Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • yesterday
The GMA Integrated News' 32-hour special coverage for #Eleksyon2025. 

Panoorin dito ang 32-hour special coverage ng GMA Integrated News para sa #Eleksyon2025: https://ow.ly/HHki50VQFxi

Welcome to the official YouTube channel of GMA Integrated News, the News Authority of the Filipino. Updated daily with the latest top news and breaking news
.
Subscribe to the GMA Integrated News channel! https://www.youtube.com/@gmanews


Visit our website - https://www.gmanetwork.com/news/


Facebook - https://www.facebook.com/gmanews
TikTok - https://www.tiktok.com/@gmanews
Instagram - https://www.instagram.com/gmanews/
Twitter/X - https://x.com/gmanews

Category

📺
TV
Transcript
00:00At kuha naman tayo ng update dito lang sa Quezon City, magbabalita live si Maki Pulido.
00:06Maki!
00:08Now sa init at siksikan ay may mga ilan na sa mga butante ang nahimatay.
00:13Actually dalawa sa kanila yung inabutan namin na nahimatay habang kami nag-iikot dito sa loob ng paaralan.
00:22Yung isa sa mga naabutan namin, sa isang siksikang presinto kasi,
00:26ang sabi niya, isang oras na raw siyang nakapila at dahil masikip yung pasilyo,
00:31ito yung corridor sa dami ng mga butante, siya yung saglit na wala ng malay.
00:37Nakarating naman actually agad yung medic at nabigyan naman siya agad ng first aid.
00:42At ang payo lamang naman sa kanya ay uminom ng maraming tubig, slightly elevated daw yung blood pressure.
00:48At posible raw na ito ay dahil nga dun sa init at sa pagod,
00:51kaya tangpayo lang sa kanya ay mag-uminom ng maraming tubig.
00:56So dun sa presinto kasi na yun, ay seven clustered precincts yung naroon,
01:01kaya naiipon yung mga tao.
01:02Sa ibang presinto ay hindi naman ganun katindi yung pila.
01:06So far, wala pa naman daw sa pakikipag-usap namin sa mga technical advisors,
01:11wala pa naman daw nasisirang automated counting machine dito.
01:14Nagkakaaberya lang minsan sa mga balotang hindi ma-feed sa scan.
01:18At kung nangyayari ito, medyo tumatagal talaga yung pila.
01:21Katulad ng isang botante, hindi naman masyadong madaming tao dun sa kanilang presinto.
01:26Pero dahil nagkaaberya, yung sinusundan niya na botante ay umabot pa rin ng 17 minutes
01:32mula sa pagpasok niya sa classroom hanggang siya'y malagyan ng indelible ink.
01:36So mas mabilis naman talaga ito.
01:38At ito, kumpara naman dun sa mga para sa senior citizens, PWU at Buntis,
01:45yung isang binantayan ko na senior citizen nagsimulang pumila ng 8.31 ng umaga.
01:50Nung mag-standby tayo rito, actually, ay hindi pa niya nakukuha yung balota,
01:54pero siya na yung kasunod.
01:56So hindi ko alam kung sa ngayon ay nakuha na yung balota sa kanyang presinto
02:00para makaboto na si Lola.
02:02So nagsimula siya actually sa pila niya, pinakadulo siya ng pila,
02:05at 8.31 a.m.
02:07So may mga isa kaming nakausap na hindi na kinaya na maghintay dito sa pila
02:13ng mga senior citizens, PWU-D at Buntis.
02:16So kahit nahirap maglakad dahil may kapansanan sa paglalakad,
02:19e talagang binuhat na siya ng kanyang mister,
02:22paakyat ng kanyang presinto na nasa ikalawang palapag.
02:25At dun, well, actually, in 10 minutes, nakaboto na yung botante.
02:30Pia, Ivan, Tita Mel?
02:32Oh, Maki, nako, nakikita namin sa video mo, labaspasok ang mga botante
02:37at talagang napakaraming tao dyan sa iyong kinatatayuan.
02:41At kanina, nasabi mo, buti nalapatan agad ng lunas o ng first aid yung nahimatay.
02:46Marami naman, sapat naman yung bilang ng ating mga first aid,
02:51or first responders yung mga magbibigay ng first aid dyan sa lugar.
02:55Maki?
02:55Yes, Pia. Actually, alam mo, nung nahimatay, nandun kami eh, nung nangyari yun,
03:01nung nahimatay yung isa sa mga botante, in actually 3 minutes, nandun na yung medic.
03:06Dahil may mga nakastandby dito ng first aid team, and actually may ambulansya pa.
03:12So, at least yun eh, napaghandaan.
03:14Isa kasi ito sa, well, ito na yung pinakamalaki, ano, na polling place dito sa Quezon City.
03:20So, inaasahan nila na talagang maraming botante na darating rito,
03:25at isa nga sa napaghandaan ay yung first aid team at yung ambulansya na nakastandby.
03:30Alright, o mabuti maraming medic ang naka-assign dyan at napakaraming tao.
03:34Maraming salamat sa iyo, Maki Polido.

Recommended