Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • yesterday
24 Oras: (Part 2) VP Duterte, naghain ng counter-affidavit sa reklamo laban sa kanya ng NBI; mga ginamit ni ngayo'y Pope Leo xiv sa Pilipinas at iba pang memorabilia, ingat na ingat ng mga Pinoy; Alden Richards, na-meet at nakausap ang Hollywood icon na si Tom Cruise, atbp.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Humarap at nag-hahin ang kontras sa Laysay sa Justice Department si Vice President Sara Duterte para sa reklamong inihain laban sa kanya ng NBI.
00:10Giit ng kanyang kampo, mabigyan ng due process ang bisi, bagay na tiniyak naman ng DOJ.
00:17At nakatutok si Salima Refran.
00:18Alas dos ng hapon, humarap sa Department of Justice si Vice President Sara Duterte, kaugnay ng mga reklamong grave threats at inciting to sedition na inihain laban sa kanya ng NBI.
00:33Nag-ukat ang mga reklamo sa online press conference ng bisi noong isang taon kung saan nagbitaw ng mga maanghang na salita si Duterte matapos i-cite in contempt at i-detainay sa kamera ang kanyang chief of staff na si Atty. Zuleika Lopez.
00:48Nag-hahin ang counter-affidavit si Duterte at hiniling na ibasura ang mga reklamo laban sa kanya.
00:54Do you expect due process sa mga i-iayat?
00:57Sabi ng mga abogado po, huwag daw ako magsasalita.
01:00We expect due process not just for the Vice President, pero kahit sino man lang na dumadaan sa preliminary investigations.
01:06Tinayak ng Justice Department na bibigyan ng bisi ng lahat ng pagkakataong sumagot sa mga reklamo.
01:12Anila, susuriin ng mga prosecutor ang mga ebidensya para masigurong mayroong prima facie evidence of reasonable certainty of conviction bago umusad ang kaso.
01:22Due process. No problem with due process. Everything, we respect the office. Alam mo naman eh, that's the most important.
01:30Inaasahang mag-hahin ang sagot ang NBI.
01:32Para sa GMA Integrated News, Sani Marafran, Nakatutok 24 Oras.
01:46Iaapila ni Pasig Congressional Candidate Christian Sia sa Comelec and Bank ang pag-disqualify sa kanya ng Comelec Second Division.
01:54Giit ni Atty. Sia, walang probisyon sa Safe Spaces Act tungkol sa grounds for disqualification ng isang kandidato.
02:00Ang naturong batas ang ginamit na basihan para i-disqualify si Sia dahil sa biro niyang alok sa mga solo parents sa isang kampanya.
02:09Sabi pa niya, pinakamabigat na parusa ang disqualification para sa isang kandidato kaya dapat ay mabigyan din daw ang basihan para rito gaya ng vote-buy.
02:18Idiniin niyang maaari pa siyang i-voto.
02:21Sakaling manalo, sinabi na ng Comelec na hindi siya ipoproklama hanggang walang final resolution sa kaso.
02:26Until mag-decide po ang Comelec and Bank na tayo po ay disqualifikado, dun lang po magiging final po yun.
02:38I-sustain man ng and Bank ang desisyon ng Second Division, pwede pa rin naman po tayong umakyat hanggang sa Supreme Court.
02:46Fanboy moment is real para kay Alden Richards na ang personal niyang mamit ang Hollywood icon na si Tom Cruise.
02:58Nagkaroon pa ng interaction ng dalawa sa red carpet.
03:01Sinabi ni Alden kay Tom na siya ang reason and inspiration kung bakit wala siyang stunt double sa kanyang action scenes.
03:08At si Tom din daw ang dahilan kung bakit gusto ni Alden na maging reservist ng Philippine Air Force.
03:13Ang lucky moment ni Alden na ganap sa South Korea para sa premiere ng pelikula ni Tom na Mission Impossible, The Final Reckoning.
03:23How I look up to Tom Cruise being one of the best action stars of all time and hopefully one day I can be like him.
03:32Sobrang idol ko yan sa lahat ng mga ginagawa niyang pelikula.
03:36Iniimbestigahan ng GMA Network ang napaulat na cyber security incident sa kumpanya.
03:42Base sa pagsusuri ng GMA, low value at walang sensitibo, personal o confidential na informasyon na nakapaloob sa data na naapektuhan sa insidente.
03:53Patuloy na nakikipagtulungan ang kumpanya sa technology partners nito at nananatiling committed sa pagtataguyod ng integridad at seguridad ng operasyon nito.
04:03Hindi matatawaran ang sakripisyon ng mga ilaw ng tahanan.
04:13Gahin ng isang single mother, sapateros.
04:15Sa kabila ng kanyang karamdaman, patuloy siyang naghahanap buhay para sa kapakanan ng kanyang mga anak.
04:21Kaya ngayong papalapit na Mother's Day, naisbigang pugay ng GMA Kapuso Foundation ang kanyang pagsisikap para sa kanyang pamilya.
04:33Kaya sa mga katulad kong isang ina, pati na rin sa mga tumatay yung ina, happy Mother's Day po sa inyong lahat.
04:40Gamit ang hiniram na bisikleta, araw-araw kumukuha ng panindang balut ang single mom na si Chinami sa kanilang lugar, sapateros.
04:55Kasama ang anak, walong taon na siyang balut vendor at kada araw, tatlong daang piso ang kanyang kita.
05:02Kulang na nga ang pantustos.
05:05Sa apot na anak, nadagdagan pa ang kanyang gastusin dahil sa kanyang idiopathic seizure disorder.
05:13Bigla na lang siyang nangingisa eh, naninigas.
05:16Isang itim na itim na yung kamay niya.
05:18Pag sinabi kasi natin idiopathic, ibig sabihin hindi natin alam ang dahilan.
05:23Ang seizure naman o ang sinatawag na kumbulsyon ay simptomas kung saan maraming ipinapakita yung pasyente.
05:32Gaya kunwari ng panginginig ng kamay, ng mukha, pabago ng damdamin, pag-iisip o yung pagkawalan ng malay.
05:43Kailangang tuloy-tuloy ang pag-inom ng gamot, huwag kayong magpapaliban kahit isang beses lang.
05:49Pero tuloy pa rin si Chinami sa pagkayod.
05:53Sinisiguro na lang niyang may kasama tuwing lalabas dahil hindi niya alam kung kailan magkakaseizure.
06:00Nakikilabada na rin siya kung saan kumikita siya ng 300 piso kada laba.
06:06Pandagdag din sa pambili ng kanyang gamot.
06:09Laking pasasalamat din ni Chinami na tinutulungan siya ng kanyang byanan sa pagpapalaki sa mga anak.
06:16Gusto ko na makatapos yun.
06:19Kasi walang ako pamilya, malayo.
06:24Kaya hindi ko inihawin mga yan. Simbol nung maliit pa.
06:27Saludo po ang GMA Kapuso Foundation sa mga ilaw ng tahanan na nagpupursiging maghanap buhay para sa kinabukasan ng anak.
06:39Kaya naman sinurpresa natin si Chinami ng mga food packs, bulaklak, pagkain at cake.
06:46Biligyan din natin siya ng gamot sa seizure na pang tatlong buwan at isang bagong bisikleta.
06:53Dahil nakailang balik sa Pilipinas ang bagong Santo Papa, ingat na ingat ngayon ang mga Pilipinong may natanggap na alaala mula sa ngayon si Pope Leo XIV.
07:13Pero hindi lang dito siya may nakasalamuhang Pinoy, kundi sa Universidad sa Amerika kung saan siya nag-aral.
07:20At nakatutok si James Agustin.
07:22Taong 2010 o halos labing limang taon na nakararaan ang ganapin ang Intermediate General Chapter ng Order of St. Agustin sa Pilipinas.
07:32Nagdaos noong nabanal na Misa sa San Agustin Church sa Intramuros, Maynila, na pinangunahan ng dating Prior General, Robert Francis Prevost, na ngayon si Pope Leo XIV.
07:42Kuha ang mga larawan na yan ni Father Genesis Labana, OSA, na seminarista pa lang noon.
07:47Si Father Labana na isang Filipino Agustinian priest na ngayon ay nasa Roma at nag-aaral.
07:53Nasaksihan mismo niya ang unang tagpo ng paglabas sa balkonin ng St. Peter's Basilica ng bagong talagang Santo Papa.
08:01Naiyak daw siya sa kasiyahan.
08:03Kwento ni Father Labana lunis ng huli niyang makita si Cardinal Prevost sa Agustinian General Curia at binati pangaraw siya nito na makasalubong sa kusina.
08:11Noong Enero ay siya rin daw ang nag-record ng video message ni Cardinal Prevost para sa ika-apat na kong anibersaryo ng inaugurasyon ng Agustinian Province of Santo Niño de Cebu.
08:21Nakita kami, sa likod ng kitchen namin, nagkasalubong kami, ako papasok, siya papalabas.
08:27Yung moment na yun na sabi niya sa akin, oh, it was in English, oh, Genesis, how are you?
08:34Na-surprise ako kasi he remembered my name. I never expected that with that very short encounter with him.
08:44Isa pang Filipino Agustinian priest ang may close encounter sa Santo Papa.
08:48Kuha ang mga larawang yan noong unang linggo ng abrid sa Roma.
08:51Kwento ni Father Jonas Mejares, OSA. Nagkasabay sila noon man ang halian ni Cardinal Prevost.
08:56Very cool, very approachable, mad few words, but he speaks with precision talaga, with calmness.
09:03He's with composure, but again, he speaks. When you talk to him or with him, right there and then straight to the point.
09:13Nang dumalaw naman sinuwi Father Robert Prevost sa Kolehyo San Agustinian sa Binyan, Laguna,
09:17may binigyan siya ng Certificate of Affiliation sa Agustinian Order at Medalya.
09:21Ito po yung fair money. Oh, when I heard his name, Diyos ko, ano kong binantahan yung cabinet ko?
09:28Kung saan ito nakapahagot?
09:29Buhay pa mga pulpito at upuan na ginamit ni Father Prevost nung bumisita siya noong 2010.
09:35Ito din po yung pulpito kung saan ay gumawa ng sermon o nagsermon yung aming prior general na si Father Prevost,
09:45na ngayon ay si Pope Leo XIV. Dito po siya nag-preside ng concluding mass.
09:51Si Father Prevost din ang nagbendisyon sa kumbento ng Santo Niño de Cebu Parish sa Talisay City sa Cebu.
09:56May gudasan si Prevost. Matagad yun siya. Matagad yun siya. May gudasan siya kina iya.
10:04Makakita gani mo. Oh, naang gudasan siya. Oh, maki mo kung nag-smile.
10:08Ganito rin ang pagkilala sa kanya na nakasama niya noong nag-aaral pa ito sa Villanova University sa Pennsylvania, USA.
10:15He would remember your name. Maalaala yung pangalan mo.
10:18And hindi lang basta bumabati siya, he would call you by your name.
10:22Para sa Jimmy Integrated News, James Agustin, Nakatuto, 24 Horas.
10:52Sa mga larawang ito na pinost sa Facebook page ng isang resort sa Andabo Hall, makikita ang kalunus-nulus na sinapit ng isang pawikan.
11:01Ang pawikan na isang endangered the green sea turtle, wala rang buhay ng madiskubre.
11:05Nakapuluputin daw ito sa isang tali.
11:07It's a very sad story today. We found a tight dead turtle underwater.
11:12At ang malalapa, sadya pa raw nag-binutas ang shell nito.
11:17We were horrified to find that a hole had been drilled into the turtle shell through which a rope was tied.
11:23It's unimaginable that anyone could inflict such cruelty on such a magnificent creature.
11:28Ang insidente nito, tahas ang kinondena ng One Pawikan Initiative,
11:32isang grupo na nakatuon sa pangangalaga, proteksyon at konserbasyon ng mga pawikan sa Pilipinas.
11:36May tuturing po natin siyang cruelty kasi po ito po ay labag sa pamumuhay ng pawikan.
11:41Hindi po itong maganda at nakaka-apekto sa natural biology ng mga pawikan.
11:45Ang pagbutas ng shell ng pawikan, paglabag sa Republic Act No. 9147 o Wildlife Resources Conservation and Protection Act.
11:52Pwede pong makulong ng hanggang labing dalawang taon at magmulta ng hanggang isang milyong iso.
11:58Kaya panawagan ng grupo.
11:59Dapat po ang mga otoridad, kagaya po ng DNR, Department of Tourism ay manguna po sa pagsasagawa ng investigasyon.
12:06Mahalaga po na may investigahan to lalo na po sa local government unit kasi po kapag hindi, magpapatuloy po ang ganitong gawain.
12:13We strongly condemn po yung ganun na activity sir kasi nga we have a very strong implementation of our coastal resource management.
12:20Naghihintay po kami ng update from DNR since we cannot trace po sir kung sino po talagang may gawa nun.
12:27Ang mga shell ng pawikan, hindi dapat sinisira.
12:30May napakalaga kasi itong papel sa kanilang kaligtasan at kabuwang pisikal na struktura.
12:34Kuya Kim, ano na?
12:39Ito po ang aking alagang pagong, isa siyang sulcata tortoise.
12:44Nasa mga 20 years na po sa akin to.
12:45Ito po ang third largest tortoise sa buong mundo.
12:48Gaya ng mga green sea turtles, meron din silang shell.
12:51Carapace ang tawag sa taas na bahagi ng shell at plastro naman ang tawag sa ilalim.
12:55Ang matigas nilang shell, pamprotekta nilang laban sa mga predator.
12:59Sumusuporta rin ito sa kanilang katawan.
13:01Bahagi kasi ito ng kanilang skeletal system.
13:03At nakakatulong para ma-regulate ang kanilang body temperature.
13:06Alam niyo ba, ang kanilang shell, meron po itong mga nerves.
13:09May pakiramdam ito pag hinahawakan natin at nakakaramdam sila ng sakit dito po sa kanilang shell.
13:15Huwag na huwag nating sisirain, sulatan, pinturahan at gawin dekorasyon ang mga ito.
13:20Samantala, para malaman ng trivia sa likod ng viral balita,
13:23ipost o i-comment lang, hashtag Kuya Kim, ano na.
13:26Laging tandaan, kimportante ang may alam.
13:29Ako po si Kuya Kim, at sagot ko kayo, 24 horas.

Recommended