Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • yesterday
Saksi is GMA Network's late-night newscast hosted by Arnold Clavio and Pia Arcangel. It airs Mondays to Fridays at 10:20 PM (PHL Time) on GMA-7. For more videos from Saksi, visit http://www.gmanews.tv/saksi.


#GMAIntegratedNews #KapusoStream


Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews


GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Inakusahan na isang senador ng Chinese Embassy ng pagbabayad umano sa isang kumpanya para bumuo ng mga toll farm.
00:07Ang National Security Council naman may nakita raw indikasyon na nakikialam ang China sa eleksyon.
00:12Saksi, si Mav Gonzalez.
00:18May mga indikasyong nakikialam ang China sa 2025 elections.
00:22Binanggit yan ng National Security Council sa pagdinig ng Senato kanina.
00:26There are indications, Mr. Chairman, that information operations are being conducted that are Chinese state-sponsored in the Philippines and are actually interfering in the forthcoming elections.
00:38So ang ibig sabihin nito, may mga ongoing operations ang China para suportahan yung mga kandidatong gusto nilang manalo.
00:46Yun, yun ang diretsyon tanong ko. At kontrahin naman yung mga kandidatong ayaw nilang manalo.
00:52Yes, there are indications of that.
00:54Tukoy na ng konseho pero hindi pinangalanan ang mga kandidatong posibleng tinutulungan o sinisiraan ng China.
01:01May mga natukoy pero hindi rin pinangalanan ng mga Pinoy influencer na nagpapakalat ng Chinese propaganda.
01:07Aligasyon pa nga ni Sen. Francis Tolentino, kinontrata ng Chinese Embassy ang lokal na kumpanyang Infinite Us Marketing Solutions para bumuo ng troll farm.
01:16Binayaran umano ng embahada ang kumpanya ng P930,000 noong 2023.
01:22Nagre-report pa Ania ng accomplishments ang Social Army, kabilang ang mga paninira Ania sa Administrasyong Marcos Jr.,
01:29pati sa Missile System ng Amerika at pagpuri sa gobyerno ng China.
01:34Siguro, yung mga kababayan natin doon ang naging keyboard warriors.
01:39Hanggang ngayon, ongoing pa ho ito.
01:41Hindi lang ito doon sa Infinitus.
01:44Marami pa ho yan.
01:46Marami pa ho yan.
01:47Isang folder po yung dalako.
01:50Marami pa ho yan.
01:51Hindi lang yan ang akala natin.
01:53Ayun ang tunay na sentimiento ng mga nagpo-post at nagre-react.
01:59Ay subalit, ito pala nagpapatunay na binayaran.
02:04Binayaran ang People's Republic of China.
02:08Para sirain, hindi lang ang kredibilidad ng isang tao o namumuno kung hindi ng ating bansa.
02:17Very alarming and we are very worried about the implications to Philippine National Security.
02:24Iimbestigahan na rin ito ng National Bureau of Investigation.
02:27Kinukunan pa namin ng tugon dito ang Chinese Embassy at ang kumpanyang Infinite Us.
02:32Ayon naman kay Comelec Chairman George Garcia,
02:35meron nga silang natanggap na impormasyon ukol sa foreign interference
02:38o pakikialam ng ibang bansa sa election 2025.
02:42Galing po ito sa intelligence community.
02:45Halos sa isang buwan pa lamang na nagsisimula.
02:47Kaya kung napansin nyo rin po, isang buwan pa lang din yung mga pag-atake,
02:50lalo na po sa Comelec, lalo po sa ginagawa nating proseso.
02:53Tinitiyak naman ng Comelec na walang mangyayaring dayaan sa darating na eleksyon.
02:58Para sa GMA Integrated News, ako si Mav Gonzalez, ang inyong saksi.
03:02Mga kapuso, maging una sa saksi.
03:06Mag-subscribe sa GMA Integrated News sa YouTube para sa ibat-ibang balita.

Recommended