Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • yesterday
Narito ang update sa bilangan sa Pasig City na ika-walo sa mga vote-rich cities sa buong Pilipinas.


Para sa partial unofficial results ng #Eleksyon2025, magtungo sa www.eleksyon2025.ph


Panoorin ang 32-hour special coverage ng GMA Integrated News para sa #Eleksyon2025!  


WATCH: https://youtu.be/r3TGnPhyU5Y

Welcome to the official YouTube channel of GMA Integrated News, the News Authority of the Filipino. Updated daily with the latest top news and breaking news
.
Subscribe to the GMA Integrated News channel! https://www.youtube.com/@gmanews


Visit our website - https://www.gmanetwork.com/news/


Facebook - https://www.facebook.com/gmanews
TikTok - https://www.tiktok.com/@gmanews
Instagram - https://www.instagram.com/gmanews/
Twitter/X - https://x.com/gmanews

Category

📺
TV
Transcript
00:00Update naman tayo sa bilangan sa Pasig City na ikawalo sa mga vote-rich city sa buong Pilipinas.
00:08Nakabantay pa rin si Nico Wahe. Nico, anong latest?
00:15Maki, magandang umaga. Nag-manifesto nga ng motion for early proclamation itong si Congressman Roman Romulo
00:23dahil medyo napapatagal nga yung transmission ng mga voto dito sa Rizal High School Gymnasium dito sa Pasig City.
00:33Pero hindi muna yan pinayagan ng mga City Board of Canvassers natin.
00:39Ayon dito kay Atty. Felton Sadang, baka mas medyo tumagal pa raw dahil ang dapat na rule o yung dapat na gagawin
00:50para ma-approbahan yung motion na yan, ipaalam pa doon sa Comelec mismo para ma-approbahan.
00:57Baka mas matagalan pa raw sila na maghintay ng approval bago ma-approve yung motion na yan na manifest for early proclamation.
01:07Kaya ang gusto na lang mangyari nito mga City Board of Canvassers nila Atty. Sadang
01:12ay hintayin na lang na matapos itong canvassing.
01:16Meron makilabing apat na natitirang ACM na hinahantay ngayon para ma-manually transmit yung kanilang mga voto rito.
01:25Ito yung mga hindi nakapag-transmit electronically dahil one mahina yung signal
01:30kaya hindi makapagbato ng kanilang mga election returns or mga ER electronically dito sa Pasig City.
01:38Kaya kailangan ay dalin na dito mismo yung mga ACM para manually na i-transmit.
01:43Kanina may mga nauna na siguro mga 6 hanggang 7 mga ACM.
01:48Sabi ni Atty. Sadang mas mabilis daw yun, nahintayin na lang yung matapos yung manual transmission
01:55nitong mga ACM, yung mga memory card nyan dito sa canvassing area
02:00kesa maghintay ng approval ng commission on election na ma-approbahan yung manifest ng motion
02:07para sa early proclamation. Kasi kanina pa si Congressman Roman Romulo na nandito,
02:13nandula sa may principal's office, naghihintay.
02:16Kaya ngayon mukhang hihintay na lang matapos na ma-manually transmit itong 14 na ACM.
02:22Tinanong natin ano ba ang dahilan bakit matagal?
02:25Kasi may nakikita tayo ngayon pa lang dumarating.
02:27Sabi ni Atty. Sadang, dalawang problema kung ba't hindi agad dumarating yung mga
02:31i-manual transmission ng mga ACM. One ay walang sasakyan na magdadala, magde-deliver dito
02:41or meron naman sasakyan, wala namang polis. Ayaw namang pumayag ng COMELEC na magdala dito ng ACM
02:49para sa manual transmission ng walang mga polis escort. Kasi walang polis escort yung iba
02:55dahil nandito yung iba. Nanggaling din doon sa ibang prosinto para mag-assist
03:01at mag-escort ng mga dadalhin na ACM dito. Kaya yung iba ay kailangan maghintay.
03:07Mula rito sa Pasig City, ako si Nico Wahe ng GMA Integrated News. Dapat ito sa eleksyon 2025.
03:12So Nico, dahil meron ng nagmamanifest ng early proclamation,
03:17paingin naman muna ng update. Sino yung mga leading dyan sa local race ng Pasig?
03:22Okay. Maki, kanina sa huli nating silip doon sa mga leading.
03:32Sa pagka-Congressman, ang nananalo or ang leading ay si Congressman Roman Romulo
03:39na may 323,778 votes. Pero ito pa yata yung as of 11.30pm.
03:45Si E&C, ang nakasunod niya, may 15,414 na boto.
03:50Sa pagka-Mayor, ang nangunguna, siyempre Vico Soto na may 326,481.
03:56Ang kalaban niya, pangalawa, si Sara Diskaya na may 26,852.
04:02Sa pagka-Vise Mayor naman, nangunguna yan si Dodot Jaworski Jr. Maki.
04:08So dahil usapin ng proklamasyon, and of course dahil hindi pa naman kumpleto,
04:13pero mataas-taas na, di ba Nico? Mga ilan na? Ilan na yung election returns?
04:1995.38% na Maki. Kanina, nung huli nating live ng mga 11.30,
04:29nasa 92 pa lang siya or 93. Ngayon, 95, medyo kaunti yung nadagdag
04:34dahil nga dun sa mga hinihintay na ACM. Mataas-taas na.
04:37At tulad nung sinabi ko kanina, sabi ni Atty, mas gusto niya na mag-proclaim
04:41kapag 2 to 3% na lang yung natitirang hindi pa natatransmit.
04:47Kaso, may 14 pa na hinihintay. At ngayon, kanina, nakita natin,
04:50may ineangat ng ibang mga ACM. Sila na rin yung City Board of Canvassers na rin
04:56yung nagtanggal ng seal at nung mismong memory card para manually transmit yung mga boto rito.
05:02So, ibig sabihin nito, Nico, ibabantayan mo yan hanggang tumilaok ang manok.
05:11Malamang sa malamang, Maki. Ganun na lang mangyayari.
05:14Yung mga kasama ko nga rin dito, sabi nila, kayang-kaya, matibay naman.
05:18Kayang-kaya, syempre. Maraming salamat, Nico Wahe.

Recommended