• 2 months ago
Panayanm kay Disaster Response and for Administrative and Finance Services Usec. Randy Escolango ng DHSUD ukol sa tulong sa mga pamilyang apektado ng Bagyong #EntengPH

For more news, visit:
►https://www.ptvnews.ph/

Subscribe to our DailyMotion Channel:
►http://www.dailymotion.com/peoples-television-incorporated

Subscribe to our YouTube channel:
►http://www.youtube.com/ptvphilippines

Like our Facebook pages:
►PTV: http://facebook.com/PTVph
►Rise and Shine Pilipinas: https://www.facebook.com/riseandshinepilipinas

Follow us on Twitter:
►http://twitter.com/PTVph

Follow us on Instagram:
►https://www.instagram.com/ptvph

Watch our livestream on:
►http://ptvnews.ph/livestream/
►https://www.dailymotion.com/PTVPhilippines

Watch our News Programs, every Mondays to Fridays

Rise and Shine Pilipinas - 6:00 - 8:00 am
Bagong Pilipinas Ngayon - 12:00 - 1:00 pm
Sentro Balita - 1:00 pm - 2:00 pm
Ulat Bayan - 6:00 pm - 7:00 pm
PTV News Tonight - 9:30 pm - 10:30 pm

Saturday & Sunday:
►Ulat Bayan Weekend - 6:15 pm - 7:00 pm

Category

🗞
News
Transcript
00:00Tulong para sa mga pamilyang apektado ng bagyong endeng ating pag-uusapan
00:04kasama si Disaster Response and for Administrative and Finance Services
00:08Undersecretary Randy Escolango ng Department of Human Settlements and Urban Development o DSUD.
00:14Usec Randy, magandang tanghali po at welcome sa Bagong Pilipinas ngayon.
00:18Magandang tanghali po a si Queng and magandang tanghali po ma'am Nina
00:22at magandang tanghali po sa ating mga tagapakinig.
00:25Marami salamat po sa pag-invita po sa amin.
00:27So sir, bilang DSUD ang shelter cluster ng NDRRMC,
00:31ano po yung mga tulong na naipamahaginan ng DSUD sa mga kababayan natin na sinalantan ng bagyong endeng?
00:37Sa ngayon po, naiso namin iparating sa ating mga kababayan yung aming programa sa DSUD,
00:42yung tinatawag po na Integrated Disaster Shelter Assistance Program o yung IDSAP po.
00:48Dito po sa aming panibagong guide or sa bagong guidelines na inisio noong July 22,
00:55dati po kasi ay kino-cover lang namin ang totally damaged houses.
01:00But ngayon po, sa bago po dumating yung bagyong karina,
01:04ay i-kino-cover na rin namin kasama ang partially damaged.
01:08Nagbibigay po kami sa totally damaged ng Php 30,000 at doon po sa partially damaged ng Php 10,000.
01:16Maaari nyo po bang ipaliwanag sa amin kung paano po makapag-qualify dito po sa Disaster Shelter Assistance Program o IDSAP ng DSUD?
01:26Ito pong aming programa na ito na IDSAP,
01:29ay bino-opo ni Secretary Jose Rizalino Acusar upang makatulong po sa ating mga kababayan,
01:35lalo na po yung mga nasiraan ng kanilang tahanan, partially and totally damaged.
01:41At ang proseso po para po maka-avail nito,
01:44ay kinakilangan pong yung ating mga beneficiaryo na tinamaan ng kalamidad,
01:50magpupunta po sila sa kanilang local housing board sa LGU na nakakasakop sa kanila,
01:55upang ma-include po yung kanilang pangalan ng kanilang head of household sa master list of beneficiaries.
02:03At number two po, kinakilangan mag-submit po ng disaster report.
02:07At number three, yung certificate of eligibility.
02:11Tatlo pong requirements yun na ipapadala po sa amin ng LGU.
02:15At ang gagawin naman po ng beneficiaryo or yung natinamaan po ng kalamidad,
02:20ay magsasubmit lang sila ng ID at ipipill out lang yung form,
02:24ng beneficiary form.
02:25Ganun lang po ang hinihingi ng LGU para po makumpleto at ma-include sila sa master list.
02:31So Yusef, kabilang po ba dito sa IDSAP yung urban at saka rural areas?
02:35Yes po, ito po alam nyo naman ang disaster.
02:38Wala naman talagang pinipili yan kahit nasa urban or rural.
02:42Basta tinamaan ka po ito, ito po ang unconditional assistance na binibigay ng DSUD,
02:46kaya po kasama po lahat.
02:48Sir, ayun naman po sa Senate budget hearing kamakailan,
02:524.4% lamang po ang nagagamit na budget para sa IDSAP.
02:58Ano po ang dahilan nito?
02:59Magkano po ba yung kabuoan?
03:01And magkano na po yung naipamigay ninyo or na gastos?
03:04Opo. Ang inallocate po ng ating kongreso o ng ating gobyerno para po sa programa na ito ay 200 million for this year.
03:15At ang nabanggit po namin ay 8.8 million pa lang ang nagagastos natin dahil ito ay mga fire incidents pa lang.
03:25Yung first half po natin ay fire incidents po yung mga nag-claim.
03:28At alam nyo naman po, bagamat malaking pondo ang ibinigay sa atin,
03:32ang basis po ng distribution natin is as need arises.
03:35Hindi naman po natin gugustuhin na magkaroon ng kalamidad.
03:39Pero naghahanda talaga tayo ng pondo, ng malaking pondo,
03:42para kung dumating yung sakuna na ito, pero tayo talagang handang ipamigay sa mga tao.
03:47At ngayon naman po, second half, ngayon pa lang nagsisimula.
03:50Yung mga disaster natin, yung mga bagyo, sunod-sunod na po yan.
03:55Nagsimula na yung karina, eto na nga po, enteng na, ano na yung mga sunod-sunod, marami pa po.
04:00Dito na po, ilalaan natin yung pondo na mga susunod na, mga natitira pa.
04:06So yung karina po, na hindi kasama doon sa 4.4%, nasama na po, hindi pa?
04:13Hindi pa po. Ngayon pa lang po sila nagkompleto ng mga dokumento.
04:18Kaya nga po, yung aming mga regional directors, yung mga regional offices namin, talagang pinupukpuk namin.
04:25At totoo naman, na yung aming mga opisina ay talagang derechong nakikipag-coordinate sa mga LGO.
04:30Kami na po yung nag-reach out sa kanila, proactive role.
04:33Binibigay po namin sa kanila, eto po ang aming programa, i-avail nyo po ito, lalo na kayong mga tinamaan ng kalamidad.
04:40Eto ang mga requirements, simply lang po ang aming requirements.
04:43Dati po kasi ang nagbibigay ng shelter assistance ay ang DSWD.
04:47Pero dito sa aming, dahil wala na humpon doon ang DSWD, binigay na po, nasa amin na, hindi po binigay.
04:53Meron na po kaming shelter assistance, ay pinagaan pa po namin yung requirements.
04:58Kesa doon sa dating requirements ng ESI, yung meron na po kasi silang ESI, yung Emergency Shelter Assistance.
05:04Nung paglipat po sa amin, ngayong taon na ito, mas magaan yung requirements.
05:08Madali lang po ang requirements, kaya po ang pakisuyo namin sa mga local government unit or sa LGO,
05:14ay kaagad, para maibigay namin tulong, submit nyo ang master list,
05:20submit ang disaster report, and is submit a certificate of eligibility.
05:24So Yusef, kung sakali naman po na maubos ang budget, may napagkukunan pa po bang pondo na sasapat para sa buong taon?
05:30Or nangyari na ba na medyo parang iniisip nyo, nagkukulang na ng pondo?
05:34Dito po sa nakaraang karina pa lang, ay base ho doon sa mga natanggap naming information na mga partially and totally damaged,
05:43parang umaabot na po ito ng mga Php 113 million kaagad.
05:48So kung lahat ito ay magsasubmit sa amin ng request for assistance, at ito yung mabayaran namin, kaagad yun, tanggal na.
05:55Tapos itong may mga malalaking sunog sa Cavite, almost Php 20 million, magre-release kami, sa iba pang mga lugar.
06:03Kaya ho, iniisip namin, mauubos ho yan, bago pa matapos ang taon na ito, dahil marami pa tayong mga bagyo.
06:11Dahil alam nyo naman, second half talaga nauubos. Kaya kung Php 4.4% sa first half, sa tingin ko talaga normal ho yan.
06:18Dahil yung mga dilubyo or disaster dito sa second half.
06:21Ngayon po, ayon sa amin panuntunan, pwede ho kaming manghingi ng karagdagang fund,
06:27or yung quick response fund sa NDRMC, or sa National Disaster Risk Management Council.
06:33Pwede ho kaming manghingi. At mayroon pong mga pondo nakalaan para ho dyan.
06:38Kasi kung Php 113 na agad sa Carina po, may enteng pa eh. Tapos paparating pa po yung lani nya.
06:46So sigurado po yan. Baka kailangan nyo ng... Anong estimate nyo po?
06:54Alam nyo naman, ginaman tayo makapag-estimate kasi depende ho yan sa mga darating pang mga kalamidad.
07:00Kaya nga ho, humingi kami ng pondo for next year, humingi kami ng Php 581 million.
07:07Pero ang guaranteed pa lang sa NEP namin ay Php 200 million.
07:10Pero baka ho, sa mga susunod ay maihagyal pa namin or mapakiusap pa natin sa ating mga mambabatas,
07:17dagdagan pa dahil makukulang talaga ang Php 200 million.
07:21Kasi bukod sa disaster, sabi nyo nga po, tumutulong din kayo sa mga nasunugan.
07:25Hindi naman natin masasabi kung kailan magkakasunog o magkakaroon ng disaster.
07:29Kasi po ang IDSAP ay hindi lang po natural disasters.
07:33Nukover niya rin po ang man-made disaster katulad po ng nasunugan.
07:36Yan po yung mga covered po namin.
07:39Okay. So saan naman po maaaring makipag-ugnayan ang inyong mga beneficiaries na sinalanta ng bagyong enteng at habagat?
07:48I understand you were mentioning the LGU.
07:50Yes.
07:51So kailan sa LGU po sila, hindi direkto sa Bisol?
07:55Sa LGU po sila makikipag-ugnayan kasi may local housing board po doon na sila din po yung magsasabit ng mga requirements.
08:03Pero pwede rin po sila makipag-ugnayan sa DSUD na may regional offices po kami nakakasakop sa kanila
08:09para pong mag-guide-an po namin sila ano po yung mga dapat nilang gawin.
08:13At maiparating din namin, mairepair din namin sila sa concern LGU po.
08:18So Yusef, paano naman po sinisiguro ng DSUD yung kalidad at kaligtasan ng mga pabahay ng pamahalaan mula sa mga sakuna tulad ng bagyo?
08:26Alam nyo naman po yung ating sekretary, ako sir, is a, alam nyo pong isang matagumpay na developer po yan.
08:34Nagtatayo talaga siya ng mga pabahay at mga malalaking gusali.
08:40Kaya talaga po sumusunod siya sa mga structural specifications at technical specifications.
08:48Siyempre po sinusunod talaga sa pagpapatayo ng aming mga pabahay,
08:52lalo na yung pabansang pabahay para sa Pilipino program namin,
08:55sinisiguro talaga sumusunod sa National Building Code at sa iba pang mga panuntunan natin ukol sa pagtatayo ng pabahay po.
09:10Sa ating mga kababayan, ang aming sekretary Jose Rizalino, ako sir, hindi po tumitigil.
09:16Nag-iisip paano po makatulong sa ating mga kababayan.
09:20Meron po kaming pambansang pabahay para sa Pilipino program.
09:24Ito po ay nagbibigay ng tulong sa ating mga kababayan maka-avail ng mas murang pabahay.
09:29Meron din po kaming programa sa mga nasalantan ng disaster.
09:33Man-made man o ito man ay natural.
09:36I-avail nyo po ito. Madali lang po ang requirements.
09:39Pag tinama, nasira po, partially at damage sa bahay nyo or totally damaged,
09:43magsadya ka agad kayo sa inyong local government unit, sa inyong munisipyo, sa inyong city hall para po mag-avail nito.
09:5030,000 ang ibibigay namin sa totally damaged at 10,000 sa partially damaged.
09:56Para po ito sa inyo, kaya ito po ay dapat nyo matanggap.
10:01Maraming salamat po sa inyong oras, disaster response and for administrative and finance services,
10:06Undersecretary Ran De Escolango ng DISUD.
10:09Maraming salamat po.

Recommended