State of the Nation is a nightly newscast anchored by Atom Araullo. It airs Mondays to Fridays at 11:05 PM (PHL Time) on GTV. For more videos from State of the Nation, visit http://www.gmanews.tv/stateofthenation.
#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream #BreakingNews
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream #BreakingNews
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Category
🗞
NewsTranscript
00:00Wala pang napipiling bagong Santo Papa, kasunod ng tatlong round ng butohan sa PayPal Conclave.
00:13May report si Connie Sison.
00:17Parehong itim na usok na lumabas mula sa chimney ng Sistine Chapel sa Vatican City bandang alas 3 ng madaling araw.
00:24At kaninang 5.50 ng hapon, oras sa Pilipinas.
00:33Ibig sabihin, kasunod ng tatlong butohan, wala pang kardinal na nakakuha ng two-thirds ng boto o 89 votes ng 133 cardinal electors para maging susunod na Santo Papa.
00:44Are you disappointed that it's black? I mean, we were expecting it.
00:49Are you still coming back? Yes. I was disappointed it's a once in a lifetime.
00:53Kahit di tiyak kung kailan mapipili ang bagong Santo Papa, sabig at matilgang na gabang sa St. Peter Square ang mga deboto para sa puting usok.
01:02Matagal po naka-antay, pero mag-ATS pa rin. Excited po sa hanging years on.
01:10Masaya dahil nandito kami para sa putahan si Cardinal Cardinal.
01:17Apat na beses sa isang araw buboto ang mga kardinal. Ngayong araw, mayroon pang dalawang round ng butohan.
01:23Inaasahang mamayang 11.30 ng gabi ang ikatlong round.
01:27Kung wala pa rin mapili, ay wala munang ilalabas na anumang usok.
01:31Bandang alauna naman ng madaling araw ang ika-apat na butohan kung saan tiyak na maglalabas uli ng usok ang Sistine Chapel.
01:38Connie Ciso na babalita para sa GMA Integrated News.
01:49Dinismiss ng COMELEC ang petisyon para ma-disqualify sa senatorial candidate, Camille Villar.
01:55Sa inilabas na dokumento ng COMELEC Committee on Kontrabigay,
01:59hindi nila nakitang sapat ang mga ebidensya para ituloy ang pagsasampa ng reklamo.
02:04Sa patlawang paliwanag ni Villar, kaugnay sa umano'y vote buying.
02:10Inisuhan ng show cost order si Villar, kaugnay sa video ng pagdalo niya sa isang aktibidad sa Imus Cavite,
02:17kung saan may ipinamigay ng mga premyo sa raffle.
02:20Paliwanag ni Villar, nag-guest lang siya sa promotional event na naganap bago ang campaign period.
02:28Disqualify naman ng COMELEC 2nd Division si attorney Christian Sia bilang kandidato sa pagkakongresista
02:34sa Pasig City.
02:36Kaugnay yan ng kanyang komento, kaugnay sa single parents,
02:40na para sa COMELEC ay labag sa kanilang resolusyon laban sa diskriminasyon.
02:46Pwede pang mag-motion for reconsideration si Sia sa COMELEC on bank.
02:50Pero kung manalo man sa eleksyon,
02:52pinapasuspend ng 2nd Division ang proklamasyon niya,
02:54hanggang walang final resolution sa kaso.
02:58Kininga namin ng pahayag si Sia pero wala pa siyang tugon.
03:03Sa Social Weather Station Survey na kinumisyon ng Strat Base Group,
03:07labing dalawang pangalan ang nasa listahan ng mga posibleng mananong senador sa eleksyon 2025.
03:13Ito ay sina Congressman Irwin Tulfo,
03:15Sen. Bong Go,
03:17dating Senate President Tito Soto,
03:19Sen. Lito Lapid,
03:20broadcaster na si Ben Tulfo,
03:22dating Sen. Ping Lakson,
03:24Makati Mayor Abby Binay,
03:26Sen. Bato De La Rosa,
03:28Congresswoman Camille Villar,
03:30Sen. Pia Cayatano,
03:31Sen. Bong Revilla,
03:32at Sen. Aimee Marcos.
03:34Isinagawa ang nationwide survey noong May 2 hanggang 6, 2025
03:39sa pamamagitan ng face-to-face interviews sa 1,800 na registered voters edad 18 pataas.
03:47Tinanong sila kung sino ang kanilang iboboto sa pagkasenador kung gagawin ng eleksyon noong panahon ng survey.
03:54Mayroon itong plus minus 2.31% na error margin.
03:58JP Soriano, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
04:05May dalawang araw na lang para mangampanya ang mga kandidato,
04:09kaya tuloy ang kanilang paglatag ng plataforma.
04:12May report si Mark Salazar.
04:17Batas para sa transportasyon ang ipinangako ni Congressman Bonifacio Bosita sa Laguna.
04:23Sa Kalooka, nakipagdialogo sa ilang residente si Teddy Casino.
04:28Dikalidad na serbisyong panlipunan ang isinulong ni Congresswoman France Castro.
04:32Andun din si Mimi Doringo na nangampanya sa mga taga-antipolo.
04:38Batas para mapangalagaan ang likas na yaman ng bansa ang nais ni David D'Angelo.
04:43Pagkakaroon ng Department of Disabilities ang eminumungkahi ni Atty. Angelo de Alban.
04:48Sa Muntinlupa, nag-ikot si Senador Bato de la Rosa.
04:54Programa para sa mga kabataan ang isa sa tututukan ni Senador Bongo.
04:59Eviction Moratorium During Disasters ang isusulong ni Senador Lito Lapid.
05:05Pagpapanatili ng diwang makabansa ang panawaga ni Senador Francis Tolentino.
05:10Libring Maintenance Medicine ang itinulak ni Mayor Abibinay sa Cavite.
05:14Sa Quezon ng Ampanya si Congressman Rodante Marcoleta.
05:21Omento sa sahod ang itinulak ni Liza Massa sa Quezon City.
05:26Pagpapababa sa presyo ng pagkain ang isa sa advokasya ni Kiko Pangilinan.
05:32Paglaban sa korupsyon ang iginiit ni Ariel Quirubin sa Nueva Ecija.
05:36Pag-alis ng VAT sa kuryente at gasolina ang nais-isa batas ni Benjur Abalos.
05:42Paiigtingin ni Bam Aquino ang serbisyong hatid ng Microfinance NGOs Act.
05:47Pagtutulungan ng mga LGU at National Government ang tinalakay ni Sen. Pia Cayetano.
05:53Patuloy naming sinusunda ng kampanya ng mga tumatakbong senador sa eleksyon 2025.
05:59Mark Salazar, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
06:06Naghahanda na rin ng ilang mall na magsisilbing polling precinct sa lunes.
06:11Silipi niyan sa report ni Von Aquino.
06:16Nakahanda ng pasilidad ng isang mall sa Maynila na gagamitin para sa eleksyon sa lunes.
06:22Isa ito sa 42 mall na kasama sa mall voting program sa bansa, katuwang ang Comelec.
06:28Layo nito na mabigyan na maginhawa, maayos, mas madali at mas magandang karanasan sa pagboto
06:34ang mga votante, lalo na mga PWD, senior citizen at mga buntis.
06:39697 registered voters ang nakasign dito mula sa barangay 659 Manila na malapit lang sa mall.
06:46Mula doon sa holding area, dito naman sa mall voting area dadalin yung mga votante.
06:51Dito sa loob, may voters assistance desk at pagdating dito sa area na to, narito rin yung express lane para sa mga PWD, pregnant women at yung mga senior citizen.
07:03At pagdating naman po rito, ito na po yung mismong voting area.
07:08May media and poll watchers area rin.
07:14Ang makakapoto po dito ay yung mga residente, registered voters na nasa paligid ng mall.
07:21Nataroon muna ng consultation sa kanila.
07:23Bukas din ito mula 5am para sa mga vulnerable sectors at 7am para sa iba pang assigned registered voters.
07:30Wala kong pinagkaiba, may dala pa rin po tayong mga makina sa mga mall.
07:34Kung alimbawa po ilang presinto yan, nangangulugan, yan din po ang bilang ng mga makina na pinapadala po natin sa mga presinto pong yan.
07:42Some of the automated machines were already brought to the malls.
07:46And of course, that's something that they have been stored and secured properly.
07:51Ayon pa sa Comelec, libre ang ipinahiram ng mall owners at operators ang kanilang pasilidad, mga tauhan at kagamitan.
07:57Yan naman po ay ilang lamang sa mga pagbabago na sinasagawa natin.
08:02Ang lagi po talaga ang kasentro ng lahat ay yung tinatawag na higher voting experience.
08:08Yung walang tensyon, walang violence at walang fear sa kanila pong pagvoto.
08:12Maaaring bisitahin ang mga opisyal na social media accounts at websites ng Comelec
08:17para sa kumpletong listahan ng mga participating malls at assigned barangkays at precincts.
08:22Von Aquino, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
08:27Patay ang isang batang babae sa Cadiz City, Negros Occidental, matapos makuryente sa pagsacharge ng cellphone.
08:37Ayon sa ama ng biktima, nakita niya ang kanyang 6 na taong gulang na anak na isinasaksak ang hawak na charger sa isang outlet.
08:45Aksidente raw na hawakan ng bata ang metal part.
08:48Naisugod pa sa ospital ang biktima pero binawian ang buhay kalauna.
08:52Kahit tag-init ngayon, ilang lugar sa Mindanao ang binaha.
08:57Sa Dagupan City naman, umula ng yelo.
09:00May report si Joseph Moro.
09:05Matapang na tinawid ng ilang residente ang ramaragas ang Sapa sa South Cotabato.
09:09Ang isang lalaki kinailangan ng itali ang lubid sa kanyang katawan.
09:15Habang iba na galing sa pamamaling kaya hinintay na lamang na humupa ang tubig.
09:23Halos na ngayon na ang mga gamit na ito dahil sa lakas ng Agos ng Baha sa Bagong Bayan ng Sultan Kudarat.
09:30Dahil sa walang tigil na ulan hanggang baywag na ang taas ng baha sa ilang lugar.
09:34Pati mga alagang mga hayop gaya ng baboy inabot na ng tubig.
09:39Ating gabi naman, stranded ang ilang motorista sa Davao del Sur dahil sa baha.
09:46Nakatawid sila nang humupa ang baha matapos ang dalawang oras.
09:52Ulan na may kasamang yelo ang bumuhos sa Dagupan City.
09:56Sinlaki ng butil ng mais sa mga bumugsak na hillstones.
09:59Tumagal ng higit limang minuto ang hillstorms.
10:01Kasi malapin na tayo ng transesyon. Normal po yan.
10:06Lalo-lalo pag maya malinsangan ng panahon natin normal na normal yan.
10:10Bukas, asahang bubuti na ang panahon sa Palawan, Visayas at ilang bahagi ng Mindanao.
10:16Ayon sa pag-asa, nalusaw na kasi ang binabantayan nilang low-pressure area sa Sulu Sea.
10:21Easterlies naman ang magdadala ng maulap na panahon sa Metro Manila at iba pang bahagi ng bansa.
10:26Sa rainfall forecast ng Metro Weather, asahan ang ulan bukas lalo sa malaking bahagi ng Luzon.
10:33May chance na rin ng ulan sa Metro Manila sa hapon, pero posibleng mabawasan yan sa gabi.
10:39Joseph Morong, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
10:42Dennis Trillo, grateful sa back-to-back-to-back blessings bago ang kanyang birthday.
10:54Bukod sa bagong endorsement, ipapalabas na next month ang GMA Prime Series nila
11:00ng asawang si Jenny Lynn Mercado na sanggang dikit for real.
11:05Showing soon na rin ang movie nilang Everything About My Wife sa Hong Kong, Macau at UAE.
11:14Birthday wish ko ay sana, um, laging maging masaya yung pamilya.
11:20Yun lang yung hiling ko.
11:22Yun na, yun siguro. Yun na yung the best para sa akin.
11:29Smile trend version ni Michael V.
11:32Nangangamoy bagong parody.
11:34Kobe Paras, lumipat sa bagong kondo.
11:41Sa Instagram post ng basketball player,
11:45kita ang ilang gamit na hindi pa naka-unpack
11:48at ang masinsing paglilinis sa isang tila kondo unit.
11:53Nitong Abril, kinumpirma ng ina ni Kobe na si Jackie Forster
11:57ang hiwalaya ni na Kobe at Kailin Alcantara
12:01at ang pag-alis ng anak niya sa bahay ng Sparkle Star.
12:07Lor Santiago, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
12:13Huwag magpahuli sa mga balitang dapat niyong malaman.
12:17Mag-subscribe na sa GMA Integrated News sa YouTube.
12:20Na GMA Insurance, pain ina ni Kobe na si
12:25merupati sa tila uwad.
12:25Huwag magpahuli sa mga balitang.
12:26Huwag magpahuli sa naish ngoraya ni goba pa naka-un cum.
12:27Anshin ha naishin ha naishin ha naishin ha naishin nain Ito.
12:29Lakala.
12:30Huwag magpahuli sa vsi kad camera.