Narito ang maiinit na balita sa Balitanghali Express ngayong Lunes, Disyembre 30, 2024:
-P6.326T na 2025 National Budget, pinirmahan na ni PBBM/Pinirmahang 2025 National Budget, mas mababa kaysa sa aprubado ng Kongreso matapos i-veto ni PBBM ang ilang items
-Mga bumibili ng paputok at pailaw sa Bocaue, Bulacan, patuloy ang pagdating
-Ilang bahagi ng Metro Manila, naging maulan dahil sa Shear Line
-WEATHER: Malaking bahagi ng bansa, magkakaroon ng maulang salubong sa bagong taon dahil sa Shear Line at ITCZ
-13 Pinay na ginawang surrogate mother sa Cambodia, naiuwi na sa Pilipinas; recruiter nila, iniimbestigahan
-Rider at backrider, tumilapon matapos sumalpok sa kasalubong na kotse/
-Oil price rollback, ipatutupad bukas
-Truck, tumagilid sa Quirino Highway
-BFP Bocaue, tinitiyak na kompleto sa pamatay-sunog ang mga tindahan ng mga paputok/BFP Bocaue: Ilayo ang mga bata sa mga paputok
-Pagnanakaw sa charging stations sa Veterans Village, huli-cam; Nasa P7,000 halaga ng pera, natangay
-2 baterya ng truck at iba pang gamit, tinangay ng isang tricycle driver
-3 stall sa Baguio City Public Market, nasunog
-GMA Network, patuloy na nangunguna online ayon sa Tubular Labs at SimilarWeb
-Security simulation, isinagawa sa MOA para sa Kapuso Countdown 2025 bukas
-2 Sambo players ng Pilipinas, wagi sa Asia and Oceania Open Beach Sambo Championships
-Bangkay ng isang babaeng hinihinalang na-hit-and-run, natagpuan sa Cebu South Coastal Road
-Babae, patay matapos pagsasaksakin ng kanyang mister sa loob ng isang modern jeepney
-Interview: PAGASA Weather Specialist Chenel Dominguez
-Bentahan ng paputok at pailaw sa Bocaue, malakas pa rin kahit sa maulan na panahon
-Pinay OFW, nakakulong sa Kuwait matapos masangkot umano sa pagkamatay ng batang anak ng kanyang employer
-Dennis Trillo, ni-donate sa mga PDL ang napanalunang cash prize bilang MMFF Best Actor
-Ilang nagtitinda ng prutas sa Mega Q-Mart, nagrereklamo na kaunti pa ang bumibili kahit media noche na bukas
-Panawagan ng Animal Rights Group; Itigil na ang pagpapaputok na may masamang epekto sa kalikasan at mga hayop
-GMA Network, nangunguna sa mga TV station na source ng balita at impormasyon ng mga Pinoy, ayon sa survey ng Octo-Research
-P6.326T na 2025 National Budget, pinirmahan na ni PBBM
-9-anyos na batang lalaki, nagtamo ng second-degree burn dahil sa luses
-918 boga at P503,853 halaga ng ilegal na paputok, kinumpiska at winasak
-#AnsabeMo kay Jose Rizal kung nabubuhay siya ngayon?
For Kapuso abroad, subscribe to GMA Pinoy TV (http://www.gmapinoytv.com/) for GMA programs, including the full version of Balitanghali.
Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time).
#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
-P6.326T na 2025 National Budget, pinirmahan na ni PBBM/Pinirmahang 2025 National Budget, mas mababa kaysa sa aprubado ng Kongreso matapos i-veto ni PBBM ang ilang items
-Mga bumibili ng paputok at pailaw sa Bocaue, Bulacan, patuloy ang pagdating
-Ilang bahagi ng Metro Manila, naging maulan dahil sa Shear Line
-WEATHER: Malaking bahagi ng bansa, magkakaroon ng maulang salubong sa bagong taon dahil sa Shear Line at ITCZ
-13 Pinay na ginawang surrogate mother sa Cambodia, naiuwi na sa Pilipinas; recruiter nila, iniimbestigahan
-Rider at backrider, tumilapon matapos sumalpok sa kasalubong na kotse/
-Oil price rollback, ipatutupad bukas
-Truck, tumagilid sa Quirino Highway
-BFP Bocaue, tinitiyak na kompleto sa pamatay-sunog ang mga tindahan ng mga paputok/BFP Bocaue: Ilayo ang mga bata sa mga paputok
-Pagnanakaw sa charging stations sa Veterans Village, huli-cam; Nasa P7,000 halaga ng pera, natangay
-2 baterya ng truck at iba pang gamit, tinangay ng isang tricycle driver
-3 stall sa Baguio City Public Market, nasunog
-GMA Network, patuloy na nangunguna online ayon sa Tubular Labs at SimilarWeb
-Security simulation, isinagawa sa MOA para sa Kapuso Countdown 2025 bukas
-2 Sambo players ng Pilipinas, wagi sa Asia and Oceania Open Beach Sambo Championships
-Bangkay ng isang babaeng hinihinalang na-hit-and-run, natagpuan sa Cebu South Coastal Road
-Babae, patay matapos pagsasaksakin ng kanyang mister sa loob ng isang modern jeepney
-Interview: PAGASA Weather Specialist Chenel Dominguez
-Bentahan ng paputok at pailaw sa Bocaue, malakas pa rin kahit sa maulan na panahon
-Pinay OFW, nakakulong sa Kuwait matapos masangkot umano sa pagkamatay ng batang anak ng kanyang employer
-Dennis Trillo, ni-donate sa mga PDL ang napanalunang cash prize bilang MMFF Best Actor
-Ilang nagtitinda ng prutas sa Mega Q-Mart, nagrereklamo na kaunti pa ang bumibili kahit media noche na bukas
-Panawagan ng Animal Rights Group; Itigil na ang pagpapaputok na may masamang epekto sa kalikasan at mga hayop
-GMA Network, nangunguna sa mga TV station na source ng balita at impormasyon ng mga Pinoy, ayon sa survey ng Octo-Research
-P6.326T na 2025 National Budget, pinirmahan na ni PBBM
-9-anyos na batang lalaki, nagtamo ng second-degree burn dahil sa luses
-918 boga at P503,853 halaga ng ilegal na paputok, kinumpiska at winasak
-#AnsabeMo kay Jose Rizal kung nabubuhay siya ngayon?
For Kapuso abroad, subscribe to GMA Pinoy TV (http://www.gmapinoytv.com/) for GMA programs, including the full version of Balitanghali.
Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time).
#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
Category
🗞
NewsTranscript
00:00Magandang tanghali po!
00:10Oras na para sa maiinig na badita!
00:12Upbeat music playing
00:29Pinirmahan na ni Pangulong Bongbong Marcos ang General Appropriations Act o ang 2025 National Budget.
00:36Upbeat music playing
00:39Atulad na daw ng sinabi ng Malacanang, may mga na-veto na item ang Pangulo.
00:446.326 Trillion pesos ang pirmadong budget.
00:49Mas mababa po yan ng 26 Billion pesos, kumpara sa 6.352 Trillion pesos na inaprobahan ng Kongreso.
00:57Ayon sa Pangulo, nag-veto siya sa mahigit 194 Billion pesos na alokasyon sa mga programang hindi-prioridad ng gobyerno.
01:06Tulad ng ilang proyekto ng Department of Public Works and Highways at ilang unprogrammed appropriations o mga programang wala pang tiyak na paghukunan ng pondo.
01:16Upbeat music playing
01:20Itutuloy naman ng ayuda sa Kaposangkita Program o ACAP pero kailangan munang magbigay ng guidelines ang DSWD, DOLE at NEDA
01:28bago ilabas ang pondo para matiyak daw na walang misuse o maling paggamit ng pondo.
01:34Upbeat music playing
01:43Sa patara sa kabila ng Panakanang Kapagulan, tuloy ang pagdating ng ating mga kababayang nagaanap ng mura at magagandang paputok at painaw
01:50at dito nga sa Bukawe ang nakasanayan na takbuhan.
01:53Napakaraming nga namang pagpipilihan dito at magkakatabi pa yung mga tindahan.
01:58Sa mga gusto mabili sa mga ganitong oras na raw pinakamainang bumili dahil hindi pa ganun kadami ang tao.
02:03Pero mamayang hapon hanggang gabi tiyak daw na dagsana ang mga mamimili dito.
02:08Bukod dito sa magkakatabing dalawang compound, paglabas lang sa Bukawe exit ay may mahabag hilela din ng mga tindahan ng paputok
02:15sa daan patungo sa mismong bayan kaya bumibigat yung trafiko kapag dumarami yung mga namimili.
02:21Ang ginaw sa ating mga nakausap naglandaw talaga ng budget para sa mga paputok at pailaw.
02:26Alos lahat sa ating mga nakausap na kasanayan na ang magpaputok.
02:30Tradisyon na ang magpapireworks sa kanika na mga tahanan kahit na tumami na yung mga barangay at mga komunidad
02:35na nag-organize ng community fireworks.
02:38Ang isa pang sa ating nakausap ay sinasalang-alang daw yung mga kapitbahay
02:42kaya hindi tumitigil sa nakagawi ang pagpaputok sa pagsalubong sa bagong taon.
02:47Narito ang pahayag ng ating mga nakausap.
03:00Ano lang, pang bata, pang fountain.
03:04Para sa mga kapitbahay din namin, gusto-gusto nila yun.
03:07Mam, magpaputok ba kayo sa New Year? Sige ma, manunood na lang kami.
03:21Inulan ang ilang bahagi ng Metro Manila kaninang madaling araw.
03:25Panayambon ang naranasan sa bahagi ng edsa sa Quezon City.
03:29Panakanakang ulan ang bumuhong sa bandang Makati.
03:32Pasado alastras na nga umulan din sa Paranaque, maging sa Pasig at Mandaluyong area.
03:38Inulan din ang preparasyon sa Luneta Park sa Maynila para sa wreath-laying ceremony ngayong Rizal Day.
03:44Ayon sa pag-asa, may chance pa ring ulan din ang Kamaynilaan sa mga susunod na oras
03:49dahil sa shear line o pagsasalubong ng malanig na amihan at ng mainit na Easter lease.
03:55Apektado rin ang shear line ang malaking bahagi ng Calabarzon.
04:00Kahit wala pong bagyo o low pressure area na nasa loob o labas ng Philippine Area of Responsibility,
04:06maraming bahagi pa rin ang bansa ang uulanin hanggang sa pagpapalit ng taon.
04:11Base sa rainfall forecast ng Metro Weather, light to moderate rains ang aasahan sa mga susunod na oras
04:16sa malaking bahagi ng Visayas at Mindanao. Ilang panig din ang Luzon ang maapektuhan.
04:22Umaga-bukas, bisperas ng bagong taon, higit na uulanin ang extreme northern Luzon at Palawan.
04:29Pagsapit ng hapon, asahan na upo ito sa halos buong Mindanao, western at central Visayas.
04:35Posible ang heavy to intense rains sa maaaring magdulot ng baha o landslide.
04:39Pagdating ng umaga ng Merkules, unang araw ng 2025, ilang panig ng Visayas at Bicol Region ang uulanin muli.
04:47Sabadang hapon at gabi, aasahan na ang ulan sa halos buong southern Luzon, Visayas at Mindanao.
04:54Ayon sa pag-asa, sheer line ang nagpapaulan ngayon sa ilang panig ng central at southern Luzon.
05:00Intertropical convergence zone naman sa Palawan, Visayas at sa Mindanao.
05:05Habang hanging amihan ang umiiral sa northern Luzon at matitirang bahagi ng central Luzon.
05:12Nai-uwi na sa Pilipinas ang labing tatlong Pinay na ginawang surrogate mother sa Kambodya, matapos pangakuan ng trabaho sa Thailand.
05:22Ayon sa Department of Foreign Affairs, kabilang sila sa dalawampung Pilipinang nahuli ng Kambodyan authorities noong Setyembre.
05:30Bawal ang surrogacy sa Kambodya kung saan sila binala, imbes na sa Thailand na ipinangaku rao sa kanila.
05:37December 2 nang makonvict sila dahil sa human trafficking, pero December 26 binigyan sila ng royal pardon sa Kambodya.
05:45Iniimbestigahan ng Interagency Council Against Trafficking, ang recruiter ng mga Pilipina.
05:51Sabi naman ang DSWD itinuturing silang biktima ng human trafficking at bibigyan ng counseling at transportasyon pa-uwi sa kanilang probinsya.
06:07... yung temporary shelter kasi importante na meron silang matutuluyan kung saan may mga professionals tayo doon, mga social workers, na pwede sila bigyan ng psychosocial intervention.
06:17Sisiguraduhin din natin na makontak ang kanilang mga pamilya."
06:23Sa ibang balita, kaliwat ka ng aksidente sa motorcyclo ang nahulikam sa Dasmariñas, Cavite.
06:29Ang mga sangkot, nagka-areglo na.
06:32Balitang hatid ni Bam Alegre.
06:36Hulikam ang pagtakbon ng motorcyclo niyan sa bahagi ng Don Placido Campus Avenue sa Dasmariñas, Cavite bago ito sumalpok sa kasalubong na kotse sa intersection.
06:45Kita sa video ang pagtilapon ng backrider.
06:48Ang rider sumadsad naman sa kalsada.
06:50Sugatan ang dalawa na nadala na sa ospital.
06:53Nagkaroon na ng inisyal ng kasunduan na magkabilang panig.
06:57Sa Dasmariñas pa rin, hulikam ang biglang pagtawid ng isang binatilio sa Congressional Road.
07:02Hindi sa pedestrian lane, tumawid ng lalaki.
07:04Saktong paparating ang isang motorcyclo at nasalpok ang labing apalat na ungulang na lalaki.
07:09Matapos ang ilang sandali, tumayo ang bata at nakapaglakad pa.
07:12Nirespondahan siya ng mga traffic enforcer at nalapatan ang paunang lunas matapos magtamo ng mga sugat.
07:17Nagkaayos na magkabilang panig na sangkot sa insidente.
07:22Kumaliwa ang kotse na yan mula sa Aguinaldo Highway sa Dasmariñas nang masalpok sa likurang bahagi ng paparating ng motorcyclo.
07:28Sa lakas ng impact, tumilapon ang rider.
07:30Batay sa investigasyon, hindi agad gumana ang preno ng rider dahil sa madulas na kalsadang dulot ng pagulan.
07:36Reresponde ang isang traffic enforcer, dinala sa Traffic Investigation Office ng dalawa.
07:40May kasunduan ng rider at driver ng kotse.
07:43Bam Alegre, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
07:52Sa huling oil price adjustment ngayong taon, may rollback po para sa mga motorista.
07:57Batay sa anunsyo ng Shell, Clean Fuel at PetroGas, parehong 30 centavos ang bawas presyo sa kada litro ng gasolina at diesel efektivo yan bukas.
08:0790 centavos kada litro naman ang tapyas ng Shell para sa kerosene.
08:11Kasunod ito ng dalawang magkasunod na oil price hike sa diesel at kerosene at ng limang linggong sunod-sunod na dagdag sa gasolina.
08:20Dahil dito sa pagsalubong ng bagong taon, tinatayang mahigit Php 51 hanggang halos Php 75 ang kada litro ng gasolina sa Metro Manila.
08:29Halos Php 49 hanggang halos Php 67 naman ang diesel, habang mahigit Php 69 hanggang halos Php 81 ang kada litro ng kerosene.
08:40Ngayong taon, matapos po ang mga pagbabago sa presyo, Php 12.75 ang net increase o itinaas sa kada litro ng gasolina.
08:49Saktong Php 11 naman ang dagdag sa diesel.
08:52Kerosene lang ang bumaba ang presyo ngayong taon ng Php 2.70 kada litro.
09:00Makikitang nakatagilig ang truck na yan habang tinatahak ang Quirino Highway sa Tagkawayan, Quezon.
09:06Mabagal ang takbo ng 10-wheeler at tila nahihirapan na sa pag-andar.
09:10Hindi na nakunan sa video pero tuluyan ding bumagsak ang truck kalaunan.
09:15Humambal lang po ito sa highway kaya nagkaroon ng mabigat na traffic roon.
09:19Inabot ng halos isang araw bago na ialis doon ang truck dahil nahirapan daw ang mga otoridad na makakuha ng heavy equipment.
09:28Laya pa rin po tayo dito sa Bokawi Volcan kung saan tuloy yung tigatik ng pagulan.
09:37Panakanakanan yung pagulan pero tuloy pa rin yung pagdagsa dito ng mga kababayan na ating naghahanap,
09:43ng mura at magaganda mga paila at mga fireworks.
09:46Kita niyo naman itong tindahan ito, napakarami mga parokyano.
09:48Pero dahil dito, mahigpit yung pagubantay ng Bureau of Fire Protection.
09:52Kanina nag-ikot sila dito sa lugar na ito at natinitiak na meron ganito
09:55na lalagyan ng tubig para kung magkaroon ng sunog ay nakahanda na yung tubig na ito.
10:00Meron din mga buhangin na nandito sa ilalim dahil kung minsan hindi namamatay yung sunog sa pumagitan lang ng mga tubig
10:06kung di kailangan ng buhangin.
10:07And of course, nakakarap din sa mga tindahan itong mga fire extinguisher.
10:11Lahat yan ay chinecheck ng Bureau of Fire Protection.
10:15And of course, ipinagbabawal sa mga lugar na ito yung paninigarilyo.
10:18Bawal na bawal yan kahit na dumaan ka lamang dito sa kali na malapit dito sa mga tindahan.
10:23Ipinagbabawal yan at sinisita yan ng mga taga-Bureau of Fire Protection.
10:27Pero syempre, pinakabinabantayan ng Bureau of Fire Protection yung mga tauhan at maging mga tauhan ng PNP
10:34yung nagbebenta ng mga ipinagbabawal na paputok tulad ng Piccolo, Plapla, yung Goodbye Philippines.
10:41Ito yung mga malalaking paputok na talaga namang makaka-injure kapag ito ay pinaputok.
10:45So, yun yung kanilang inaabatan.
10:47Ayon naman sa mga tindera at ayon sa Bureau of Fire Protection,
10:50ay nire-report naman daw ng mga tindera kung may nagbebenta ng mga ganitong paputok
10:55dahil nakakasira ito sa kanilang kabuhayan.
10:57Narito ang payag ng ating mga nakausap.
11:02Kung meron man po silang makita,
11:04sasabihan din po nila dahil yun din naman daw po ang nakakasira sa negosyo nila
11:08kung may magbebenta ng mga illegal.
11:10Ang mga safety tips lang naman po natin is ilayo po natin sa mga bata
11:14dahil sila po yung mga delikado or hindi po alam yung tamang paggamit.
11:19Hindi naman po rin maiwasan ang paggamit pagbili ng mga paputok.
11:22Mag-extra ang ingat na lang po sa paggamit po ng mga paputok na binibili po natin at gagamitin.
11:31Samantala nakuna ng CCTV ang pagnanakaw ng isang lalaki sa mga charging stations sa Quezon City.
11:37Aabot sa P7,000 ang natangay ng mga salari na tinutugos pa rin ng mga otoridad.
11:41Balitang hatid ni Bea Pinla.
11:44Naglalakadang lalaking ito sa barangay Veterans Quezon City madaling araw nitong December 18.
11:51Napatigil siya ng mapadaan sa isang charging machine.
11:54Maya-maya, sinimulan na niya itong kalikutin.
11:57Pabalik-balik pa ang lalaki.
12:00Kalaunan, may nahugot na siya galing sa loob ng machine at saka siya naglakad paalis.
12:05Nalimas na pala niya ang mga bariyang lama ng charging machine.
12:09Binanata niya ng mga madaling araw.
12:12Yan na, nakuha niya ng lahat. Mabilis lang din kasi nga may tools siya ang dala.
12:16Pagkatapos tangayin ang pera, lumapit pa ang lalaki sa isang nakaparadang tricycle.
12:21At ilang minuto munang kinausap ang driver nito.
12:24Mga five to eight minutes yung usapan nila. Pero hindi pa malinaw kung ano yung napag-usapan nila.
12:31Bumalik pa raw siya araw mismo ng Pasko para simutin din ang laman ng isa pang charging machine.
12:37Hindi baba ba sa P7,000 ang tinangay umano ng lalaki sa charging machine.
12:42Patuloy na pinagahanap ng mga otoridad ang suspect na posibling maharap sa reklamong theft.
12:47Mas nagigpit na rin daw sa pagbabantay sa lugar kung saan nangyari ang nakawan.
12:52May mga naka-standby na po kami na mga BPS o na-designate sa area po.
12:59Bea Pinlac nagbabalita para sa GMA Integrated News.
13:04Ito ang GMA Regional TV News.
13:10Oras na para sa maiinit na balita ng GMA Regional TV mula sa Luzon.
13:14Isang tricycle driver ang nahulikam na tila may kinuha sa isang truck sa Pangasinan.
13:20Chris, anong nangyari?
13:22Connie, tinangay ng tricycle driver ang dalawang baterya at iba pang gamit na isang nakaparadang truck sa mga aldan dito sa Pangasinan.
13:29Yan at iba pang mainit na balita hatid ni Jerick Pasilyaw ng GMA Regional TV.
13:36Nakahinto malapit sa likod ng isang truck ang tricycle na yan sa mga aldan Pangasinan.
13:40Ang driver nito naglakad malapit sa truck. Hanggang mayamayay inilapit niya ang kanyang tricycle sa truck.
13:46Hindi nagkaano kita sa kuha ng CCTV pero may ikinarga ang driver sa tricycle at saka umalis.
13:51Sa ibang kuha makikitang may isang kahon ng nakalagay sa likod ng tricycle.
13:56Isa na pala yan sa dalawang baterya ng truck na parehong tinangay ng hindi pa nakikilalang driver.
14:00Nakuha rin niya ang ilan pang gamit mula sa truck.
14:02Umabot ng 100,000 pesos ang halaga ng mga gamit na ninakaw. Patuloy pang tinutugis ang sospek.
14:11Patay ang 75 taong gulang na Japanese ng masagasaan ng truck sa mapandan Pangasinan.
14:16Base sa investigasyon, nakaupo sa gitna ng kalsada ang lalaking biktima dahil umanos sa kalasingan.
14:21Pumailalim sa truck ang biktima at nakaladkad ng hanggang dalawang metro.
14:25Hawak na ng pulisya ang driver ng truck na sinabing hindi niya napansin ang lalaki doon.
14:32Sa pasukin Ilocos Norte naman, isang babaeng senior citizen ang nasa winang mabangga ng pickup.
14:37Ayon sa pulisya, tumawid sa kalsada ang biktima nang mabundol ng pickup.
14:41Habang iginigilid ng driver ang pickup para sa natulungan ng biktima, nadaana naman ng isang kolong-kolong ang paan ng babae.
14:48Iniimbestigahan pa ng pulisya ang insidente.
14:50Jarek Pasilyaw ng GMA Regional TV nagbabalita para sa GMA Integrated News.
14:59Nagkasunog naman sa Baguio City Public Market kagabi.
15:02Ayon sa mga otoridad, alas siyas ng gabi nang ideklarang fire out ang sunog.
15:06Tatlong stalls ang naapektuhan ng sunog.
15:09Tinulungan naman na ng Baguio City LGU ang mga naapektuhan ng sunog.
15:21Patuloy ang digital dominance ng GMA Network ngayong taon.
15:25Batay at sa datos ng online traffic analytics platforms na Tubular Labs at SimilarWeb.
15:31Number 1 ang lahat ng creator properties ng GMA sa Facebook, YouTube at TikTok.
15:38Batay sa datos ng Tubular Labs nitong January to November 2024.
15:42Umabot sa 40 billion ang video views ng mga ito.
15:47Habang sa Tubular Leaderboard Worldwide Ranking sa Entertainment and Media Category,
15:52GMA Network ang highest-ranking media company sa Southeast Asia at nasa 19th spot sa buong mundo.
16:00Sa datos naman ng analytics firm na SimilarWeb,
16:03nangunahin ang GMA Network.com mula January hanggang November 2024 na nagtala ng mahigit 249 million page views.
16:14GMA Network.com din ang number 1 local news and media publisher sa top websites country ranking ng SimilarWeb nitong November.
16:23Social Media ang top traffic source para sa parehong GMA News Online at GMA Entertainment mula June 1 hanggang December 15.
16:33Sa pagsabay sa mga bagong teknolohiya, patuloy na magbibigay ang GMA Network ng dekalidad na content para sa mga tagasubaybay.
16:43JP Soriano, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
16:52Mga mari at pare, nagsagawa na ng security simulation ng mga otoridad para sa Kapuso Countdown 2025 bukas sa Mall of Asia.
17:02Kabilang sa mga nagsagawa ng simulation ang SWAT, Bureau of Fire Protection at mga tauhan ng lokal na pamahalaan.
17:09Nakatuon ng simulation na yan sa magiging pag-responde ng mga otoridad sa ilang posibling krimen o insidente sa event.
17:17Samantala, ready na rin ang ilang Kapuso stars na nagsasagawa ng puspusang ensayo para sa inaabangang all-out performances nila.
17:25Nasa countdown bukas sina MMFF Best Supporting Actor Ruru Madrid, Bianca Umali, Julian San Jose, River Cruz, Ai-Ai de las Alas, Christian Bautista at marami pang iba.
17:37Sa mga makikik countdown to 2025, magbubukas ang gates ng 6pm bukas, 8.30pm magsisimula ang on-ground show, libre po ang entrance dyan.
17:48Kung team bahay naman sa New Year, mapapanood din ang Kapuso Countdown 2025 simula 10.30pm sa GMA at GMA Pinoy TV
17:57at via live streaming sa GMA Network YouTube channel at iba pang online platforms ng Kapuso Networks.
18:08Waggy ang dalawang sambo players ng Pilipinas sa Asia and Asiana Open Beach Sambo Championships sa Colombo, Sri Lanka.
18:18Gold ang nakuha ni Crescente Navarez sa Beach Sambo Team event.
18:22Siya rin po ang nag-uwi ng bronze sa Beach Sambo Men under 71kg.
18:27Si John McCleary Ornido naman ang silver sa kategoriyang iyan.
18:33Ang sambo ay isang unipurang martial arts na hawig ng judo at jujitsu.
18:39Congratulations sa inyo, Crescente at John McCleary!
18:51Balita naman sa Visayas at Mindanao mula sa GMA Regional TV.
18:54Isang bankay ng babae ang natagpuan sa isang kalsada sa Cebu City.
18:59Cecil, anong nangyari?
19:04Kony, hinihinalang biktima ng hit and run ang natagpuang bankay ng babae sa Cebu South Coastal Road dito sa Cebu City.
19:12Iyan at iba pang may init na balita at ibialang dumingo ng GMA Regional TV.
19:19Bankay na ang makita nitong biyernes ang isang babae sa Cebu South Coastal Road sa Cebu City.
19:24Ayon sa polisya, una sila nakatanggap ng informasyon na may bankay sa lugar.
19:29Nang dumating, ang responding polis nakita nilang may matinding sugat ang bankay ng biktima na tinatayang nasa 50 anos.
19:37Hinihinalang biktima siya ng hit and run.
19:40Dinala ang bankay sa isang punerarya sa Cebu City.
19:44Patuloy pang inaalam ang pagkakakilanlan ng biktima at ang hinihinalang nakasagasa sa kanya.
19:53Nagpasko sa kulungan ng isang lalaki sa Cebu City matapos umano niyang pagsimantalahan ang live-in partner ng kanyang kainuman madaling araw ng December 25.
20:05Ayon sa emisigasyon, natulog ang biktima sa kanilang sala habang ang kanyang kinakasama ay kainuman ng suspek sa labas.
20:14Hindi umano, namalayan ang biktima na pumasok ang suspek sa kanilang bahay at nakipagtalik sa kanya.
20:21Nang magising ang biktima, doonan niya na pagalaman na hindi ang kanyang partner ang tumabi sa kanya.
20:29Agad siyang humingi ng tulong at nahuli ang suspek.
20:43Humingi naman ng paumanhin ang suspek at iginiit na lasing siya nang mangyari ang insidente.
21:00Hinubaran lang daw niya ang biktima pero wala siyang matandaan na may nangyari sa kanila.
21:06Nasampahana ng reklamo ang suspek.
21:14Sa Sambuanga City, isang bata ang natagpuang patay sa damohang bahagi ng sapa sa barangay Ayala nitong Huebes.
21:24Ayon sa mga autoridad, dinala ang biktima ng kanyang nanay sa sapa para maligo.
21:31Pero bigla sila hinampas ng malakas naragasan ng tubig kaya naanod ang bata.
21:37Bankay na siyang nakita kinabukasan.
21:39Agad siyang inilibing alinsunod sa tradisyon ng mga muslim.
21:44Alan Domingo ng GMA Regional TV nagbabalita para sa GMA Integrated News.
21:52Dead on the spot ang isang babae matapos pagsasaksakin ng kanyang mister sa loob ng isang modern jeepney sa Lapu-Lapu City dito sa Cebu.
22:00Sa cellphone video, hita ang biktima na nakahandusay sa loob ng modern jeepney sa barangay Ibo.
22:06Batay sa imbesigasyon, labindalawang taon nang hiwalay ang dalawa pero palihim na sinusundan ng suspek ang biktima sa hinalang meron siyang ibang lalaki.
22:17Anim nasaksak sa katawan ang tinamon ng babae na nagresulta sa kanyang pagkamatay.
22:22Bukod sa biktima, isang babaeng pasahero na 53 taong gulang ang nasawi matapos sa takihin sa puso habang tumatakbo kalabas ng jeep.
22:32Nahuli rin kalaunan ang tumakas na suspek.
22:35Wala siyang pahaya.
22:37Balikan na po natin ng panayam sa Pag-asa ngayong maulang lunes, dalawang araw bago po ang bagong taon.
22:43Makakausap natin si Pag-asa Weather Specialist Chanel Dominguez. Magandang umaga at welcome sa Malitang Hali.
22:49Magandang umaga din po sa inyo Connie at magandang umaga din po sa mga taga-sabay-bay po natin.
22:53Ano po ang dahilan na maulang panahon dito sa ilang bahagi po ng ating bansa, particular dito po sa Metro Manila?
22:59So yun po sa ngayon, meron tayong tatlong weather system na nakakaapekto dito sa ating bansa.
23:04Yung nangyari po sa kanina dito sa atin sa Metro Manila ay dahilan po ito ay yung shearline po natin,
23:10or yung salubungan na mainit at malamig na hangin.
23:13Yung shearline po natin ay currently nakakaapekto dito sa eastern sections ng Central at Southern Luzon.
23:19Meron din tayong Intertropical Convergence Zone or ITCZ na nagdadala rin ng mga pagulan dito sa Palawan, Visayas at Mindanao.
23:26Northeast Monsoon naman po dito sa main Northern Luzon.
23:30Bukas Pwebes, peras na nga ng bagong taon, ano ba ang panahon na atin pong aasahan?
23:34Naasahan din po natin, magiging ganun pa rin po, tatlong weather system pa rin po ang makakaapekto sa atin.
23:40Malaking bahagi pa rin po ng ating bansa ang makakaranas ng mga pagulan.
23:44For Metro Manila, asahan po natin, makakaranas naman tayo ng bahagya.
23:48Hanggang sa maulap na papawirin, may mga isolated rain showers,
23:52at mga possible na localized thunderstorm pagdating sa hapon or kaya sa gabi.
23:56Pero hindi naman po ito yung talagang malakas na ulan?
23:59Parahun dun sa siguro gusto magpaputok, malungkot sila, pero yung mga masaya ayaw naman sa paputok, ma'am?
24:06Ayos po, hindi naman po mga panandaliang pagulan lamang po dito sa Metro Manila.
24:10Pero dun sa iban lugar po natin, katulad mga kababayan po natin sa May Visayas at Mindanao,
24:15ITCZ pa rin po ang kanilang makakapekto sa kanila, kaya asahan po rin po natin ng mga tuluy-tuluy ng mga pagulan.
24:21Ma'am, bukod sa Metro Manila, ano pa yung mga lugar na iba panginaasahan makakaranas po ng kalat-kalat at panakanakang buhos ng ulan?
24:28Ayun po, asahan po natin dito rin po sa Cagayan, Isabela, Aurora, Quezon at Bicol Region.
24:33Shirline po ang makakapekto sa kanila, asahan pa rin po natin ng mga pagulan.
24:37Pagdating naman po sa North East Monsoon, yung Amihan po natin,
24:40magdadala rin po ito ng mga pag-ambon dito sa Cordillera Administrative Region at nalalabing bahagi ng Cagayan Valley.
24:48And then Bisayas, Karaga, asahan po natin ITCZ, mga pagulan pa rin po ang kanilang kaasahan.
24:54Dalawang araw bago po ang 2025, wala naman tayong namamataan na LPA sa paligid-ligid ng ating bansa, ma'am?
25:01Yes po, hanggang sa matapos naman po yung ating taon, wala na tayong binabantayan o minomonitor ng LPA o bagyo na possible pang makakapekto sa ating bansa.
25:09Pero sa pagpasok po ng bagong taon, ilan bagyo pa po ang ating aasahan na naman?
25:162025, ilan bagyo?
25:19Sa kikita po natin, possible po hanggang 18 po ulit tayo. Pero pag Januari po, wala o hanggang isa po ang ninaasahan na bagyo.
25:27Alright. Marami pong salamat, Ms. Chanel Dominguez ng Pag-asa.
25:32Sa kabilangan ng hindi kagandaang panahon, maganda pa rin dawang bentahan ng mga paputok dito sa Bukaway.
25:37Katunayan, ay bawi na raw yung ilan sa mga tindahan mula sa kanilang gastos.
25:40Hindi na daw talaga kasi sila nagtaas ng kanilang mga presyo para nga agad mabili yung kanilang mga paninda.
25:46Tulad ng mga nakarang taon, pailaw pa rin daw ang pinaka hinahanap kayo ng mga parokyano.
25:51Karamihan, may nakalala ng budget para sa pagbili naman ito.
25:54Karaniwan, ay mula 5-10,000 piso raw yung budget ng kanilang mga parokyano.
25:59May iba namang umaabot ng 50-100,000 yung budget na karaniwan.
26:04Bulto ang binibili ng mga aerial fireworks.
26:06Sumasabay din naman sa mga nagbebenta ng paputok, ang mga nagbebenta ng torotot,
26:10na tinatangkilik rin naman daw ng mga sumasadya rito para mabili ng paputok.
26:14Mas bainan na raw ayon sa nagtitinda yung mga torotot kesa sa mga paputok, lalo na yung naguugulan.
26:21Narito ang pahayag ng ating mga nakausap na tenderan ng paputok at mga torotot.
26:29Yung iba po tumatawad, yung iba po hindi.
26:32Kahit magkano po yung price na ibibigay namin, hindi po sila tumatawad.
26:36Siguro po marami silang pera, yung iba tumatawad, gawa na po, siguro kapos din po siguro.
26:41Kinapatawad namin kahit walang kasalan.
26:45Kahit ulan o...
26:48Kahit ulan, magagamit pa rin kahit nasa loob ng bahay.
26:53Pag ganun lao.
26:56Paputok kahit ano mo sa loob yun, bawal yun.
27:00Opo, pag sa labas din, mababasa. O, paano masindihan yun?
27:07Samantala nakakulong sa Kuwait ang isang Pilipinang domestic worker na sangkot o mano sa pagkamatay ng anak ng kanyang employer doon.
27:14Nagpagod ng pakikirama yung gobyerno ng Pilipinas sa pamilya ng bata.
27:18Sa ulit ng Arab Times, isunirid daw ng Pinay sa washing machine ang bata.
27:23Nadala pa raw ng mga magulang ang anak sa ospital pero namatay pa rin dahil sa mga pinamungsugat.
27:28Ayon kay Foreign Affairs Undersecretary Eduardo de Vega, limitado pa ang informasyong may babahagi nila dahil patuloy na iniimbestigahan ng kaso.
27:35Kasama raw sa aalamin ang kondisyon ng Pinay.
27:39Sabi naman ng Department of Migrant Workers, Secretary Hans Katlak, patuloy silang nakikipag-ugnayan sa gobyerno ng Kuwait.
27:46Bibigyan din daw ng legal assistance ang Pinay.
27:49Mga mari at pare, i-denonate ni Kapuso drama king Dennis Trillo ang kanyang nakuhang cash prize sa 50th Metro Manila Film Festival, Gabi ng Parangal.
28:09Kasunod yan ng pagkapanalo niya bilang Best Actor.
28:12Sa isang post ng manager niyang si John Enriquez, sinabing idea ng misis ni Dennis na si Jenelyn Mercado ang donasyon para sa Persons Deprived of Liberty.
28:23Bukod kay Dennis, nakuha rin ng Green Bones ang Best Supporting Actor Award para kay Kapuso Action Drama Prince Luru Madrid.
28:30Best Child Performer naman si Sparkle Child star Shena Stevens.
28:34Green Bones din ang naghatid ng back-to-back win ng GMA Pictures at GMA Public Affairs para sa Best Picture.
28:40Mula sa kanila rin yung entry na Firefly na noong nakaraang taon.
28:44Best Cinematography rin ng Green Bones para kay Neil Daza.
28:48At Best Screenplay para kinang National Artist Ricky Lee at GMA Public Affairs Senior Assistant Vice President Ange Atienza.
28:59Napaka-special ng gabi na ito para sa proyekto namin.
29:04Hindi namin nakalain na makukuha namin ito at yung mga iba pang mga importanteng awards.
29:08Napaka-apalad po namin na naging parte po kami ng pelikula na ito lalo-lalo na sa 50th anniversary pa ng MMFF.
29:16After the back-to-back wins of Jose Rizal and Muroami, we have Firefly and Green Bones in this century. So, I'm so happy.
29:26Inaalay talaga namin talaga itong pelikula to sa mga viewers because gusto namin na ma-inspire sila.
29:34Di ba? Parang pag napanood nila ito, gugustuin mong maging mabuting tao.
29:40And I think that's a powerful message that we really want everyone to be able to see.
29:47Nag-post naman si Dennis Trillo sa kanyang Facebook account ng photo din na primetime King and Queen Ding Dong Dantes and Marian Rivera matapos manood ng Green Bones.
29:57Sa caption, nagpasalamat siya sa pag-suporta ng dalawa sa kanilang pelikula.
30:03Dahil bukas na po ang Salubong 2025, bantay presyo tayo ng mga pang medyanoche sa Udot on the Spot ni Tina Panganiban Perez. Tina?
30:17Raffy, kahit bukas na ang medyanoche, nagrereklamo ang ilang nagtitinda sa Legacumar sa Cebu City. Nakakaunti pa rin ang mga namimili.
30:26Sabi ni Isabel Bautista, nagtitinda ng mga frutas, tumaas pa ang presyo ng kanyang mga paninda dahil tumaas din ang kuha niya.
30:34Ang maliit na pinya na pang dekorasyon, 20 pesos. Pero yung malaki na pwedeng pagsaluhan, ang benta niya ay 100 pesos, habang 80 ang puhuna niya.
30:43Ang mga mansanas, mapagreen or red, 25 hanggang 40 ang isa. 15 pesos naman ang kada isang lemon at pongkan.
30:51Si Jerry Pablo, isang bus driver, namili na ng mga bilog na frutas kanina para panghanda sa medyanoche. Para makompleto ang 12 bilog na frutas, ang ilal, payi sa isang piraso lang ang binili niya.
31:05Pero humabot pa rin sa halos 800 pesos ang nagastos niya. May nagbadenta rin ng mga supot na may 10 gold coin na chocolate pa halagang 20 pesos.
31:15May mga bumibili rao ng mga ipo dahil pinaniniwala ang pampaswerte.
31:49Sa bagong taon, nagparada ang Philippine Animal Welfare Society, Eco Waste Koalisyon, Fur Parents, Fur Babies at Volunteers.
31:58Ayon sa isang environmental specialist, ang iba't-ibang pulay ng fireworks ay dahil sa mga kemikal at heavy metals na may masamang epekto sa kalusuga ng tao at sa kalikasan.
32:08Yung green, blue, purple, it includes cadmium which is also an irritant but in the long term can cause cancer, liver and kidney problems.
32:17And ito pong perchlorate na ito, it's a persistent organic pollutant.
32:23Ibig sabihin po, even after the smokes have dissipated, these perchlorates can stay in the environment even for years.
32:33Ayon sa isang veterinarian, ang malalakas na tunog ng paputok, maaaring magdulot ng psychological stress sa limbawa sa mga aso at pusa na may pandinig na apat na beses ang sensitivity kumpara sa tao.
32:46Pwedeng mag-cost ng health damage talaga. Okay kung bumalik pero may mga cases talaga na nasisira na yung kanilang pandinig po.
32:55Ang stress sa mga hayop, maaaring rin daw magdulot ng sakit sa kanila.
32:59Common sa mga aso natin ang may blood parasite, hihintay lang yan na ma-stress ang aso para umatake sa katawan ng dogs.
33:07Second is viral infection, like mga flu-like viruses, once na-stress ang aso natin, talagang nagiging opportunistic yan.
33:15Ang mga aso maaaring rin daw mamatay kapag nalanghap nilang usok mula sa mga paputok.
33:20Ipasok nilo ang inyong alagang aso sa loob ng bahay. Ito ang pinaka humane way na pwede nilong i-offer sa inyong pet.
33:31Pwede rin silang ilagay sa loob ng sasakyan para mabawasan ang naririnig nilang ingay basta't may kasama.
33:37Maaaring rin silang lagyan ng anxiety wrap na magsisilbing pangyakap sa kanila.
33:41So I'm using an elastic band. It has to go across the chest. There. And then it has to go around.
33:53It has to be tight to produce the effect that you want. But it shouldn't be too tight at the bottom.
34:01Kapag natatakot ang fur babies o nanginginig sa oras ng putukan,
34:06bigyan sila ng comfort sa pamamagitan ng pagyakap at paghimas para mapakalma sila.
34:11Pwede rin silang bigyan ng laruan o treats para malibang.
34:15Dati, ang tanging alam ko lang kapag New Year, itatago natin sa mga banyo yung mga aso. Pero ngayon marami ako natutuloy.
34:25Na-stress eh. Nagbabamit siya. Yung nanginginig. Yung nang nervyos.
34:31Ako yung experience ni Sasha dati.
34:33Oo. So, dapat talaga, you make it, ano talaga, kailangan i-care mo. Kasi kung di, baka magkasakit.
34:42Tulad ng mga tao, ang mga hayop may pakiramdam din. Kaya naman ang tamang pangangalaga sa kanila.
34:48Huwag daw sanang kalimutan sa gitna ng kasiyahan sa pagsalubong sa bagong taon.
34:53Von Aquino nagbabalita para sa GMA Integrated News.
34:57Nangunguna ang GMA Network sa mga TV stations na source o sanggunian ng balita at impormasyon ng mga Pilipino,
35:04batay sa tuguhan ng Massa Survey ng OCTA Research.
35:0890% ang nagsabing sa GMA Network sila umaasa para sa balita at impormasyon.
35:14Dumami rin ang nagtitiwala sa GMA Network.
35:17Tumaasa 98% ang overall trust rating ng GMA Network mula sa 93% na naitala noong June 2024 survey.
35:26Isinagawa ang survey sa 1,200 respondents noong November 10 to 16 may plus minus 3% margin of error.
35:36Update po tayo sa pinirmahang national budget para sa susunod na taon. Detalyan yan sa ulit on the spot ni Ivan Mayrina.
35:43Ivan?
35:45Connie, ang naisabatas na budget, 6.326 trillion pesos, mas mababa sa 6.352 trillion pesos na itaprobahan ng Bicameral Committee ng Kongreso.
36:00Ang 26 billion pesos na natapyas galing sa mga proyekto sa ilalim ng Department of Public Works and Highways na ginamitan ng direct veto ng Pangulo,
36:07o sa madaling salita, pinabura ng Pangulo sa budget.
36:11Bukod diyan, vinito rin ang 168 billion pesos ng unprogrammed appropriations para sa kabuang 194 billion na tinapya sa ipinasang budget ng Bicam.
36:21Ayon sa Pangulo, kailangan mag-improve it. Mabusisi at maingat ang pamahalaan sa pagpasa ng budget at iyaking bawat sentimo ay magamit para sa mga development programs na inilatag ng kanyang administrasyon para sa taong 2025.
36:33Hindi raw opsyon ang isang re-enacted budget kaya kahit dalawang tulog na lang bago mag-2025 at kahit holiday ngayong araw, ay hinabol ang pagsasabatas ito.
36:43Sa pinaldaberson Connie ng 2025 General Appropriations Act, number one sa pinaglaanan ng pondo ang sektor ng edukasyon,
36:51bigyan din lamang natin Connie na sektor ito at hindi lamang DepEd.
36:55Kasama na rin kasi dito ang CHED, ang TESDA, mga State Universities and Colleges,
37:00at maging ang mga proyektong pang-imprastruktura tulad ng school buildings at mga dagdag sahod para sa mga guru.
37:06Magugunit ang marami ang pumuna dahil naging mas mataas ang pondo ng DPWH sa ipinasang version ng Bicam na paglabag-umano
37:13sa'y tinatakda ng saligang bata sa dapat pinakamataas ang budget sa sektor ng edukasyon.
37:18Ang pinal na numero, P1,055,000,000 para sa edukasyon at P1,007,000,000 para sa DPWH.
37:28Sa usapin naman ng zero subsidy ng PhilHealth na nanatingin itong zero sa pirmadong budget dahil wala na rao sa kapangyarihan ng Pangulo
37:35na mag-realign o magdagdag para rito.
37:37Pero siniguro ng pamahalaan na walang magbabago sa serbisyo at magkus ay palalawakin pa ang mga ito.
37:43Ang kay Finance Secretary Ralph Recto, sapat ang pondo ng PhilHealth.
37:47Ang usapin naman ng ayuda sa Kaposang Kita o ACA program, hindi veto kundi conditional implementation ang ginawa ng Pangulo rito.
37:55Ibig sabihin mas pinahigpit ang pag-release ng pondo para rito.
37:59Maglalabas daw ng guidelines ang Labor Department, Social Welfare Department at ang NEDA para matiyak na hindi magkakadobli-dobli ang mga ayuda
38:06at ang mga deserving lamang ang makakatanggap ng mga ito at hindi ito magamit na instrumento para sa tinatawag na political patronage o pork barrel ng mga kongresista.
38:17Connie, tiwala ang palasyo na ang pinaldabersyon ng budget ay naayon sa saligang batas
38:23pero hindi naman daw nila mapipigilan ng kahit sinuman kung sakaling may kongwestyon dito sa Korte Suprema.
38:29Connie?
38:30Maraming salamat, Ivan Mayrina.
38:37Sugata na isang batang dalaki sa Bacaray, Locos Norte matapos maglaro ng lucis.
38:42Base sa pulisya, galing sa pinsa ng batang 9 anos ang lucis.
38:46Nagtamo ng biktima ng second-degree burn at agad nadala sa pag-abutan.
38:51Nasa maayos na siyang kalagayan.
38:57Mahigit siyam naraangboga ang winasak sa pag-abutan.
39:01Mahigit siyam naraangboga ang winasak sa Kavite ngayong pumaga.
39:05Nakumpit kaya lamang otoridad mulayan sa iba't ibang panig ng probinsya ngayong kapaskuhan.
39:10Ayon sa Kavite, Provincial Police Office at Bureau of Fire Protection,
39:16kasama rin sa mga kinumpiska at winasak,
39:19ang aabot sa higit kalahating milyong pisong halaga na mga iligal na paputok
39:22gaya po ng Whistlebomb, Piccolo, Sintron y Huda, Sawa at Triangulo.
39:27Ang mga negosyanteng nahulihan na mga nasaming paputok ay pinagbultan ng tig 20,000 piso.
39:39Ngayong araw, ang ikasangdaan at 28 anibersaryo ng pagkamatay ng ating pambansang bayani, Dr. Jose Rizal.
39:46Kaya tinanong natin ng netizens kung paano ang mga mga mga mga mga mga mga mga mga mga mga
39:52kung ano kaya ang gusto nilang sabihin kung nabubuhay pa si Gat Jose Rizal ngayon.
39:58Nagpasalamat si Ken Scott sa pagmamahal ni Jose Rizal sa bansang Pilipinas.
40:02Anyan na mulat ang mga Pilipino sa kahanagahan ng kalayaan.
40:06Nagpasalamat naman si Charlie Girl o Hill, Charlie Hill Villarreal,
40:11sa pagiging inspirasyon ni Gat Jose Rizal sa maraming Pilipino.
40:15Si Bonifacio Nacional Jr. naman sasabihin kay Jose Rizal na,
40:18dahil sa sakripisyon niya, natatamasa natin ngayon ng kapayapaan at kalayaan.
40:24Ang sasabihin naman daw ni Hannah Kim Turaya,
40:27sana ay tularan si Rizal na mga kabataan na sinasabi niyang pag-asa ng bayan.
40:33Ito po ang Balitang Hali. Bahagi kami ng mas malaking mission.
40:37Dalawang araw na lang, bagong taon na.
40:40Ako po si Connie Cizon.
40:42Kasama niyo rin po ako, Aubrey Caramper.
40:44At live mula rito sa Bukawi, Bulacan kung saan sunikat na ang haring araw.
40:49Rafi Timo po para sa mas malawak na paglilingkod sa bayan.
40:53Wala sa GMA Integrated News, ang News Authority ng Pilipino.