng mga barko ng China ang barko ng Philippine Navy sa bahagi ng Bajo de Masinloc. Giit ng Navy labag sa international regulations ang mapanganib na aksyon ng Tsina.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Sa ibang balita, hinarang at binuntutan ng mga barko ng China
00:04ang barko ng Philippine Navy sa bahagi ng Bajo de Masinluc.
00:08Geet ng Navy, labag sa international regulations ang mapanganib na aksyon ng China.
00:15At nakatutok si Joseph Moro.
00:20Habang binabantayan ang barko ng Navy na BRP Emilio Jacinto
00:24ang mga barko ng BFAR Philippine Coast Guard nitong lunes,
00:27lampas 20 kilometro mula sa Bajo de Masinluc sa Sambales,
00:31humarang sa harapan nito ang Chinese Navy Frigate 573.
00:35Nasa 200 metro na lamang ang layo ng barko ng China.
00:51Ang isa pang barko ng Chinese Navy nakabuntot din sa BRP Jacinto sa Layon 25
00:57hanggang 50 meters na lamang.
01:00Sinubukan ding harangin ang China Coast Guard Vessel 5403
01:03ang BRP Jacinto.
01:11Ayon sa Philippine Navy,
01:13hindi naman raw ito ang unang beses na lumapit
01:15ang mga barko ng Chinese Navy sa barko ng Philippine Navy.
01:19Pero dapat daw itigil ng China ang ganitong mga aksyon.
01:23Ayon sa Armed Forces of the Philippines o AFP,
01:26ang mga aksyon ito ay banta sa kaligtasan ng BRP Emilio Jacinto
01:30at paglabag sa International Regulations for Preventing Collisions at Sea.
01:35Nababahala ang AFP sa tinawag nito ang mga irresponsabling aksyon
01:39ng Chinese Maritime Forces.
01:41Sabi ng AFP, ang mga mapagbantang aksyon ay maaaring magdulot
01:44ng hindi pagkakaunawaan at makakapagpataas ng tensyon sa lugar.
01:48Pero sabi ng Southern Theater Command ng China,
01:52teritoryo nila, ang Bajo de Masinlok,
01:54sabay panawagan sa Pilipinas na itigil
01:56ang umunipang himasok, panguudyok at spekulasyon.
02:00Ito ay kahit nasa loob ng Exclusive Economic Zone
02:03o EEG ng Pilipinas,
02:05ang Bajo de Masinlok,
02:06tatapat lamang ng sambales.
02:08Sabi ng Philippine Navy,
02:09Para sa GMA Integrated News,
02:22Joseph Morong, nakatutok 24 oras.

Recommended