• yesterday
Unfilipino: Atty. Reserva Binatikos ang Pagpayag ni PBBM sa Posibleng Pag-aresto kay FPRRD.
Basahin: https://tinyurl.com/pdet82f7

Binatikos ni Atty. James Reserva ang naging pahayag ni Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. (PBBM) na hindi hahadlangan ng gobyerno ang posibleng pag-aresto kay dating Pangulong Rodrigo Duterte (FPRRD). Ayon kay Atty. Reserva, tila may double standard sa posisyon ng administrasyon pagdating sa proteksyon ng mga Pilipino sa ibang bansa kumpara sa kaso ni Duterte.

**“Tayo nga ipaglaban nga natin ‘yung ating mga kababayan na nasa ibang bansa in order to protect our citizen who are facing criminal charges, sa kaso ni FPRRD, ‘di nga siya convicted dito sa ating bansa, isu-surrender na natin?”** ani Atty. Reserva.

Iginiit din niya na hindi dapat basta-basta ipagkait ang proteksyon sa isang dating pangulo, lalo na kung wala pang hatol laban dito sa sariling bayan. Para sa kanya, tila isang "unfilipino" na hakbang ang ginawa ni PBBM, na sa halip na ipagtanggol ang dating pangulo, tila mas inuuna pa ang pagsunod sa dayuhang impluwensya.

Nag-ugat ang usapin matapos lumabas ang mga balitang posibleng magkaroon ng kaso laban kay Duterte sa International Criminal Court (ICC). Sa kabila ng matibay na posisyon ni Duterte noon na hindi kinikilala ng Pilipinas ang hurisdiksyon ng ICC, tila bukas naman si Marcos sa ideya ng pagsunod sa mga international legal proceedings.

Umani ng iba't ibang reaksyon ang isyung ito, lalo na mula sa mga tagasuporta ni Duterte na naniniwalang dapat protektahan ng gobyerno ang dating pangulo. Patuloy na lumalakas ang panawagan para kay PBBM na muling pag-isipan ang kanyang posisyon at unahin ang interes ng bayan bago ang anumang dayuhang presyon.

#duterte #dutertearrest #duterteicc #presidentduterte #marcos #bongbongmarcos

Category

🗞
News

Recommended