Avocado, hindi lang bagay sa gatas at yelo? Puwede rin daw ito sa tinola?! | Kapuso Mo, Jessica Soho

  • last month
Aired (August 4, 2024): May nagke-crave ba ng avocado riyan? Sakto, tumpok-tumpok at bagsak presyo ito ngayon sa mga bangketa't palengke!

Ang avocado, hindi lang swak haluan ng asukal at gatas... puwede rin daw itong isahog sa... tinola?!

Panoorin ang video.

'Kapuso Mo, Jessica Soho' is GMA Network's highest-rating magazine show. Hosted by the country's most awarded broadcast journalist Jessica Soho, it features stories on food, urban legends, trends, and pop culture. 'KMJS' airs every Sunday, 8:15 PM on GMA Network. Subscribe to youtube.com/gmapublicaffairs for our full episodes. #KMJS

Category

😹
Fun
Transcript
00:00Boogtong, boogtong. Ang balat ay kulay luntian o green, pero ang laman, dilaw. May kalakihan, ngunit masarap kainin at malinamnam.
00:15Sirit ang prutas na napapanahon ngayon. Avocado!
00:23Ang lamang ng prutas na ito.
00:26Haluan lang ng asukal, gatas at yelo. Ayos na ang buto-buto.
00:33At sa mga nagkikrave dyan, sakto! Tumpok-tumpok at bagsak presyo ito ngayon sa mga banket at palengke. Season na naman kasi ng avocado.
00:45Sa apat na ektaryang farm na ito sa Maragusan, Davao de Oro, may limampung puno ng avocado, kung saan nakakaharvest si Jake ng 300 kilos kada linggo.
01:01Dalawang klase ng avocado ang namumunga rito. Ang evergreen, na kulay verde pa rin ang balat kahit pahinug na. At yung tinatawag na binutilia, pabilug ang hugis at kulay violet ang balat.
01:15Ang lasa ay magkaparihas lang naman.
01:17Bago akyatin ang mga nagtatayugang puno na 30 feet ang taas, may itinali muna ng lubid si Jake sa kanyang bewang. Ang kabilang dulo naman ng lubid, nakatali sa bukag o basket.
01:32Pag punta namin sa taas, nilila namin yung basket pa itaas para may lalagyan ang avocado namin.
01:39Dahil karamihan sa mga bunga ng avocado, nasa dulo ng mga sanga, para maabot ang mga ito, gumamit si Jake ng sibot o panungkit na gawa sa kawayan.
01:57Ang mga napitas na avocado, paborito raw nilang gawing lamaw.
02:02Ang laman ng avocado, binudburan lang ng asukal, powdered milk, at...
02:14Bago naman ibagsak sa palengke ang kanilang ani.
02:18Classify namin yung avocado, yung class A, yung malaki, makines. Yung class B, yun yung maraming gas-gas at maliit.
02:27Naibibenta ito ni Jake mula 35 to 50 pesos kada kilo, depende sa laki at kalidad.
02:33Ang sabi ng customer namin, crisco at may lasa, masarap kasi fresh from the farm.
02:43Green gold, yan ang tawag sa avocado ngayon, dahil malaking dolyares ang kinikita ng mga nagtatanim nito sa mga bansang katulad ng Mexico at Chile.
02:55Mataas kasi ang demand para sa avocado sa Amerika, dahil itinuturing itong health food.
03:02Yun nga lang, matakaw sa tubig ang puno nito, kaya pinagmumulan din ito ngayon ng tagtuyot o drought, pati na ng gulo sa pagitan ng mga gang o mga sindikato.
03:15Sa mga bansa na katulad ng Canada, ng Russia, hindi siya tutubo dun. Sa mga bansa na yun na may mga snow, hindi kaya ng avocado mag-survive.
03:23Samantalang dito sa atin, wala itong kahirap-hirap na tumutubo at namumunga.
03:30Kaya dito sa FB Harrison Street sa Pasay, pinipilahan ang hindi pinitipid na serving ng avocado con hielo ni Ian.
03:41Marami kasi itong avocado, may dagdag na ibang sahog at hielo.
03:53Kinaaaliwan din ang customers ang bilis ni Ian sa pagtakal ng avocado.
04:00Parang mabilis mabawasan ang tao, kaya binibilisan ko. Saka kabisado ko na rin kasi ang galaw, kaya hindi na ako natatarantak.
04:06Kada serving ng avocado con hielo, mula 60 to 100 pesos, depende sa laki.
04:13Sa mga nagtataka, kung hindi ba nalulugi si Ian gayong napakagalante niyang magsahog ng avocado,
04:21ang sikreto,
04:23Mura lang daw kasi niya itong nabibili sa Divisoria.
04:28Gabi pa lang, namamakyaw na si Ian ang gagamitin avocado.
04:32Yun daw, mahihinog pa lang kinabukasan. At ang teknik para malaman ito, pinipisil-pisil.
04:43Kinabukasan, mano-mano niyang kinutsara ang laman.
04:53Dahil sa avocado con hielo ni Ian, kumikita siya ngayon ng libo-libo kada araw.
05:02Napag-aral ang apat niyang mga anak, lumago ang kanyang negosyo.
05:09Pero ang avocado, hindi lang pangmerienda.
05:13Si Chef Rico, hindi sayote o papaya ang isinasahog sa kanyang tinola, kundi avocado.
05:21Naubusan ako ng sayote at papaya, ang natitita na lang sa puno ng aming probinsya ay ang avocado.
05:28Kaya naisipan ko itong ilahok sa tinolang manok.
05:32Sa paggawa ng tinola sa avocado, naggisa muna siya ng sibuyas, luya at bawang.
05:40Inilagay ang manok, tinimplahan ng patis, dinagdaga ng chicken stock.
05:46Ang gagamitin natin kaldo yung hugas bigas, mas malinam nam.
05:52Dahon ng sili at malunggay.
05:57Ang sangkap na avocado.
05:59Inilagay na natin ang ating manibalang na avocado.
06:02Nasa kalagitnaan siya ng hinog at hilaw.
06:09Tinolang kakaiba, tamang tama sa tagulan.
06:14Kakaiba yung lasa niya, masarap siya.
06:17Kumpira sa papaya, medyo may kapaita ng konti, masarap, malinam na.
06:26Masyado siyang ma-fiber, may lahi kaming diabetic, so pang-control din ang blood sugar.
06:32Maraming vitamins and minerals ang taglay ng avocado.
06:35Ang number one dito ay yung potassium para i-regulate ang normal blood pressure.
06:40Ang taglay na cholesterol nito ay tinatawag naming plant cholesterol.
06:45So it's a good fat na tumutulong upang alisin sa blood vessels natin ang bad cholesterol.
06:52Suwerte talaga tayo rito sa Pilipinas.
06:55Saganang-sagana sa avocado.
06:58Hindi na nating kailangan pang pag-awayan, katulad ng nangyayari sa mga bansa ng mundo na ine-export ito.
07:07Dito, ang masarap na avocado, walang kahirap-hirap na masusungkit at matitikman.
07:15From the yard, to the table, to the chan!
07:25Thank you for watching, mga kapuso!
07:28Kung nagustuhan nyo po ang videong ito, subscribe na sa GMA Public Affairs YouTube channel.
07:33And don't forget to hit the bell button for our latest updates.

Recommended