Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • yesterday
17 days na lang, eleksyon na! Mainit na usapin ngayon ang vote buying— may mga kandidato pa nga na na-issuehan ng show cause order dahil dito. Ano ba ang sinasabi ng batas tungkol dito? Panoorin ang video!

Hosted by the country’s top anchors and hosts, 'Unang Hirit' is a weekday morning show that provides its viewers with a daily dose of news and practical feature stories. Watch it from Monday to Friday, 5:30 AM on GMA Network! Subscribe to youtube.com/gmapublicaffairs for our full episodes.

Category

😹
Fun
Transcript
00:00Mga kapuso, 17 days na lang, election 2025 na.
00:05At habang palapit ng papalapit ang eleksyon,
00:09mainit na pinag-uusapan ngayon ang mga akusasyon ng vote buying.
00:14May mga kandidato na nangang inisuhan ng show cause order dahil dito.
00:18Pero teka lang, alam niyo ba kung anong sinasabi ng batas tungkol dyan?
00:23Well, ask me, ask Attorney Gavin.
00:30Attorney, ano ba talaga ang sinasabi ng batas tungkol sa vote buying?
00:39Patibo ba yung botanteng tumanggap ng pera o suhol ay maaari ring managot?
00:45Well, of course, mahigpit na ipinagbabawal ang vote buying at vote selling
00:49sa ilalim ng omnibus election code ang batas pambansa bilang 881.
00:53Bawal na bawal ito, lalo na nga tulad ng panahon, painit ng painit ang pangangampanya.
01:01Bawal na bilin ang boto ng mga butante natin at ang vote buying,
01:05actually, hindi lamang pagbili ng boto na gamit ang pera.
01:10Ayon sa Comalek, maraming paraan para makuha ang boto na yan.
01:14Ito ang mga example, maaaring mga gift bag, mga ayuda, groceries,
01:19yung mga health at insurance cards na may kasamang sample balot o yung mukha ng kandidato.
01:25Pwede ring mga pabingo o mga talent show na may mga papremyo,
01:29pero pag-abot ng premyo, ay siguradong malalaman ninyo ng isang kandidato ang may pabuya nito.
01:35Maaari rin ang mga medical mission o feeding program na nakabalandra ang pangalan ng kandidato.
01:42Sasabihin ninyo, eh ano naman ang masama rito?
01:45Well, kasi pangangampanya lamang yan at isang way of buying a vote.
01:51Sana kapag hindi eleksyon ay may pinamimigay o may medical mission at kawang gawa,
01:56hindi pang kuha lang ng boto.
01:58Maaaring din daw yung tinatawag na hakot system,
02:00kukunin o hahakutan ang isang grupo ng botante,
02:04tapos bibigyan o patagong bibigyan ng pera.
02:07Pero syempre, at the end of that payout,
02:10kilala ninyo kung sino ang tunay na nagpapaabot nito.
02:14Then of course, bawal din ang vote selling.
02:16Kung merong nagbebenta, merong bumibili.
02:19Kung bawal nga ang bumibili ng boto,
02:21bawal din yung nagbebenta nito o yung tubatanggap ng mga pabuya na to.
02:26Pero mas sinahabol ng COMELEC ang mga kandidato for obvious reasons,
02:29mas malaking peligro sa atin ang politiko na hindi pa nakaupo ay may illegal ng ginagawa.
02:36Ang mga maaaring kaharapin ng taong nahuli na nagsasagawa ng vote buying at vote selling,
02:41meron pong kulong na maaaring umabot ng 6 na taon, 1 to 6 years actually.
02:46May disqualification naman na aabutin ang kandidatong mahilig mag-shopping ng boto.
02:52At maaaring kayong tanggalan ng karapatan na bumoto,
02:55na actually yan na lang talaga ang tanging sandata natin para naman makaelect tayo ng mga opisyal na talagang magsisilbi sa atin
03:05at hindi, sabi nga nila, iba ang ginagawa pag nakalukluk na sa posisyon.
03:10So use your votes wisely, 70 days na lang.
03:14Mga usaping batas, bibigyan po nating linaw.
03:17Para sa kapayapaan ng pag-iisip, alam nyo na,
03:20huwag magdalawang isip, ask me, ask Atty. Gabby.
03:23Ikaw, hindi ka pa nakasubscribe sa GMA Public Affairs YouTube channel?
03:29Bakit? Pagsubscribe ka na dali na para laging una ka sa mga latest kwento at balita.
03:35I-follow mo na rin ang official social media pages ng unang hirit.
03:39Salamat ka puso!
03:40Salamat ka puso!

Recommended