Ilang botante, nahilo habang nasa pila #Eleksyon2025.
Panoorin dito ang 32-hour special coverage ng GMA Integrated News para sa #Eleksyon2025!
WATCH: https://ow.ly/cEFT50VQHix
Welcome to the official YouTube channel of GMA Integrated News, the News Authority of the Filipino. Updated daily with the latest top news and breaking news
.
Subscribe to the GMA Integrated News channel! https://www.youtube.com/@gmanews
Visit our website - https://www.gmanetwork.com/news/
Facebook - https://www.facebook.com/gmanews
TikTok - https://www.tiktok.com/@gmanews
Instagram - https://www.instagram.com/gmanews/
Twitter/X - https://x.com/gmanews
Panoorin dito ang 32-hour special coverage ng GMA Integrated News para sa #Eleksyon2025!
WATCH: https://ow.ly/cEFT50VQHix
Welcome to the official YouTube channel of GMA Integrated News, the News Authority of the Filipino. Updated daily with the latest top news and breaking news
.
Subscribe to the GMA Integrated News channel! https://www.youtube.com/@gmanews
Visit our website - https://www.gmanetwork.com/news/
Facebook - https://www.facebook.com/gmanews
TikTok - https://www.tiktok.com/@gmanews
Instagram - https://www.instagram.com/gmanews/
Twitter/X - https://x.com/gmanews
Category
📺
TVTranscript
00:00Mahigit labing isang oras ng bukas ang regular voting hours sa Pasig.
00:06May ilang butante na nahilo habang sila'y nasa pila.
00:09Update tayo riyan mula kay Mariz. Umali, Mariz!
00:17Karabong maghapon nga na naging maalinsangan ang panahon dito sa Pasig,
00:21particular dito sa ating kinaroon na dito sa Nagpayong Elementary School.
00:24Noong sinek natin, 34 degrees Celsius yung temperatura,
00:28pero mas mataas pa rito yung damang init.
00:31Kaya naman talagang may imagine mo kung gaano katindi yung nararanasan dito.
00:36Tapos dikit-dikit pa dahil sa sobrang dami ng mga butante rito.
00:41Katunayan dito sa Nagpayong Elementary School, 47,429 ang registered voters.
00:47Isa sa pinakamarami dito sa Pasig.
00:49Kaya naman, syempre kung magkasabay-sabay na yan,
00:51nako, dikit-dikit para ng sardinas, dito sa mga hallways, dito sa mga classroom.
00:57At syempre, yung singaw din, napakainit na rin.
01:01Kaya halos sunod-sunod na rin yung mga pumunta sa Estasyon na Red Cross,
01:05may bungad ng Nagpayong Elementary School para magpa-check up.
01:09At lumalabas nga na tumaas yung kanilang blood pressure.
01:12Meron maaga pumunta, Karabong 6.30 a.m. pa lang.
01:15Kung tutuusin, 6.30, di pa yan masyadong mainit.
01:18Pumunta sila na maaga para maaga rin sila makaboto.
01:20Kaya lang, ang problema, noong mga oras pa lang na yun,
01:23na kumahaba na rin yung pila.
01:25Kasi sa totoo lang, kahit na 7 a.m. yung simula ng regular voters,
01:32mga as early as 4.30 a.m., meron nang nakapila ng mga regular voters.
01:36Talagang kasing-aga rin sila ng mga senior o mga priority sector.
01:40Kaya sa sobrang gutom nila, umuwi na muna sila at nahihilo na raw sila kasi.
01:45Pagbalik naman nila, sobrang init.
01:47Naglakad sila ng mga 20 minutos mula sa kanilang bahay,
01:50papunta dito sa nagpa-elementary school.
01:51Tilik na yung araw.
01:53Kaya pagdating dito, nakaramdam na sila ng hilo,
01:55nagpa-check up sila, mataas yung kanilang presyon.
01:58Meron naman din tayo nakausap si Nanay Mary Lynn,
02:00katatapos lang niyang bumoto.
02:01At least siya, nakaboto na siya.
02:03Nakaramdam ng pagkahilo at pananakit ng batok.
02:05Ayon sa kanya, 5th floor pa kasi yung kinailangan niyang akiatin,
02:08kahit na senior citizen siya.
02:10At naghintay pa siya doon sa taas ng 1.5 hours bago makaboto.
02:15Ayon, ang resulta, ang kanyang blood pressure, 160 over 80.
02:19Ang abiso ng Red Cross, magpahinga muna siya doon sa istasyon ng Red Cross.
02:23Ayon sa staff ng Red Cross, mahigit isandaan na yung nagpapatingin sa kanila
02:28as of 3 p.m.
02:30At karaniwan, ang dahilan nga ay matinding sakit ng ulo at pagkahilo.
02:34So, may mga nahimatay pangaraw ayon sa Red Cross dahil tumaas din yung blood pressure.
02:40Pero sa kabutihan palad, ay conscious naman na siya ngayon.
02:43Inaabisuhan ng Red Cross yung mga nagpapatingin sa kanila
02:46and even yung mga hindi nagpapatingin na lahat ay talagang mag-hydrate.
02:50Uminom ng maraming tubig dahil sa sobrang init nga ng panahon.
02:54At ang dahilan daw kasi ng kanilang pagkahilo at pagtaas ng presyon ay dehydration.
02:58So, ang talakara sa mga sandaling ito, past 4.30 na, 4.34,
03:03ay tuloy-tuloy pa rin yung dating ng mga registered voters dito sa nagpayong elementary school.
03:10Mahaba pa rin yung mga pila sa mga voting precincts.
03:14Meron dito yung mga nanonood lang muna ng nangyayari rito.
03:19Pero yung iba, nakaboto na, yung iba hindi pa.
03:23Meron dito sa aking side, yung mga hindi pa nakaboto,
03:27hinahanap pa rin nila hanggang ngayon yung kanilang mga presinto.
03:30Pero pasok na pasok pa naman sila dun sa oras kasi hanggang 7pm naman yung pagboto.
03:35Pero yung mga dun sa priority polling place,
03:39hanggang alas 5 na lang tatanggap ng mga senior citizens, PWDs at vulnerable sector doon.
03:45At pagdating ng alas 5 raw, ay isasaranan nila ito.
03:48At yung mga darating pang mga senior o yung mga PWD,
03:52ay kailangan na talagang umakyat sa kanilang mga presinto kung hahabol pa sila sa kanilang pagboto.
03:56So yun ang pinakasariwang sitwasyon mula pa rin dito sa nagpa-elementary school.
04:01Ako po si Marise Umali ng GMA Integrated News.
04:04Dapat totoo para sa eleksyon 2025.
04:07Kara?
04:07Maraming salamat, Marise Umali.