Narito ang maiinit na balita sa Balitanghali Express ngayong Miyerkules, April 23, 2025
-500 bahay, nasunog sa Brgy. 123, Tondo, Manila/Residente, sumabit ang paa sa kable matapos tumalon mula sa bintana para makaligtas sa sunog/Sunog, idineklarang fire under control na; sanhi ng apoy, inaalam pa
-WEATHER: PAGASA: 25 lugar, posibleng tamaan ng danger level na heat index ngayong araw
-Pope Francis, hiniling sa kanyang habilin noong 2022 na maging simple ang kanyang kabaong at puntod/ Personal healthcare assistant ni Pope Francis, ikinuwento ang mga huling sandali ng Santo Papa/ Mga kardinal, nagtipon-tipon na sa Vatican para sa first General Congregation
-Public viewing sa labi ni Pope Francis, sisimulan mamaya sa St. Peter's Basilica; tatagal ng 3 araw/Pope Francis, ililibing sa St. Mary Major Basilica sa Sabado/Serye ng mga misa sa Vatican City, isasagawa kasunod ng libing ng Santo Papa
-97 drivers sa 3,700 na sumalang sa random drug testing nitong Holy Week, nagpositibo; suspendido ang lisensiyaAbot sa 671 na sangkot sa sari-saring insidente sa kalsada nitong Holy Week, sususpendihin/LTO, bubuo ng team na magbabantay sa mga unsightly o hindi na kaaya-ayang tingnan na mga sasakyan
-Nora Aunor, inalala at binigyang-pugay sa State Necrological Service/Galing at kabutihan ni Nora Aunor, inalala hanggang sa kanyang state funeral
-200 bahay, nasunog sa Port Area/Lalaking hinihinalang nanalisi sa gitna ng sunog, hinuli; suspek, itinanggi ang paratang/Windshield ng firetruck, binasag daw ng mga residente sa gitna ng sunog
-Magpinsang magkaangkas sa motorsiklo, sugatan matapos masalpok ng SUV: tumakas na driver, sumuko kalaunan
-Mga Cebuano, kabilang sa mga nagluluksa sa pagpanaw ni Pope Francis; mga misa para sa Santo Papa, inilalatag na
-Phl Marine activist Angelique Songco a.k.a. Mama Ranger, kabilang sa mga binigyan ng International Women of Courage Award
-INTERVIEW: FRANCIS LUCAS, PRESIDENT, CATHOLIC MEDIA NETWORK
-Pope Francis, inalala sa ilang iconic landmarks sa iba't ibang panig ng mundo
- NCAA Season 100 Indoor Volleyball, mapapanood sa GTV at Heart of Asia
-COMELEC at European Union, nagsagawa ng pulong kaugnay sa deployment ng 200 dayuhang election observers sa eleksyon/Precinct finder ng COMELEC, maaari nang mabisita sa kanilang website
For Kapuso abroad, subscribe to GMA Pinoy TV (http://www.gmapinoytv.com/) for GMA programs, including the full version of Balitanghali.
Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time).
#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
-500 bahay, nasunog sa Brgy. 123, Tondo, Manila/Residente, sumabit ang paa sa kable matapos tumalon mula sa bintana para makaligtas sa sunog/Sunog, idineklarang fire under control na; sanhi ng apoy, inaalam pa
-WEATHER: PAGASA: 25 lugar, posibleng tamaan ng danger level na heat index ngayong araw
-Pope Francis, hiniling sa kanyang habilin noong 2022 na maging simple ang kanyang kabaong at puntod/ Personal healthcare assistant ni Pope Francis, ikinuwento ang mga huling sandali ng Santo Papa/ Mga kardinal, nagtipon-tipon na sa Vatican para sa first General Congregation
-Public viewing sa labi ni Pope Francis, sisimulan mamaya sa St. Peter's Basilica; tatagal ng 3 araw/Pope Francis, ililibing sa St. Mary Major Basilica sa Sabado/Serye ng mga misa sa Vatican City, isasagawa kasunod ng libing ng Santo Papa
-97 drivers sa 3,700 na sumalang sa random drug testing nitong Holy Week, nagpositibo; suspendido ang lisensiyaAbot sa 671 na sangkot sa sari-saring insidente sa kalsada nitong Holy Week, sususpendihin/LTO, bubuo ng team na magbabantay sa mga unsightly o hindi na kaaya-ayang tingnan na mga sasakyan
-Nora Aunor, inalala at binigyang-pugay sa State Necrological Service/Galing at kabutihan ni Nora Aunor, inalala hanggang sa kanyang state funeral
-200 bahay, nasunog sa Port Area/Lalaking hinihinalang nanalisi sa gitna ng sunog, hinuli; suspek, itinanggi ang paratang/Windshield ng firetruck, binasag daw ng mga residente sa gitna ng sunog
-Magpinsang magkaangkas sa motorsiklo, sugatan matapos masalpok ng SUV: tumakas na driver, sumuko kalaunan
-Mga Cebuano, kabilang sa mga nagluluksa sa pagpanaw ni Pope Francis; mga misa para sa Santo Papa, inilalatag na
-Phl Marine activist Angelique Songco a.k.a. Mama Ranger, kabilang sa mga binigyan ng International Women of Courage Award
-INTERVIEW: FRANCIS LUCAS, PRESIDENT, CATHOLIC MEDIA NETWORK
-Pope Francis, inalala sa ilang iconic landmarks sa iba't ibang panig ng mundo
- NCAA Season 100 Indoor Volleyball, mapapanood sa GTV at Heart of Asia
-COMELEC at European Union, nagsagawa ng pulong kaugnay sa deployment ng 200 dayuhang election observers sa eleksyon/Precinct finder ng COMELEC, maaari nang mabisita sa kanilang website
For Kapuso abroad, subscribe to GMA Pinoy TV (http://www.gmapinoytv.com/) for GMA programs, including the full version of Balitanghali.
Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time).
#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
Category
🗞
NewsTranscript
00:00.
00:02.
00:05.
00:06.
00:07.
00:08.
00:12.
00:14.
00:18.
00:20.
00:22.
00:26.
00:28.
00:29.
00:55.
00:57.
00:58Alas 13.30 pia na na madaling araw, ganito pa rin po kalaki yung apoy na tumutupok sa magkakadikit na bahay dito po sa residential area sa Tondo, Manila.
01:20Gumapang pa po yung apoy dun pa sa ibang bahay, kaya pahirapan ang operasyon ng Bureau Fire Protection sa mga oras na ito.
01:28Matapos ang isa't kalahating oras, kinailangang itaas sa Task Force Charlie ang sunog.
01:33Nasa sandang fire truck ng BFP ang rumisponde, bukod pa sa mga fire volunteer group.
01:38Lalo pa kasing lumaki ang apoy at kumalat pa ito.
01:41Kanya-kanya ng salba ng mga gamit ang mga residenteng nasunugan.
01:45Si Gina ay ilang damit lang ang nadala dahil biglaan daw ang pangyayari.
01:48May sinigawan kasi yung may sunog daw.
01:51Emosyonal naman si Rima Flor dahil wala siyang naisalba ni isang gamit.
02:10Mga anak ko, kasama ko, wala na rin nasalba.
02:17Kapit na lang sa Panginoon, wala na mangyayari.
02:20Ganun, nandyan na eh.
02:21Diglaan lang eh.
02:25Kinilang respondihan ng rescue team si Yuki na iniinda ang kanyang kaliwang paa na sumabit sa wire.
02:30Tumalon kasi siya mula sa bintana ng nasusunog na bahay para makaligtas.
02:34Kasama niya muntik matrap ang tatlong taong gulang niyang anak na si Sakura.
02:38Pagkabukas ko, natarantan ako.
02:40Ang nakita ko nalang kulay pula tapos puro usok na talaga.
02:43Kaya ang ginawa ko, kinuha ko na yung anak ko.
02:46Tapos pagkatanaw ko sa bintana, may laki tao, isang lalaki doon na nakatayo, sinigawan ko.
02:50Sabi ko, kuha, isaluhin mo anak ko.
02:52Tapos pagkasalo niya, ako po, no choice na tumalim na rin po ako.
02:56Nananawagan ng tulong ang mga residenteng na apektuhan.
02:59Numalapit po kami sa inyo, sana tulungan nyo kami.
03:01Dito kami sa barangay 123 na sunugan.
03:05Pasado alas 7 ng umaga na ideklara ang fire under control.
03:08Ayon sa BFP, natupong ang limandaang bahay.
03:11Apektado ang 1,500 pamilya.
03:14Inaalam pa rao nila ang sanhinang apoy na nagsimula sa isang bahay na may dalawang pala pa.
03:18Yung pinapanggit kasi kanina, may nagbasasabi na kandila.
03:22Yung mga iba naman, may nagsasabing priyente po yung naging cause ng sunug natin.
03:28Pero i-ibistigahan pa po natin yan.
03:30So we need to raise into Task Force Charlie to increase the number of responders coming from outside the city of Manila.
03:40Sa tansya ng BFP, umabot sa 10 milyong pisong inisyal na halaga ng pinsala.
03:44James Agustin, nagbabalita para sa Gemma Integrated News.
03:5225 lugar sa bansa ang pinagahanda sa matinding init at alinsangan ngayon pong Merkoles.
03:59Ayon sa pag-asa, posibleng umabot sa danger level na 45 degrees Celsius ang heat index sa Dagupan, Pangasinan.
04:0544 degrees Celsius naman sa Apari at Tuguegarao sa Cagayan.
04:1043 degrees Celsius sa Lawag, Ilocos Norte.
04:12Bacnotan, La Union, Echagi Isabela, Baler at Kasiguran Aurora, Kamiling Tarlac, Sangley Point, Cavite at Pili, Camarines Sur.
04:22Posibleng umabot sa 42 degrees Celsius ang heat index sa ilan pang bayan at syudad sa Luzon,
04:27pati na po sa Dumangas, Iloilo.
04:30Extreme caution level pa rin ang inaasahang heat index dito po naman sa Metro Manila.
04:3541 degrees Celsius sa Quezon City habang 40 degrees Celsius sa Pasay.
04:39Patuloy po na nakaka-apekto ngayon sa Luzon at Lusayas ang mainit na Easter Lease.
04:45Intertropical Convergence Zone o ITZZ naman ang umiiral sa Mindanao.
04:49Kung hindi maulan o maulap sa inyong lugar, mamayang gabi, maaari ho niyong masilayan ang Pai Papids Meteor Shower.
04:59Peak activity nito ngayong araw.
05:01Mula paglubog ng araw hanggang pasado alas 10 mamayang gabi, ay po pwede kayong makakita ng bulalakaw.
05:08Katulad po noong siya'y buhay pa, pagiging simple pa rin ang ninais ni Pope Francis sa kanyang huling hantungan.
05:22Ang mga habilin at kwento ng mga huling sandali ni Pope Francis base po sa salaysay ng kanyang healthcare assistant sa Balitang Hatid ni Ian Cruz.
05:32Kung paanong payak ang buhay na ipinangaral ni Pope Francis noong nabubuhay pa siya,
05:41ganoon din ang kanyang pinagihimlayan ngayon sa Casa Marta sa Vatican kung saan siya nanirahan sa loob ng labin dalawang taon.
05:49Gawa sa kahoy ang kanyang kabaong, iba sa nakagawi ang tatlong kabaong na gawa sa cypress, lead at oak ng mga naunang santupapa.
05:59Dadalhin ang kanyang labi sa St. Peter's Basilica para sa huling pagkakataon,
06:05makapagpaalam ang publiko sa 88 anyos na pinuno ng simbahang katolika.
06:11Sa habili ni Pope Francis na isinulat niya noong June 2022 at inilabas ng Vatican,
06:17nais niyang mailibing sa People Basilica of St. Mary Major kung saan nagdarasal siya bago at pagkatapos ng bawat apostolic journey.
06:27Payak lang daw dapat ang kanyang puntod na kabaon sa lupa at ang tanging nakalagay ng mga kataga, Franciscus.
06:36Ang gasto sa kanyang pagpapalibing, magbumula raw sa isang benefactor na di niya pinangalanan.
06:44At ang kanyang paghihirap sa huling bahagi ng kanyang buhay, iniaalay raw niya sa Diyos, sa kapayapaan ng mundo at kapatiran ng sangkatauhan.
06:53Sa ulat ng Vatican News, ikinuwento ng kanyang personal healthcare assistant ang bahuling sandali niya kasama si Pope Francis.
07:01Kwento ni Massimiliano Srappetti, nakasama rin ng Santo Papa sa 38 araw niyang pagkakonfine sa Gemelli Hospital sa Roma.
07:10Nag-alinlangan pa si Pope Francis kung kakayanin niyang mag-ikot sa St. Peter's Square noong Easter Sunday.
07:17Pero itinuloy pa rin niya ito.
07:19Pagod man, kontento raw si Pope Francis at nagpasalamat kay Srappetti dahil tinulungan daw siyang makabalik sa St. Peter's Square.
07:28Hapon ng linggo, nagpahinga raw si Pope Francis at naghapunan.
07:32Madalas 5.30 ng umaga kinabukasan, unang lumabas ang inisyal na senyales ng karamdaman.
07:39Matapos daw ang isang oras, tila nagpaalam daw si Pope Francis kay Srappetti habang nakaratay sa kanyang apartment sa Casa Santa Marta.
07:47Doon na raw na koma si Pope Francis.
07:50Ayon sa mga kasama niya, noong mga huling sandali, hindi raw nahirapan ang Santo Papa at mabilis ang mga pangyayari.
07:59Nagtipon-tipon na rin ang mga cardinal sa Vatican para sa First General Congregation para talakayin ang mga gagawin ngayong panahon na sede vacante o walang nakaupong Santo Papa.
08:11Alas 10 ang umaga ng April 26 oras sa Vatican, inaraos ang funeral mass para kay Pope Francis na pangungunahan ng Dean ng College of Cardinals na si Cardinal Giovanni Battistare.
08:26Pagkatapos ang misa, sisimulan ang Novem Diales, o siyam na araw ng pagluluksa.
08:33Mula sa St. Peter's Basilica, tadalhin ang Labini Pope Francis sa Basilica of St. Mary Major para ilibing.
08:41Ian Cruz, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
08:47Nakatakdang ilipat ngayong araw ang Labini Pope Francis papunta sa St. Peter's Basilica mula po sa Casa Santa Marta para sa public viewing.
08:56At makakausap po natin si GMA Integrated News stringer J.V. Marasigan-Pangan.
09:01Magandang gabi sa inyo dyan, J.V.
09:05Anong oras ililipat ang mga Labini Pope Francis sa St. Peter's Basilica?
09:11Magandang umaga, Connie.
09:13Mamaya alas 9 ng umaga oras dito sa Vatican ay ililipat na ang mga Labini Pope Francis mula sa Casa Santa Marta patungong St. Peter's Basilica.
09:23Bandang alas 3 yan ng hapon dyan sa Pilipinas.
09:26Pangungunahan naman ni Cardinal Kevin Farrell ang Camerlengo ng Simbaang Katolika ang panalangin bago magsimula ang prosesyon.
09:32Daraan ito sa Piazza Santa Marta, Piazza de Porto Martiri, Romani at papasok sa Vatican Basilica sa pamamagitan ng Arco de la Campane.
09:42Sa mismo altar of the confession naman gaganapin ang Liturgy of the Word.
09:46At mula alas 11 ng umaga, oras pa rin dito sa Vatican ay bubuksan ng Basilica para sa mga nagnanais magpunta sa public viewing ng mga Labi ng Yumaong Santo Papa.
09:56Tama pa, pasado alas 5 na madaling araw ngayon dyan at ilang oras na lamang ay bubuksan na nga itong sinasabing public viewing.
10:04Ilang araw ba magtatagal ito?
10:06May mga detalya na ba kung kailan ang libing?
10:09Yes, Connie. Inaasahang tatagal ang public viewing ng mga tatlong araw at inanunsyo nga ng Vatican na sa Sabado na, April 26, ang Liturgy ng Yumaong Santo Papa.
10:23At maging sa kanyang pagpanao, bumabasag pa rin ang tradisyon si Pope Francis.
10:27Siya nga ang magiging unang santo sa loob ng isang daantaon at ililibing sa labas ng Vatican City.
10:32At nasa rong Italy na kasi ang St. Mary Major Basilica na madalas daw bisitahin ni Pope Francis.
10:38Yes, at anong ba yung mga sinasabing magiging susunod na hakbang JV ng Vatican matapos itong libing?
10:45Sinasabi na maaari magsimula ang conclave 9 to 20 days? Tama ba?
10:51Bago yan, Connie, isang araw matapos ang libing ay magkakaroon muna ng mga seri na mga misa sa linggo sa April 27 at magtutuloy-tuloy ito araw-araw.
11:03Wala pang opisyal na anunsyo kung kailan talaga magsisimula ang conclave pero yan pa rin ang ating inaantabayanan hanggang sa ngayon.
11:09Alright, habang hinihinta yung public viewing...
11:11Inaasahan din pala natin mamayang hapon...
11:13Go ahead, JV.
11:14Inaasahan din natin mamayang hapon ang ikalawang pagtitipo ng mga cardinal kasi kahapon ay nakita-kita na sila at mahigit 60 cardinal na ang dumalo sa pagtitipong ito.
11:28At tatlo nga sa kanila ang nabunot, dalawa sa Italy at isa mula sa Poland para pansamantalang tulungan ang Camerlengo sa pangangasiwa ng simbahan habang wala pang ganap na Santo Papa.
11:37At papalitan din sila kada tatlong araw hanggang sa magkaroon na ng Santo Papa Connie.
11:42I see. At kamusta yung mga aktividad dyan sa St. Peter's Square? May mga indikasyon na ba kung saan magsisimula yung pila?
11:50Sa ngayon, Connie, wala pa rin tao dito sa St. Peter's Square pero mas umigting na ang siguridad. Nakakakita na tayo ng mga security personnel sa gilid.
12:01At tinanong natin kanina ang security at police officers at sabi na na na doon daw sa bahagi na yun mismo ng St. Peter's Square magsisimula ang pila para sa public viewing.
12:12Dahil nandun daw yung mga metal detectors at iba pang mga parapernalya para masiguro ang kaligtasan ng lahat at magustong makita ang mga labi ng Santo Papa.
12:22Maraming salamat sa iyo, JV, ng GMA Integrated News. Yan po naman si JV Marasigan-Pangan.
12:31Samatala, dadalo po si Pangulong Bongbong Marcos sa funeral ni Pope Francis sa Sabado.
12:35Kinumpirma po yan ngayong umaga ni Palace Press Officer Undersecretary Claire Castro.
12:40Kasama rin daw ng Pangulo si First Lady Liza Araneta Marcos.
12:45Wala pang inilabas na detalye kung kailan aali sa Pilipinas ang first couple.
12:49Bago nito, ilang world leaders at personalidad na rin ang nagkumpirmang dadalo sa funeral ng Santo Papa.
12:56Gaya ni na US President Donald Trump at Prince William ng United Kingdom.
13:04Suspendido ang lisensya ng halos ang daang driver na nagpositibo po sa isinagamang random drug testing.
13:10nitong Semana Santa.
13:12Detalya naman tayo sa ulat on the spot ni Bernadette Reyes.
13:15Bernadette?
13:16Conny, umabot sa 97 ang bilang ng mga drivers na nagpositibo sa random drug testing na sinagawa nitong Semana Santa.
13:28Kaya naman suspendido na ang kanilang lisensya.
13:30Pero ayon sa DOTR, hindi daw natatapos dito ang bilang ng mga maaaring masuspindi dahil tuloy-tuloy daw ang kanilang programa na tututok dito.
13:39Nito lamang Semana Santa sa 3,700 na sumailalim sa random drug testing.
13:46Ay nasa 97 nga ng mga drivers ang nagpositibo sa droga kaya suspendido na ang kanilang lisensya.
13:53Bumubuo na ang LTO ng team na tututok para mahuli ang mga driver na gumagamit ng droga.
14:00Nagpadala na rin ang show cost order sa mga driver at sa mga kumpanya.
14:04Sa kabuuan, 671 ang sususpindihin kabilang na ang lahat ng may kinalaman sa mga naitalang insidente sa kalsada.
14:13Bubuo naman ng team ang LTO na tututok naman sa mga unsightly vehicles o yung hindi na kaaya-ayang tingnan ng mga sasakyan.
14:21Halimbawa, yung mga malalaglag na mga bumper, mga basag na ang salamin o ilaw o di naman kaya'y punit-punit ang upuan o kinakalawang na ang mga bakal.
14:30Hindi naman raw pagmumultangin ang mga may-ari nito pero hindi rin muna papayagang tumakbo sa kalsada hanggat hindi pa naayos.
14:39Connie, ayon sa DOTR, buko dito sa mga teams na bubuoyin ang LTO ay bumuurin ang DOTR ng Special Task Force na tututok naman sa pag-review ng mga road safety policies.
14:49Maraming salamat, Bernadette Reyes.
14:58Hanggang sa paghatid naman sa huling hantungan kay national artist at superstar Nora Unor,
15:04bumuhos ang pagmamahal at pagpupugay sa kanya ng kanyang pamilya, kaibigan at mga tagahanga.
15:10Balitang hatid ni Jonathan Andal.
15:12Masigabong palakpakan at standing ovation,
15:20pagpupugay na nararapat sa pambansang alagad ng sining sa nag-iisang superstar na si Nora Unor.
15:26Bago ang state funeral, inalala siya at binigyang pugay ng National Commission for Culture and Arts
15:37at ng Cultural Center of the Philippines sa Metropolitan Theater mula sa Heritage Park.
15:42Ang nag-iisang Nora Unor ay huwaran na ang tunay na talento ay hindi nasusukat sa yaman,
15:50sa apelido o sa estado sa buhay.
15:53Siya ay patunay na sa pamamagitan ng sipa, tiyaga at buong pusong paglilingkod sa sinig,
16:06maaabot mo ang pinakamataas na pangarap.
16:10Rebelde Sigay, sa loob ng pitong dekada ay nilabanan niya ang status quo.
16:15Binago niya ang kolonyal na pagtingin nagsasabing mga mapuputi lang at matatangkad ang maganda sa puting tabing.
16:22Ginampan na niya ang papel ng mga babaeng palaban at mga katotohanan.
16:27Bago tumungo sa libingan ng mga bayani, pinaulanan muna ang kabaong ni Nora ng flower petals.
16:35Kung umuulan ng luha sa Metropolitan Theater, iba naman ang sumalubong kay Nora
16:40sa mga nagaantay na noranyan sa libingan ng mga bayani.
16:52Shining in the sun, ang lupawang superstar, ang star ng buhay ko.
17:05Love you guys!
17:06Sa pagdating ng kanyang labi, ginanap na rin ang huling pagpupugay para sa superstar.
17:13Dito siya sinaluduhan,
17:16hinatid ng isang batalyong sundalo,
17:20ginawara ng three valley of fires,
17:21at binalutan ng watawat ng Pilipinas.
17:32Naging emosyonal ang kanyang mga naiwang anak na si Nalotlot, Ian, Matet, Kenneth at Kiko.
17:37Bago pa man tuluyang maibaba ang kabaong ni Ati Gay,
18:00muling bumuhos ang luha ng ilan sa kanyang kaanak at fans,
18:03at kahit naitusok na ang krus sa puntod,
18:05hindi tumigil ang pagdating ng mga tagahanga.
18:08Katabi ng puntod ni Ms. Nora Onor,
18:10ay yung puntod ni Director Ishmael Bernal,
18:14ang kanyang direktor sa iconic film na Himala.
18:17Ito po kasing Section 13 ng libingan ng mga bayani
18:19ay nakariserva para sa mga national artists and scientists.
18:23At sa Ms. Nora Onor po,
18:24ay ikalimamputlimang personalidad na inilibing dito.
18:30Pusibleng para sa naiwang pamilya tagahanga ni Nora,
18:33siya ang nagsilbing Himala sa kanilang buhay.
18:36Pero para kay Ati Gay,
18:37kayo po ang Himalang pinakasalamat po sa Diyos.
18:41Kayo po lahat ang dahilan kung bakit may awit sa aking puso.
18:45Kayo po ang dahilan kung bakit may isang Nora Onor.
18:48Jonathan Andal,
18:49nagbabalita para sa GMA Integrated News.
18:51Huli kam ang pag-drespass umano ng police officer na yan
19:06sa isang bahay sa barangay Damayan, Quezon City.
19:09Pakayraw ni Police Staff Sergeant Colonel Jordan Marzan doon
19:13ang isang dimpol na ikinakalat umanong sangkot siya sa iligal na droga.
19:18Nadatnan niya ang mga kabataan na sinaktan umanod niya,
19:22gayon din ang kanilang lola.
19:24Inaresto ang suspect ng mga kapwa-polis niya.
19:27Tumanggi siyang magbigay ng pahayag sa media,
19:29pero humingi na raw siya ng tawad sa mga biktima.
19:33Nahaharap ang suspect sa patong-patong na reklamo.
19:36Posible ring matanggal siya sa servisyo.
19:38Mirilive din sa pwesto ang director ng QCPD
19:40dahil hindi raw agad inireport ang insidente at alinsunod sa command responsibility.
19:48Sinusubukan pang makuha ang panig ng dating QCPD director.
19:54Aabot sa dalawang daang bahay ang nasunog sa port area sa Maynila.
19:59Sa gitna po ng sunog, may hinuli pang isang lalaki dahil daw sa pananalisi.
20:05Balitang hatid ni Jomer Apresto.
20:07Ganito kalaking apoy ang inabutan ng mga bombero sa bahaging ito ng port area sa Maynila
20:15pasado alas 12 ng hating gabi kanina.
20:17Dahil pawang gawa sa light material sa mga bahay,
20:20mabilis na kumalat ang apoy hanggang sa inakyat ito sa Task Force Alpha.
20:25Hindi bababa sa 25 truck ang kailangang rumisponde.
20:28Karamihan sa mga residenteng nasunugan, wala halos na isalbang gamit.
20:32Tulad ng 45 years old na si Riza na natutulog na noong mga oras na magsimula ang sunog.
20:38Kwento niya, wala silang supply ng kuryente mula pa alas 2 ng hapon kahapon.
20:43Kababalik lang daw ng kuryente nila ilang minuto bago nagsimula ang sunog.
20:48Tapos bigla-bigla na lang po na nagsigawan na sila na may sunog na daw.
20:53Kaya ni gamit, wala po kaming naisalbang gamit.
20:57Sobra po, bigla-bigla lang po.
20:59Paglabas ko, grabe na yung init. Kaya takbuhan kami.
21:02Kasama niyang lumikas ang ilang kaanak na pansamantalang tumutuloy sa kanyang bahay
21:06at papunta na ng Saudi Arabia sa katapusan ng Abril.
21:10Mabuti na lang daw at hindi na damay sa sunog ang kanilang mahalagang dokumento.
21:15Ang 18 years old naman na si Laleine, nakatambay sa kanto ng sumiklabang apoy.
21:20Yung tabi-tabi ng bahay, dun daw nagsimula yung sunog, tapos lumaki.
21:24Habang ang karamihan ay abala sa paglikas, ang lalaking ito naman sumasali si Rao sa mga bahay na walang tao
21:31ayon sa mga pulis na humuli sa kanya.
21:33Umulong lang po.
21:35May ilang residente rin umano ang binasag pa ang windshield ng firetruck na ito sa hindi pa malamang dahilan.
21:41Ayon sa Bureau of Fire Protection, naging pahirapan ang pag-apula sa sunog
21:45dahil sa mabababang kable na nakahambalang sa lugar.
21:49Gayun din ang kakulangan ng supply ng tubig kahit pamaraming bumbero ang rumesponde sa lugar.
21:54Ang ilang bumbero, kumuha ng supply ng tubig mula sa mga tubo sa lugar.
21:58Sa pagtaya ng BFP, aabot sa 200 bahay ang natupok ng apoy.
22:03Hirap po na i-control yung mga tao.
22:05At the same time, yung mga allies po natin, yung daanan po ng mga host is sobrang sisikip din po.
22:10300 families po unaffected, more or less 1,000 individuals din po.
22:14Wala namang napaulat na nasaktan o namatay sa sunog.
22:18Patuloy na inaalam kung magkano ang halaga ng pinsala sa mga ari-arian at kung ano ang sanhi ng apoy.
22:24Jomer Apresto nagbabalita para sa GMA Integrated News.
22:30Ito ang GMA Regional TV News.
22:35May init na balita mula sa Visayas at Mindanao, hatid ng GMA Regional TV.
22:39Sa Iloilo, sugatan po ang dalawang sakay ng isang motorsiklo matapos silang ma-hit and run ng isang SUV.
22:48Cecil, nahanap ba yung driver?
22:52Connie, sumuko na sa Iloilo City Police Traffic Enforcement Unit ang 33-anyos na SUV driver.
22:58Sa kuha ng CCTV, nasa maling linya sa kalsada ang SUV nang sumalpok ito sa motorsiklo.
23:05Sa isa pang angulo, makikitang natanggal pa ang helmet ng angkas ng motor nang bumanga ang SUV.
23:11Ayon sa pulisya, hindi pagmamay-ari ng sospek ang SUV na kanyang minamaneho.
23:16Hindi rin daw alam na may-ari nito na amo ng driver na ginamit ang sasakyan noon.
23:22Disibido ang magpinsang biktima na sampahan ng reklamo ang driver.
23:26Ipinauubayan na rao ng SUV driver sa kanyang abogado ang pagsagot sa piskalya kaugnay sa insidente.
23:35Nagluloksa rin ang mga Cebuano sa pagpanaw ni Pope Francis.
23:38Ang Archdiocese sa Cebu nananawagan sa mga Katoliko na mag-alay ng panalangin para kay Pope Francis.
23:45Inilalatag na rin ang mga isasagawang nisa para sa Santo Papa.
23:49Para sa ilang Cebuanong Katoliko, hindi man nila nakita ng personal ang Santo Papa,
23:54ramdam daw nila ang malasakit niya sa mga nangangailangan.
24:04Wednesday latest na mga mari at pare!
24:07A new era begins daw para kay Asia's multimedia star Alden Richards.
24:12Mas elevated pa ang fitness journey ni Alden dahil sa cycling.
24:18Isa yan sa mga latest hobby na ishenare ng Kapuso star sa kanyang social media.
24:23Ipinakita ni Alden ang kanyang bike at ilang clips niya in cycling action.
24:28Kasama at nagsilbiraw coach ni Alden, ang Kapuso actor na si Christopher Martin.
24:35Abby, Joanna Ismael Celis, will you marry me?
24:41Of course!
24:44On her engaged era naman ang actress-comedian na si Kiray Celis.
24:49Sa newly shared video, ibinahagi ni Kiray ang marriage proposal ng kanyang non-showbiz boyfriend na si Estefan Estopia.
24:57Nangyari ang intimate moment sa isang beach kasama ang kanilang family at friends.
25:02Patuloy na kinikilala sa ibang bansa ang husay ng mga Pilipino sa larangan ng pag-awit.
25:15Yan ang panalong performance ng Woodrose Choral mula Muntin Lupa sa Golden Voices of Montserrat.
25:29Isang international choir competition na ginanap sa Yoredimar sa Spain itong April 4 hanggang 8.
25:36Nakuha ng all-girl group ang first place sa folklore category at second place sa children's choir category.
25:44Literal na sumakses ang grupo dahil ito ang kauna-unahang pagkakataon na sumali sila sa prestigyosong European Choir Festival.
25:53Good job sa inyo!
25:57Lima ang sugatan matapos bumanggang isang dump truck sa isang bahay sa Teresa Rizal.
26:02Ang paliwanag ng driver ng truck sa balitang hatid ni EJ Gomez.
26:06Natumbok ng 10-wheeler na dump truck ang isang bahay sa barangay San Gabriel Teresa Rizal madaling araw kahapon.
26:29Ayon sa driver, nawala ng preno ang minamaneho niyang truck na kargado ng buhangin.
26:35Galing daw sila sa antipolo at magdi-deliver sana sa murong.
26:38So pagdating dito sa Teresa, ang sabi ng driver, naramdaman niya na nawala ng preno yung truck niya.
26:47So sa sabarang bigat ng truck, dahil puno ang buhangin, hindi niya na control.
26:52Bumanga sa bahay, yun, doon niya na natigil.
26:56Sa lakas ng impact, gumuho ang pader na nabanggang bahay.
27:01Wasak naman ang unhang bahagi ng truck.
27:03Damay rin ang metro ng tubig sa lugar.
27:12Tatlo ang sugatan sa loob ng bahay.
27:15Ang 59-anyos at 60-anyos na mag-asawa at ang kanilang 25-anyos na anak.
27:21Kwento ng mga biktima, naging pahirapan ang kanilang paglabas sa bahay dahil sa mga gumuhong pader.
27:27Hindi sila nakadaan sa harapang gate dahil naharangan ito ng truck.
27:31Nirescue na lang sila mula sa bubong ng kanilang bahay.
27:33Bigla pong bumaksak na yung bahay, buhos na yung buhangin bawal, ikabok.
27:43Ngayon, nagsisigaw na ako na tulong, tulong dahil wala na kaming makita.
27:48Binilit ko pong makagapang hanggang ron sa may kusina kasi baka kami biglang baksakan pa ng bahay.
27:54Tapos po, nag-akiyata na po sa bubongay yung mga tao, tinulungan na kami.
28:02Nagtamong sila ng mga galos at pasas sa iba't ibang parte ng katawan.
28:05Sugatan din ang naipit na truck driver at kasama niyang pahinante, ayon sa mga unang rumisponde sa aksidente.
28:12Ang buhangin na karga niya, syempre yung impact po.
28:15Pag salpok niya, tumabon din yung buhangin na konti sa kanyang katawan.
28:20Tapos nagkaroon siya na ng sugat na iipit siya.
28:23Kaya inextricate pa siya nung inextricate siya.
28:26Inaresto ng Teresa Police ang truck driver.
28:29Pinalaya rin siya kalaunan matapos niyang makipag-areglo sa mga biktima.
28:34Kinamagahan, bali hindi na tinuloy yung kaso dahil nagkasundo sila.
28:44Nag-promise yung driver, pati yung may-add-in ng truck na babayaran nila ang damage.
28:50Pati yung bayarin sa hospital.
28:52E.J. Gomez, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
28:58Ito ang GMA Regional TV News.
29:06Paglilingkod sa simbahan na may pagpapakumbaba.
29:10Yan daw ang iniwang inspirasyon ni Pope Francis sa isang dagupeño
29:13na nagsilbing isa sa mga official photographer noon ng Santo Papa.
29:18Balit ang hatid ni CJ Torida ng GMA Regional TV.
29:22Mula sa 4,000 aplikante, isa lamang ang tubong Dagupan City na si Glenn Muñoz Lopez
29:30sa 23 pinalad na maging official photographer sa pagbisita ni Pope Francis sa bansa noong January 2015.
29:39Mayigit isang dekada na ang nakalipas pero sariwa pa rin sa alaala ni Glenn
29:43ang kanyang close encounter sa Santo Papa.
29:46I was so starstruck talaga na hindi ko namalayan na photographer pala ako.
29:52Hindi ko siya nakunan.
29:54So talagang paglagpas niya, dun ko na-realize na ay photographer pala ako.
29:59Ito ang winning shot ni Glenn kay Pope Francis at isa lamang ito sa mga kuha niyang larawan
30:05na nalathala sa libro tungkol sa pagbisita ng Santo Papa sa bansa.
30:09At ito na rin ang nakadisplay ngayon sa altar ng St. John the Evangelist Cathedral.
30:14Pahirapan daw ang pagkuhan niya sa larawan dahil kadalasan sa crowd nakatingin ang Santo Papa
30:20kung saan wala siya roon.
30:22Pero kahit nakapwesto sa kakaunting crowd, nadiskartehan ni Glenn ang kuha sa kanyang camera.
30:28So I have no choice, sumigaw talaga ako.
30:31Sabi ko, Papa Francisco, sabi ko.
30:34Tapos timing, narinig niya yung boses ko, lumingon siya.
30:37So, yeah, so nakita niya ako, parang nagka-eye to eye kami, then he make a sign of a cross.
30:44Siyam na beses daw na nakita ni Glenn ang Santo Papa sa pagbisita niya sa bansa.
30:48Damaraw niya ang kabanalan ni Pope Francis na tila ba naghahatid ng positive energy sa kanya.
30:55Sa pagpanaw ni Pope Francis, naiwan sa puso ni Glenn ang simbolo ng kababaang loob na taglay niya ngayon sa kanyang paninilbihan sa simbahan.
31:04Naging inspiration ko siya na serving the church with all dedication and devotion.
31:12Pero mas nangibabaw sa akin yung pagsilbi sa simbahan with all humility.
31:19Si Jay Turida ng GMA Regional TV, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
31:24Binigyang pagkilala sa Amerika ang Philippine Marine Activist na si Angelique Sonco o kilala rin sa tawag na Mama Ranger.
31:35Kabilang siya sa mga binigyan ng International Women of Courage Award sa isang seremonya sa U.S. Department of State sa Washington, D.C.
31:44Nagkaroon ng pagkakataon si Mama Ranger na makilala si na U.S. First Lady Melania Trump at U.S. Secretary of State Marco Rubio.
31:51Ang pagkilala ay dahil sa kanyang ambag para protektahan at pangalagaan ang Tubataha Reefs National Park sa Sulu Sea.
32:00Itunturing ang Tubataha bilang isang UNESCO World Heritage Site.
32:04Sabi ni Mama Ranger, ang award na natanggap ay isang malaking tagumpay para si Tubataha at sa mga kapwa niya ranger.
32:12Kaugnay po ng pagsasama-sama ng mga kardinal mula sa iba't ibang bansa para sa nakatakdang libing ng Yumaong Pope Francis.
32:27Kausapin po natin si Catholic Media Network President at CBCP Director for Broadcast, Father Francis Lucas.
32:34Magandang umaga po at welcome sa Balitanghali.
32:38Magandang umaga sa inyong lahat na tagapanood at tagapakinig.
32:41Yes, Father. Ano nga ho ba yung aasahan natin sa mga susunod na araw?
32:46Lalo't nakatakda na nga ho ang libing kay Pope Francis sa Sabado?
32:49Yung mangyayari ngayon, ngayon na ay mula sa Santa Marta, yung kanyang tirahan ay ilipat siya sa St. Peter's Square.
33:06Doon na magsisimula yung wake.
33:09Yung pwede nang tingnan ng maraming tao ang kanyang bangkay.
33:15So, magkakaroon ng mga misa pa rin sa buong daigdig.
33:21Patuloy din na ating pagpupuli sa kanya, pasasalamat sa kanyang ginawa.
33:25Ngunit, pagkatapos doon, sa 26 sa Sabado, doon gagawin yung funeral.
33:35I see.
33:36Pag-decide na ang mga kardinal kasama yung karmilengo, na yun ang date na magiging funeral.
33:45Pagkatapos doon, tuloy-tuloy yung mga misa doon, hanggang sa tawag na Vindiales.
33:53Sunod-sunod yun na patuloy rin ang pagpapasalamat sa Diyos at ang pagpapanalangin natin,
34:01ang kaluluan niya ay makasama na sa kanyang ama, sa tunay niya ang tirahan.
34:06I see.
34:07So, yan ang development.
34:08Pero after siguro 20 days mula siya namatay, intention na magsimula na yung conclave.
34:17I see. Okay.
34:19May tatlong kardinal po ng Pilipinas ang kalahok sa conclave, no, nabanggit niyo.
34:22At ano ho kaya yung pinakamalaking konsiderasyon ng mga kardinal sa gagawin nilang pagboto, yun sa conclave?
34:33Ang nagulat nga ako, hindi ba kanya-kanya, ano yan eh,
34:37kanya-kanyang analysis at kanya-kanyang prediction?
34:41Nagulat ako si Cardinal Tagli, obvious, number one niya noong unung pang panahon na mailek si Pope Francis.
34:49Ngayon, dahil matagal na siya dyan, nakasama niya si Pope Francis,
34:53eh, tumaas siyang kanyang category to win.
34:57Pero nakasama dyan, nakasama, iba-iba kasi, meron top 20, top 12, top 5,
35:04at isa't iba-ibang pangalan din, halimbawa yung mga kardinal sa, ah, Afrika,
35:11parang tatlo yun eh, yung iba, isa lang, yung isa, dalawa ang sinasabi.
35:16Pero nakasama si Cardinal Ambo David, sabi ko, ay bago-bagong kardinal.
35:22Na pwede rin daw siya.
35:24Ah, okay.
35:24Ah, yung pangatlong kardinal, yung Archbishop of Manila, ah, parang hindi siya nakasama doon.
35:32Ngayon, ang sagot sa tanong mo, anong gagawin nila?
35:35Ah, ha.
35:36Hindi lang sila, kung hindi yung buong mga kardinal, mag-meeting dyan eh.
35:40Ah, pero silang parang conference, walaan mga talaga mga topic,
35:45hindi yung mga desisyon lang na ang gagawin sa panguna ng Carmelengo, yung Chamberlain,
35:51na ano ang sitwasyon ng daigdig ngayon?
35:55Pang-politika, pang-sosyal, pang-economyo, ay economics.
35:59Tapos, pag-usapan din nila, sino ba ga sa palagay nila ang karapat-dapat sa tulong ng Espiritu Santo
36:08ang pwedeng i-elect nila?
36:11Hindi ako nanalo, ha? Kasi kanya-kanyang eleksyon yun.
36:15At wala dyan partido. Wala dyan magbibigay ng mga brochure.
36:21Ay, M, e-boto niyo ako. Wala mo gano'n. Bawal yun.
36:26So, tahimik lang, bulong-bulongan lang, at ang kapatayan nila lahat dyan,
36:32ano ang nangyayari sa daigdig at sa buong simbahang katoliko.
36:36So, and then, at saka nila ipapaubaya sa Espiritu Santo na gabaya.
36:43Alright. Naku, napakalayo pala nung gagawing pagboto doon sa conclave sa ating gaganaping eleksyon dito.
36:50Nakon tutuusin.
36:51Kaya, pagdasal na lang po natin, maging maayos din tayo dito sa ating pagboto.
36:55Marami pong salamat sa inyong oras, Father Francis Lucas.
37:00God bless you all.
37:01God bless din po.
37:03Samantala, ito naman po.
37:04Inalala rin si Pope Francis sa pamamagitan ng mga sikat na landmarks sa iba't-ibang panig ng mundo.
37:11Ang Iso Tower na isa po sa mga sentro ng turismo sa Paris, France, panandali ang pinatay, ang mga inaw.
37:18Inalala rin ang Santo Papa sa UNESCO World Heritage Site na Colosseum sa Rome, Italy.
37:24Karaniwang maliwanag po ito tuwing gabi, pero hinayaang mabalot muna ito ng dilim.
37:30Kasunod ng pagpanaw ng Pope.
37:33Sa Buenos Aires, Argentina, kung saan isinilang si Pope Francis,
37:37ginamit naman na tila projector screen ang isang monumento.
37:41Dito ipinakita ang mga larawan ng Santo Papa,
37:45kasama ang mensaheng Pray For Me na madalas sambitin ng Santo Papa.
37:49I now declare NCAA Season 100 Volleyball Competitions open.
38:01Let the games proceed.
38:04Balik telebisyon ang NCAA Season 100.
38:08And this time, indoor volleyball tournament naman ang bibida.
38:12Sa opening ceremony, ibinandera ng mga NCAA school ang kanilang roster para sa men's, women's, juniors at girls' volleyball.
38:21Present ang mga NCAA Mancom representative maging si GMA Integrated News Regional TV
38:26and Synergy Senior Vice President and Head Oliver Victor B. Amoroso.
38:31Ito ang first time na two rounds ang eliminations ng NCAA indoor volleyball bilang pagdiriwang ng centennial year ng Liga.
38:37Every game lang is important. Aside from stepping up the level, it's more grueling.
38:49February 20, nagsimula ang first round of eliminations ng NCAA Season 100 Indoor Volleyball Tournament
38:55kung saan Mapuha University ang nangunguna ngayon sa men's volleyball na may 9-0 win-loss record.
39:01Habang sa women's volleyball naman, apat na skwelahan ang tied at first place na may 7-2 win-loss record.
39:08Ang letran, peniled, papuha at perpetual.
39:12Mapapanood ang NCAA indoor volleyball tournament tuwing Tuesday, Wednesday, Friday, Saturday at Sunday sa GTV at Heart of Asia Channel.
39:21Niko Wahe, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
39:31Pwede nang mabisita ang Precinct Finder ng COMELEC para sa mga naghahanap ng kanilang presinto para sa eleksyon 2025.
39:38Ang iba pang paghahanda ng COMELEC sa ulot on the spot ni Sandra Aguinaldo.
39:42Sandra?
39:43Yes, Connie?
39:48Sandra?
39:50Connie?
39:51Go ahead, Sandra.
39:52Yes.
39:52Ang nagawa ngayon ng Union, kaunay na deployment ang nasa dalawang servers sa eleksyon.
40:03Alright.
40:03Sabi ng COMELEC na bukas ng Pilipinas sa mga observers sa ibig sabi ng video para pangasimwaan ang gagawing halalan sa May 12.
40:12Ayon sa kinatawa ng EU, nakadeploy na sa lahat ng rehyon ang mahigit 70 observers nila at may parating pang mahigit sang daan na tinatawag nilang short-term observers.
40:23Paliwanag nila kaya sila nagpadala ng ganito kalaking team ay dahil gusto raw nila maobserbahan ang buong proseso ng eleksyon sa Pilipinas.
40:32Mag-iamparaan ng pangangampanya ng mga kandidato, mismong araw ng eleksyon at yung bilangan ay oobserbahan daw nila.
40:39Yung daw gagamitin nating makina o yung tinatawag na automated counting machine ay kasama na rin sa mapapasadahan nila sa kanilang obserbasyon.
40:48Ang produkto daw nito ay lalaman rin ang report nila na ibabahagi nila sa Pilipinas at masasabi rin na may matututunan sila pa ni Gurado mula rin sa proseso ng Pilipinas.
40:59Kaugnay pa rin sa eleksyon ko, nang maaari nang mabisita ang precinct finder ng COMELEC para malaman nyo ang inyong mga precincto matatagpuan nito sa COMELEC website.
41:08Ihingan lang kayo ng ilang personal na impormasyon gaya ng buong pangalan, birthday at place of registration at dyan nyo rin malalaman kung aktibo ba kayo na butante o hindi.
41:19Ayon po kay COMELEC Chairman Garcia ay handa sila sa mga hacker lalot ang precinct finder daw po, ang isa sa pangunahing pinupuntiriyan ng mga hacker sa ilang nagdaang eleksyon.
41:30Yan muna Connie ang pinakahuling ulat mula dito sa COMELEC.
41:33Ani?
41:34Maraming salamat, Sandra Aguinaldo.
41:37At ito po ang balitang hali, bahagi kami ng mas malaking misyon, ako po si Connie Sison.
41:42Kasama nyo rin po ako, Aubrey Carampel, para sa mas malawak na paglilingkod sa bayan.
41:46Mula sa GMA Integrated News, ang News Authority ng Pilipino.