• last month
Panayam kay DOJ Usec. Margarita Gutierrez kaugnay ng nilagdaang kasunduan laban sa human trafficking

For more news, visit:
►https://www.ptvnews.ph/

Subscribe to our DailyMotion Channel:
►http://www.dailymotion.com/peoples-television-incorporated

Subscribe to our YouTube channel:
►http://www.youtube.com/ptvphilippines

Like our Facebook pages:
►PTV: http://facebook.com/PTVph
►Rise and Shine Pilipinas: https://www.facebook.com/riseandshinepilipinas

Follow us on Twitter:
►http://twitter.com/PTVph

Follow us on Instagram:
►https://www.instagram.com/ptvph

Watch our livestream on:
►http://ptvnews.ph/livestream/
►https://www.dailymotion.com/PTVPhilippines

Watch our News Programs, every Mondays to Fridays

Rise and Shine Pilipinas - 6:00 - 8:00 am
Bagong Pilipinas Ngayon - 12:00 - 1:00 pm
Sentro Balita - 1:00 pm - 2:00 pm
Ulat Bayan - 6:00 pm - 7:00 pm
PTV News Tonight - 9:30 pm - 10:30 pm

Saturday & Sunday:
►Ulat Bayan Weekend - 6:15 pm - 7:00 pm

Category

🗞
News
Transcript
00:00Magandang hapon sayo, Usec Marge.
00:02Magandang hapon sayo, Ninia, and happy Terrania Tuesdays.
00:05You're looking very cutesy, very mindful, very demure.
00:09Very demure.
00:10Of course, you as usual, Usec Marge.
00:14At tamang-tamang, gusto ko lang sabihin na this weekend, may hobby fair.
00:18Or may katutubo fair this weekend.
00:20And next weekend is the Likhang Hobby Fair naman.
00:23Okay.
00:24So, unahin natin ito, Usec Marge.
00:27Oficial nang nilagdaang kasunduan laban sa trafficking at exploitation ng mga bata.
00:33Ano ang detalye dito, Usec Marge?
00:36Ninia, official nang nilagdaan ng Interagency Council Against Trafficking, o IACAT,
00:41kasama ang Office of the Prosecutor General at Office of the Solicitor General,
00:46ang isang Memorandum of Agreement kahapon na bubuo sa isang legal task force
00:52na magpapalakas sa laban kontra sa trafficking at exploitation ng mga bata.
00:56Ang kasunduan ay nilagdaan sa Makati City na mga pangunahing official ng IACAT, OPG at OSG.
01:03Ang task force ay tututok sa mga kaso ng trafficking in persons, online,
01:09sexual abuse at anti-child sexual abuse or exploitation materials.
01:14Ayan kay Justice Secretary Jesus Crispin Boyeng-Remulla,
01:17mahalaga ang kooperasyon ng iba't-ibang ahensya upang wakasan
01:22ang pang-aabuso sa kabataan at siguruhin na may kaukulang suporta ang mga biktima.
01:30Dito naman tayo sa hakbang ng DOJ sa kaso ng pagpatay sa isang race car driver,
01:39sampung taon na ang nakalipas. Ano ang update dito, Usec?
01:43Nangako si Justice Secretary Jesus Crispin Boyeng-Remulla
01:48na hindi titigil ang DOJ hanggat hindi nahuhuli sa Dalia Guerrero Pastor
01:53ang sinasabing kasabwat sa pagpatay sa kanyang asawa na si Ferdinand Enzo Pastor
01:58na napabalitang umalis ng bansa at nagtago sa Indonesia o Malaysia.
02:03Ito ay kasunod ng desisyon ng Korte Suprema na ibinasura ang naunang ruling ng Court of Appeals
02:10na nag-dismiss sa mga parasite charges laban kay Dalia.
02:14Ang arrest warrant at whole departure order para sa kanya ay muling naipatupad.
02:19Sampung taon na ang nakalipas ng si Enzo Pastor, isang kilalang racer,
02:24ay pinatay habang nasa kanyang sasakyan sa Visayas Avenue sa Quezon City.
02:29Isang lalaki ang lumapit at binaril siya mula sa driver's side.
02:34Ayon kay Secretary Remulla, hindi titigil ang DOJ hanggat hindi nakakamit ang katarungan.
02:40Aniya, makikipagtulungan ng DOJ sa mga ahensya para mahuli ang mastermind ng pagpatay kay Enzo Pastor.
02:49Bukod kay Dalia, dalawa pang individual ang sinampahan ng kaso.
02:53Ito ay sina Police Officer 2, Edgar Angel, at Domingo de Guzman na sinasabing kasintahan ni Dalia.
03:01Ano naman ang reaksyon Usec ng DOJ sa Hatol sa mga sangkot sa Atio hazing case?
03:09Aniya, ikinatuan ng DOJ ang Hatol ng Manila Regional Trial Court Branch 11
03:14laban sa sampung miyembro ng Aegis Juris Fraternity na responsable sa pagkamatay ng law student at hazing victim
03:22na si Horacio Atio Castillo III noong 2017.
03:27Ang korte ay nagbigay ng Hatol na reklusyon perpetua o habang buhay na pagkakulong
03:33at nag-utos ng indemnification para sa pamilya ni Atio matapos ang pitong taon ng masusing paglilitis at investigasyon.
03:42Nagpasalamat din ang pamilya ni Atio sa DOJ sa aktibong pagsasampa ng kaso na nagdala sa tagumpay na ito.
03:49Ayon sa artikulo mula sa Pahayagang Varsitarian ng UST,
03:54pinuri ng mga magulang ni Atio ang DOJ sa pagtatag ng isang napakahusay na prosecution team
04:01na nagproduce ng mahalagang ebidensya laban sa mga fratmen.
04:05Nagpasalamat din sa sekretary remuli sa pamilya ni Atio sa pagkitiwala nila sa DOJ.
04:11Binanggit din ng kalihim na ang mga fraternity ay dapat maging simbolo ng pagkakaibigan at suporta,
04:19hindi ng karahasat.
04:21Sa kasalukuyan, ito ang pinakamalaking tagumpay sa hukuman laban sa hazing mula ng Maypasa
04:27ang Republic Act No. 11053 na kilala bilang anti-hazing law ng 2018.

Recommended