Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 2 days ago
Saksi is GMA Network's late-night newscast hosted by Arnold Clavio and Pia Arcangel. It airs Mondays to Fridays at 10:20 PM (PHL Time) on GMA-7. For more videos from Saksi, visit http://www.gmanews.tv/saksi.


#GMAIntegratedNews #KapusoStream


Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews


GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Inami ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulia na siya ang nagbigay ng clearance ng arestohin si dating Pangulong Rodrigo Duterte.
00:08Ilang beses nagkainitan ng mga dumalo sa pagdinignang Senado uko sa pag-aresto sa dating Pangulo.
00:14Saksi si Maav Gonzalez.
00:18Sa pagharap ng mga opisyal ng Ehekutibo sa pagdinignang Senado, naging mainit ang talakayan,
00:24kaugnay ng pag-aresto kay dating Pangulong Rodrigo Duterte.
00:27Sa isang puntong, naluha ang kaalyadong si Senado Robin Padilla.
00:32Gustong maliwanagan ng Senate Committee on Foreign Relations, bakit sinurender si Duterte sa ibang bansa?
00:38Gayong sa Interpol Rediffusion, nakalagay na dapat arestohin si Duterte para sa posibleng ekstradisyon.
00:44Ang sabi ni Justice Secretary Crispin Remulia, hindi na posibleng ekstradisyon dahil hindi na miyembro ng International Criminal Court ang Pilipinas.
00:52Kung miyembro po tayo ng ICC, nakakatulong sana kay President Duterte na hindi po siya ililipad.
01:00Eh, siya po yung mismo nag-atras ng ating membership.
01:03Eh, kaya nga eh.
01:05Kasi yung po yung malinaw na malinaw po, na may treaty po na kinakailangan para ho magkaroon na ekstradisyon.
01:12Eh, wala pong treaty eh. Kasi nga, nag-virona tayo sa ICC.
01:16Yun po yung option na binibigay ng batas sa authorities at sa atin, sa amin po, sa amin pong departamento at sa atin pong executive department.
01:25Malinaw po yun. Ang surrender po ay isang option na pwedeng gawin.
01:29Question din ni Committee Chair Sen. Amy Marcos, ang mga pinirmahang dokumento ni Ambassador Marcos Lakanilaw,
01:35ang representative ng Interpol Manila, nakasama ni dating Pangulong Duterte mula sa airport hanggang sa The Hague.
01:42Nakalagay kasi sa form na sinagutan ni Lakanilaw na hindi niya alam kung humarap sa Competent National Judicial Authority ang inaresto.
01:49Alam mo, mula nung dumating na talaga naman hindi pinayagan, makita yung abogado, hindi pinayagan, pumunta sa Pilipinong husgado, hindi pinayagan lumabas.
01:59Bakit mo sinasabing dunat no, nandun ka, nakababad ka hanggang sa Hague, nandun ka eh.
02:03Yun ho kasing certification, yung details, nandun doon po sa DOJ certification.
02:08Yun ho yung inaantay ko that time.
02:12Pag sinabi mong hindi mo alam, you are lying.
02:15Sinagot din nila kanilaw sa dokumento na nakatanggap ng legal assistance ang dating Pangulo sa National Proceedings.
02:21Kasama ni Duterte sa Villamor Airbase noong March 11, ang Executive Secretary niya na si Salvador Medialdea na isang abogado at si Atty. Martin Delgra.
02:30Baka namang kabulastog ang lahat ito.
02:32Di ma'am, legal assistance kasi po, that time, ang pagkakaintindi ko, kasi nandun doon yung tatlong lawyers niya.
02:42May national proceedings ba doon sa Villamor na sinasakot yung tatlong abogadong sinasabi mo?
02:48Legal assistance and serving of waran.
02:51Dahil hindi katanggap-tanggap sa mga senador ang sagot nila kanilaw, ipinakotempt siya ni Senador Bato de la Rosa.
02:58Paliwanag ng Justice Secretary, ang sinagotang form ay para sa extradition.
03:02This is an extradition form, kaya ang mga tanong po dyan is for extradition, not for surrender.
03:07The representative of the Philippine government should not just sign.
03:11He should have noted there, surrender to, not applicable, etc.
03:14Hinimay rin kung sino ang nagutos ng pag-aresto kay Duterte.
03:18Ang itinuro ni CIDG Chief Nicolás Torre III, si PNP Chief Romel Marbil.
03:23Si Marbil naman, ang Philippine Center on Transnational Crime ang itinurong nagbigay ng order to arrest, pero itinanggi ito ng PCTC.
03:31Nagsimulang mag-init ang diskusyon, nang sabihin ni Marbil na ito raw ay saklaw na ng executive privilege.
03:36Marbil, are you lying?
03:38I'm not lying, but I just want to have the executive privilege regarding this matter.
03:44Dahil dito, umalma si Justice Secretary Crispin Remulia saan iya ay pang bubuli.
04:01That's why we didn't want to attend the last hearing because this is what we were expecting now.
04:06We didn't want to be bullied into opposition.
04:09No, we're not bullying you, sir.
04:10I think that you're trying to make people admit something that they will not admit.
04:17An executive privilege is a valid excuse not to answer any questions.
04:21President Duterte is already at the HIG.
04:24We're asking kung sino nagpadala doon sa kanya.
04:26Sino lang ko na we're trying to understand every step of the way.
04:31Inako na ni Remulia na siya ang nagbigay ng clearance at basihan sa batas para arrestuhin si Duterte.
04:36As I said earlier, everything was cleared by the DOJ.
04:39We are not bullying you, sir.
04:41We want the truth.
04:43That's why if we try to make a person admit something that should not be admitted,
04:50it means that there is something more to it which is clearance given by the DOJ was probably the most important part of it
05:01to solve the warrant of arrest and to surrender the person under the law.
05:06Si Sen. Bongo naman, pinuntirya si Torre dahil pinilit daw ilipad si Duterte pa Netherlands kahit hindi maganda ang kalusugan.
05:13May doktor siyang sarili galing sa Cardinal Santos.
05:29Babae po yun. Siya po ay doktor ni PRRD.
05:32Pagod maglanding aeroplano ni President Duterte, he himself was the one who made a video.
05:37Pinadala niya sa anak niya, pinost ni Kitty.
05:39Sinasabi niyang okay siya.
05:41Para sa GMA Integrated News, ako si Mav Gonzalez, ang inyong saksi.
05:46Sa isang pahayag ngayong gabi, sinabi ni Sen. Amy Marcos, ang chairperson ng Senate Committee on Foreign Relations,
05:53na pinakawalan na si Special Envoy and Transnational Crime, Marcos Lacanilau.
05:58Hindi daw pinilmahan ni Sen. President Cheez Escudero ang contempt order laban sa kanya
06:02at iniutos ang pagpapakawala kay Lacanilau.
06:06Ikinadismaya ito ni Sen. Marcos dahil isa raw itong anyang terrible precedent.
06:12Sinisikap namin makuha ang panig ni Sen. President Escudero.

Recommended