Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • yesterday
The GMA Integrated News' 32-hour special coverage for #Eleksyon2025. 


Welcome to the official YouTube channel of GMA Integrated News, the News Authority of the Filipino. Updated daily with the latest top news and breaking news
.
Subscribe to the GMA Integrated News channel! https://www.youtube.com/@gmanews


Visit our website - https://www.gmanetwork.com/news/


Facebook - https://www.facebook.com/gmanews
TikTok - https://www.tiktok.com/@gmanews
Instagram - https://www.instagram.com/gmanews/
Twitter/X - https://x.com/gmanews

Category

📺
TV
Transcript
00:00Balikan po natin ng sitwasyon sa Baez Negros Oriental ilang oras na lang bago magsimula ang eleksyon.
00:06At naroon pa rin live, si Ian Cruz. Ian!
00:13Yes, Pia, patuloy nga yung paghahanda ng mga electoral board.
00:16Gaya nung nakikita nyo dito sa ating likuran, talaga nga naghahanda sila.
00:20Kinakausap yung mga watchers.
00:22Dahil nga maya-maya lamang Pia, darating na yung mga senior citizens at mga PWD.
00:27Dahil pwede na silang bumoto ng 5 a.m.
00:30Dito, Pia, sa buong Negros Oriental ay nasa 976,000 yung mga registered voters.
00:36At itinuturing ito, Pia, na pang number 22 doon sa mga tinatawag na vote-rich province ng bansa.
00:43Mas nakakalamang naman ang bahagya ang bilang ng mga kababaihang botante sa mga lalaki at mga millennial.
00:49Ang may pinakamataas na porsyento ng mga botante ng buong probinsya.
00:53Noong eleksyon na 2022, umaabot ng mahigit 85% ng voter turnout.
00:58Dito naman sa Bay City kung saan tayo naroon, tinatayang 63,000 voters ang kanilang butante.
01:06At noong eleksyon 2022, Pia, ay halos 83% yung kanilang voter turnout.
01:12At Pia, sa ngayon ay malamig pa ang panahon dahil nga hindi pa sumisikat yung araw.
01:17Pero ang nakikita natin na isa sa magiging challenge ay yung init ng panahon.
01:22Mamaya, ang magiging peak niyan ay nasa 32 degrees Celsius.
01:26At ang heat index, syempre, mas mataas pa.
01:29Below 40 degrees Celsius yung tinataya sa araw na ito.
01:33Kaya naman ang mga butante rito, syempre, pinapayuhan, magdala sila ng mga payong at pananga sa init.
01:39At syempre, yung iba, lalo na yung mga senior citizen, kinakailangan magdala ng tubig para maibsan yung mararamdaman nilang init.
01:46At mula nga rito sa Negros Oriental, ako si Ian Cruz ng GMA Integrated News.
01:51Dapatotoo para sa eleksyon 2025.
01:54Ako, Ian, magandang paalala yan sa ating mga kapuso na boboto sa araw na ito.
02:00Kailangan may tubig, kailangan mayroong mga pananga sa init.
02:04Dyan ba, Ian, ay may nakaset-up na halimbawa first aid center para dun sa mga mga nga ilangan ng paonang lunas?
02:15Yes, Pia, may mga mobile naman na umiikot din dito.
02:18At syempre, dito naman sa kanilang school, itong sa City Pilot School, may mga teachers din na mga train dito para magbigay ng mga first aid para dun sa mga mga ngailangan.
02:30At syempre, may mga set-up din sila later on para nga doon sa mga ngailangan ng pagpapabipi at iba pang mga medical na atensyon dito, Pia.
02:41At Ian, balikan lang natin yung ulat, yung tungkol dun sa motorcycle rider na nahulihan ng pera.
02:47Meron na bang update sa sitwasyon niya?
02:54Yes, Pia, ang sinasabi sa atin ng Negros Oriental Police Provincial Office,
02:59yun nga talagang pinakawalan muna itong lalaking yan, Pia,
03:02dahil nga sinasabi nila na kailangan idaan muna sa kontrabigay ng COMELEC yung sitwasyon niya.
03:08At ito kasi, Pia, ang nahuli ito doon sa checkpoint dahil nga walang helmet at nung binuksan yung compartment
03:15ng kanyang motorsiklo ay doon nga nakita itong mga sobre na hindi lang mayroong sample ballots.
03:21May mga pera pa, may 500 peso at 100 peso bill.
03:26So sa ngayon, Pia, pending yung sitwasyon diyan dahil nga pinakawalan muna siya.
03:31Pero later on, kapag marami pang ebidensyang nakalap ang otoridad,
03:37siyempre, ifa-file naman yan sa Commission on Election para mabigyan ng kaparusahan itong lalaking ito,
03:45kung talagang siya ba talaga ay nagplano na bumili ng mga boto doon sa kanilang bayan, Pia.
03:53Alright, maraming salamat, Ian Cruz.

Recommended