Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • today
Narito ang mga nangungunang balita ngayong April 29, 2025

- Lalaking SUV driver na nang-araro sa Pinoy street festival, sinampahan ng 8 counts of second-degree murder | Fil-Am rapper Apl.de.Ap, nag-abot ng pakikiramay sa mga biktima ng trahedya sa Vancouver | Mga nasawi sa trahedya sa Vancouver, inalala sa isang vigil

- BFP: Sunog sa isang landfill sa Brgy. San Isidro, mahigit 24 oras bago naapula | 24 na pamilya ng Brgy. San Isidro, lumikas

- Mga kalsadang madaling lakaran at daanan ng bisikleta, layon ng active transportation strategic master plan ng pamahalaan

- Panayam kay Arian Aguallo, PIO & IMT Juban, Sorsogon DRRMO, kaugnay sa pagputok ng Bulkang Bulusan

-DOJ: Harry Roque, Cassandra Li Ong, at 48 iba pa, kinasuhan ng qualified trafficking kaugnay sa ni-raid na POGO sa Porac, Pampanga

- Holy See Press Office: Papal Conclave o pagpili sa susunod na Santo Papa, sisimulan na sa May 7 | CBCP: Hindi political contest ang conclave

- 2,869 na ACM na gagamitin sa eleksyon, dumating na sa Pangasinan; mayroon ding contingency na 491 ACM | Local absentee voting, nagsimula na kahapon sa Pangasinan

- Iba't ibang isyu sa bansa, tinalakay ng ilang senatorial candidate

- GMA programs at personalities, kinilala sa 19th Gandingan Awards

- Full costume ng ilan pang aabangan sa "Encantadia Chronicles: Sang'gre," ipinakita na | "Sang'gre" props, ipinasilip; merchandise version ng mga ito, hiling ng fans

- Miss Universe Philippines 2025 Coronation Night, sa May 2 na; may delayed telecast sa GMA sa May 4, 9 am

Unang Balita is the news segment of GMA Network's daily morning program, Unang Hirit. It's anchored by Arnold Clavio, Susan Enriquez, Ivan Mayrina, and Mariz Umali, and airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 5:30 AM (PHL Time).

For more videos from Unang Balita, visit http://www.gmanetwork.com/unangbalita. For Kapuso abroad, subscribe to GMA Pinoy TV (http://www.gmapinoytv.com/) for GMA programs.
Transcript
00:00.
00:07.
00:08.
00:12.
00:16.
00:20.
00:24.
00:28.
00:29.
00:34.
00:36.
00:40.
00:41.
00:42.
00:43.
00:44.
00:45.
00:46.
00:47.
00:55.
00:57.
00:58The, siguro yung from the revving of the car all the way to the end,
01:03ang bilis, it's like seconds.
01:04Everyone was screaming, everyone was crying, everyone was on panic.
01:11Nag-abot naman ang pakikiramay ang Filipino-American rapper na si Apple Diap.
01:16Kwento niya sa isang social media post,
01:18isa siya sa mga naging performer sa Lapu-Lapu Festival noong araw na iyon.
01:22Nakaalis na raw siya na mangyari ang insidente.
01:25Humingi siya ng panalangin para sa mga biktima at kanilang mga pamilya.
01:28Kasunod na insidente, nagsagawa ng vigil ang isang komunidad sa Vancouver
01:33para alalahanin ang mga nasawing biktima.
01:36Nag-alay sila roon ng mga bulaklak, kandila at mga mensahe.
01:42Inabot na mahigit 24 oras bago naapulang sunog sa isang landfill sa Rodriguez Rizal na sumiklam nitong linggo.
01:49Nagdulot yan ang air pollution doon na umabot sa ilang lungsod sa Metro Manila.
01:53Para sa update, may unang balita live si EJ Guadalas.
01:57EJ, kumusta na ang hangin dyan sa Rodriguez Rizal? Mausok pa ba?
02:01Iva, nakatayo tayo ngayon sa tatlong palapag na bahay dito sa Rodriguez Rizal.
02:13At ito yung sitwasyon ngayon dito, medyo may pagkamausok pa rin.
02:17Dahil sa ngayong umaga, meron daw ulit na usok na nagmumula nga doon sa nasunog na landfill sa barangay San Isidro.
02:25At kwento ng mga nakausap nating evacuees, siksikan sila doon sa evacuation center.
02:30Pero ngayon na medyo bumuti na yung sitwasyon, kumpara kahapon ay marami sa kanila, nagsiuwian na raw sa kanilang tahanan.
02:37Mahigit isang araw ang itinagal bago na apula ang sunog sa isang landfill o tambakan ng basura sa barangay San Isidro Rodriguez Rizal.
02:50Ayon sa BFP, sumiklabang apoy pasado alauna ng hapon nitong linggo.
02:55Sa tindi ng usok, lumikas ang ilang residente papunta sa evacuation center ng barangay San Isidro.
03:02Gaya ni Jenny Lynn, na nahirapan daw lumikas bit-bit ang kanyang anim na buwan at dalawang taong gulang na mga anak na pareho pa naman daw may sakit.
03:10Tapos mahirap pa po kasi ako lang po mag-isa single parent po tapos dalawa po sila yung bit-bit ko.
03:16Kaya gamit lang po nila yung mga nadala ko. Halos mga gatas lang nila tapos yung importanteng gamit nila.
03:24Doon po kami sa bundok, bundok pa kami.
03:27Halos mapunuraw ang evacuation center ng mga taong lumikas mula sa sunog at makapal na usok.
03:33Sa tala ng barangay, nasa 87 individual o 24 na pamilya ang apektado ng nangyaring sunog sa landfill.
03:40Marami po kami kahapon maraming bata na may mga sanggul din, may mga buntis pa tapos yung iba may mga senior na lumikas talaga.
03:51Kaya dahil sa usok na mabigat sa dibdib amoyin, ang sakit sa dibdib, baka magkaroon pa kami ng mga sakit.
03:59Namigay naman ang mga pagkain ng barangay sa mga evacuee.
04:03Meron din daw mga damit lalo na sa mga bata.
04:05Pati mga gamot para sa mga nangangailangan ay ipinamahagi ng barangay health workers.
04:10Tuluyang naapula ang sunog sa landfill pasado alas 6 ng gabi kahapon, ayon sa BFP.
04:16Kahapon na po ay unti-unti na po bumabalik yung mga evacuees po natin dahil nga po medyo umuokay na po yung situation doon sa area.
04:28Pag natinan lang po natin mga evacuation ngayon, mayroon po tayong 6 na families at saka 31 po na individuals na lang po.
04:42Ivan, paglilinaw ng BFP, kagabi talaga ay naapula na raw yung sunog.
04:47Wala nang usok, wala nang sunog.
04:48Pero ngayong umaga nga ay meron ulit silang naobserbahan na usok doon sa landfill at patuloy nilang inaapula yan.
04:55At kung ikaw naman ay nasa baba, yung hindi dito sa taas na mga bahay ay hindi na kailangan mag-face mask
05:01o yung iba makikita natin, hindi na nga sila nagsusuot ng kanilang face mask.
05:05Samantala, ayon naman kay Carl Oliver Luzes, Quezon City Manager Operations Center,
05:12manager ng institution na yun, mayamayang alas 8 lang ay mag-re-release daw sila ng panibagong air quality index ng lungsod
05:21para matukoy kung bumuti na nga ba yung kalidad ng hangin doon sa lugar.
05:26Dahil kahapon ay naitala ang Very Unhealthy at Unhealthy Air Quality Index sa Quezon City.
05:34At yan, ang unang balita mula rito sa Rodriguez Rizal.
05:37EJ Gomez, para sa GMA, Integrated News.
05:40Share the Road ang isinusulong ng iba't-imang grupo.
05:44Ibig sabihin, gawing bukas sa mga kalsada, hindi lang sa mga motorista, kundi pati sa mga siklista at mga pedestrian.
05:52Layan niyang ma-achieve sa Active Transportation Strategic Master Plan ng Pamahalaan.
05:57At live mula sa PASA ay may unang balita, si Pam Alegre.
06:01Bang!
06:01Ivan, good morning. Mainam nga raw sa pagpapapawis ng jogging, pati pagbibisikleta tulad mo, Ivan.
06:11Meron tanong, sapat ba yung infrastruktura para rito?
06:13Yan ang ilanam natin dito sa Street Hearing.
06:21Jogging ang pampapawis ni Arvin Sankilos at nakaibigan niya si John Drew.
06:24Pero sa abalang mga kalsada ng Metro Manila, extra challenge ang pag-exercise.
06:29Lalo kung ang sidewalk na dapat daanan nila, may mga nakaharang.
06:32Minsan kasi may nakaharang tapos kailangan pa bumaba sa daanan talaga ng sasakyan.
06:38Pero maging alisto lang kasi dumadaan na sasakyan, may ingat lang talaga.
06:48Ang mga kalsada na mas madaling lakaran at daanan gamit ng bisikleta,
06:51yan ang pakay ng Active Transportation Strategic Master Plan.
06:55Plano itong unang isagawa ng Department of Transportation sa Metro Manila,
06:59Puerto Princesa, Palawan, Iloilo City, Sambuanga City, Surigao City at Mati City sa Davao Oriental.
07:05Dito sa Rojas Boulevard, may bike lane nga, pero nakaharangan naman ng ilang nakapark na sasakyan.
07:10Kaya mas nagbibisikleta ang mga tao sa service road tulad ni Lorenzo Alvarado.
07:14O, nakakatuloy ang bike lane. Pero hindi naman ako talaga sa bike lane na gano.
07:19Dito lang ako sa mga service road.
07:22Naihirapan din ang security guard na si Albert Pinka kapag may mga sasakyan na barubado sa kalsada.
07:27Delikado naman talaga. Kailangan doble ingat pa sirahan.
07:30So, Ivan, ang isa sa mga naranasang hamon dito sa pagpapatubad ng master plan yung na-experience na budget cut-down ng DOTR.
07:44Nakikipag-konsultasyon na ang ahensya sa mga stakeholders kahwag nai rito.
07:49At isang halimbawa rin, ito nasa isang bike lane tayo ito sa Rojas Boulevard.
07:52At makikita ninyo sa likuran natin, may nakapark na sasakyan.
07:55So, isa yan sa mga sagabal, sa mga pedestrian at mga nagbibisikleta.
07:59Yan ang street hirit mo la rito sa Pasay Bamalegre para sa GMA Integrated News.
08:04Kasunod ang pagbutok ng bulkang bulusan sa Sorsogon kahapon.
08:07Kumustayin natin ang sitwasyon doon?
08:09Bakapinahin po natin si Arian Aguaglio ng Public Information Office at Incident Management Team ng Uban Sorsogon.
08:16Magandang umaga po.
08:18Magandang umaga po.
08:19Kumusta po ang sitwasyon ngayon dyan sa inyong bayan?
08:22Sa ngayon po, mayroon tayong iwakwis sa isang barangay at patuloy na nakasubaybay sa kalagayan ng bulusan.
08:32Opo. May mga biktima pa rin po ba ng ashfall?
08:37Sa ngayon po, yung isang may barangay po tayo na nailikas dito sa ating evacuation center.
08:45At ngayon ba, bate sa observation ninyo, may usok pa rin po ba lumalabas sa bulusan?
08:50Sa ngayon po, may nakikita na lumalabas sa usok pero as to unusual activity, wala pa naman po panibagong galing information kay people.
09:02Mayroon po ba ang inilikas ng mga residente?
09:05Yes po. Nasa 76 families po sa ngayon ang nailikas natin.
09:09At hindi pa pinababalik?
09:11Apo. Wala pa.
09:12Apo. Ano pong mga kwento nila at naranasan?
09:14Hirap ba po sila sa paghinga?
09:17May mga cases po na nahirapan huminga kaya po kumbaga,
09:21binigyan natin ang priority na ma-evacuate yung mga vulnerable sectors natin.
09:25Meron ba pangailangan po na tulong ang mga taga-Huban Sorsogon kasunan ng pagputok ng bulkan bulusan?
09:30Sa ngayon po, kaya pa naman tugunan ng ating LGU sa tulong ng iba't ibang ahensya.
09:35Pagkain tubig, sa ngayon kaya pa po.
09:37Maraming salamat. Ingat po kayo, Arian Aguaglio ng Public Information Office at Incident Management Team ng Huban Sorsogon.
09:45Salamat po.
09:46Thank you po.
09:47Sinampahan ng Department of Justice ng kasong qualified trafficking
09:51si na dating presidential spokesperson Harry Roque, Cassandra Leong at 48 iba pa.
09:57Ayong kasas, Undersecretary Nicholas T.
10:00Kawin na ito sa niraid na Lucky South 99, Pogo sa Porac, Pampanga.
10:04Sa Angla City Regional Trial Court, isinampa ang kaso.
10:06Pero ililipat daw sa Pasig RTC alinsunod sa utos ng Korte Suprema na doon dinggin lahat ng Pogo-related cases.
10:15Sabi pa ni Atty, inuutos pa ni Just Secretary Jesus Crispin Remulia na ipagbigay alam sa The Netherlands na may kaso si Roque.
10:24Dahil tumihiling siya ng asylum doon.
10:27Wala pang pahayag ang kampo ni Ong.
10:28Sabi naman ni Roque, disinido ang Adabilisasyong Marcos Junior na sampahan siya ng anyay mga gawagawang asunto.
10:35Dadagdag niya raw ang latest na kaso sa basihan ng kanya asylum application bilang biktimabono ng political persecution.
10:43Sa susunod na linggo na, sisimulan ang PayPal conclave o pagsasama-sama ng mga kardinal para pumili ng bagong Santo Papa.
10:54Pwede itong tumagal ng ilang araw, ilang buwan o kaya ay taon.
10:58Ang risulta, malalaman sa usok sa chimney ng Sistine Chapel, itim kung wala pang napipili at puti naman kung meron na.
11:07May unang balita si Rafi Tima.
11:09Mahaba ang pila ng mga turista sa Vatican Museums kung saan masisilayan ang iba't ibang obrang pinangangalaga ng Vatican sa mga nakaraang siglo.
11:22Pero may mga nangihinayang dahil hindi sila makakapasok sa Sistine Chapel.
11:26Sarado na kasi ito binampaghahanda sa conclave kung saan hihirangin ang susunod na Santo Papa.
11:31Ayon sa Holy Sea Press Office, magsisimula ang conclave sa May 7.
11:36Napag-desisyon na ito ng mga kardinal sa kanilang ikalimang general congregation mula nung pumanaw si Pope Francis sa edad na 88 noong April 21.
11:44Wala pang katiyakan kung gaano katagal ang conclave.
11:46Pero sa nakaraang tatlong conclave kung saan naging Santo Papa, sino Pope John Paul II, Pope Benedict XVI at Pope Francis.
11:54Tumagal lang ito ng dalawa hanggang tatlong araw.
11:57Ang pinakamahabang conclave tumagal ng halos tatlong taon noong 13th century.
12:03Mula noon, nagpatupad ng mga regulasyon para hindi ma-influensya ng pandabas na puwersa ang papal conclave.
12:09Paalala ng Caloocan Bishop at Catholic Bishops Confidence of the Philippines President Pablo Virgilio Cardinal David,
12:14hindi political contest ang conclave.
12:17Mabuti man daw ang intensyon ng paggawa ng campaign videos para i-endorso ang isang personalidad sa pagkasanto Papa,
12:22baka raw maka-pressure o mapulitika ang mga elector at madistract sa gabay ng Espiritu Santo.
12:28Kaya mas mayigian niya na ipagdasan na lang ang mga kardinal.
12:32The public should behave properly, should be prudent.
12:35Kasi may mga pagkakataon din na alam mo yung ganyang mga pangangampanya,
12:40ganyang mga pagpapost sa social media, yung very public ang kanilang mga pronouncements in support of a particular candidate.
12:45Baka, alam mo yun, magkaroon na ng backlash, baka magbumalik lang din saan, magbumerang sa atin yung mga ganon.
12:52Tuloy, ma-unsyami.
12:54Ang kailangan naman natin dito talagang isa alang-alang ay yung desisyon ng Cardinal Electors.
12:59Ito ang unang balita.
13:01Rafi Tima para sa GMA Integrated News.
13:0413 araw na lang bago ang eleksyon 2025.
13:17Dumating na sa Pangasinan ang mahigit 2,000 automated counting machines.
13:21Bula sa ilang hub doon, dadalhin dito sa mga bayan at lungsod sa Pangasinan ilang araw bago ang eleksyon.
13:27Live bula sa Dagupan City, may unang balita si CJ Torida ng GMA Regional TV.
13:33CJ!
13:34Iga na magkikita sa likuran ang hub na ito sa Dagupan City kung saan dyan dinala ang mga automated counting machine o ACM na gagamitin sa eleksyon sa Mayo.
13:51Alas dos ng madaling araw kahapon nang dumating sa Pangasinan ang mga container van na ito,
13:57dala ang mga automated counting machine na gagamitin sa nalalapit na 2025 midterm elections.
14:02Ipinasok ang mga ACM sa isang hub sa Dagupan City.
14:07Aabot sa 2,869 na ACM ang gagamitin sa eleksyon sa Pangasinan.
14:13Mayroon din contingency na 491 ACM.
14:16For delivery ito sa respective offices of the election officers.
14:22Then pagdating kay election officers, siya naman magde-deliver sa ating voting centers.
14:27Bukod sa Dagupan hub kung saan dito manggagaling ang mga ACM para sa ika-apat, ika-lima at ika-anin na distrito ng Pangasinan,
14:36mayroon ding hub sa Alaminos City kung saan naroon na mga ACM para sa 1st, 2nd at 3rd district ng lalawigan.
14:44Kasabay rin dumating ang apat na potsyam na Consolidated Canvassing System o CCS kits na gagamitin sa eleksyon.
14:51Tiniyak ng Comelec ang seguridad ng mga ACM na nagatagdang i-deliver sa mga bayan at lungsod bago ang Mayo at 5 para sa final testing and sealing sa May 6.
15:04Nagsimula na kahapon ang local absentee voting.
15:07Sa Pangasinan, isinagawa ito sa tanggapan ng provincial Comelec.
15:11Ngayong araw, gaganapin naman sa Pangasinan Police Provincial Office ang local absentee voting.
15:16Igan sa mga huling araw ng pangangampaniya, ang payan ng Comelec sa mga kandidato at taga-suporta,
15:28manatiling mahinahon at kalmado para iwas tensyon sa eleksyon.
15:35Maraming salamat, CJ Torida, GMA Regional TV.
15:40Nakipagpulong sa mga taga Northern Summer si Heidi Mendoza.
15:42Dagdag trabaho at libreng pabahay ang binigyang diin ni Manny Pacquiao.
15:46Iban-ibang proyekto at laban para sa West Philippine Sea ang idiniin ni Sen. Francis Tolentino.
15:52Pagpapababan ang presyo ng pagkain ng tinutukan ni Kiko Pangilinan sa Butuan City at bumisita siya sa ilang paleng kaysa Surigao del Norte.
16:00Kapayapaan, kontra-korupsyon at paglago ng turismo ang nais ni Ariel Quirubin.
16:05Fisheries reform ang tinalakay ni Danilo Ramos, Rep. Franz Castro at Amir Alidasan sa mga manging isda sa La Union.
16:12Edukasyon at kalusugan ng senior citizens ang idiniini Willy Revillame.
16:17Ekonomiya at hostisya ang tututukan ni Congressman Camille Villar.
16:22Bumisita sa Pangasinan si Atty. Vic Rodriguez, Atty. Jimmy Bondoc at Sen. Bato de la Rosa
16:28na itutuloy raw ang laban kontra droga at krimen.
16:31Karapatan ang bawat Pilipino ang naisisulong ni Atty. Raul Lambino.
16:35Mas maayos na serbisyong pangkalusugan ang gusto ni Dr. Richard Mata.
16:38Pag-amienda sa data privacy akang itutulak ni Atty. Jimmy Hinlo.
16:43Maayos na serbisyong sa sambayan ng Pilipino raw ang ilalaban ni Philip Salvador.
16:47Burang kuryente at tapat na serbisyo ang pangako ni Congressman Rodante Marcoleta.
16:52Naglibot sa public market sa Naga City si Congressman Erwin Tulfo.
16:56Kapakanan na magsasaka at mas murang kuryente ang isinulong ni Benjur Abalos.
17:00Sapat at tamang paggamit sa pondo ng bayan ang binigyang halaga ni Bam Aquino.
17:06Pag-amienda sa local government code at libring gamot ang isusulong ni Mayor Abibinay.
17:11Tamang pagboto at pag-aayos sa batas trapiko ang gusto ni Congressman Bonifacio Busita.
17:16Programang pampamilya ang isinusulong ni Sen. Pia Cayetano.
17:20Pangil sa mangrove reforestation ang itinutulak ni David de Angelo.
17:24Magnakarta sa barangay at nagdagpondo sa usgado ang isinulong ni Angelo de Alban.
17:29Pag-protekta sa Verde Island Passage ang itinulak ni Leone de Guzman.
17:33Tutul daw si Atty. Luke Espirito sa political dynasty.
17:36Super health centers at suporta sa Pinoy athletes ang gusto ni Sen. Bonggo.
17:41Mas maayos na tax collection ang nais ni Ping Lakson.
17:44Libring gamot at pagpapa-ospital sa may hirap ang isusulong ni Sen. Lito Lapid.
17:49Dikit na minimum wage sa Metro Manila at probinsya ang nais ni Sen. Aimee Marcos.
17:54Pagbura ng mga bilihin at serbisyong isinulong ni Liza Massa sa La Union.
17:59Si Alin Andamo isinulong ang libreng serbisyong medikal.
18:02Naroon din si Mimi Doringo.
18:04Patuloy naming sinusundan ang kampanya ng mga tumatakbong senador sa eleksyon 2025.
18:10Ito ang unang balita.
18:12Jomer Apresto para sa GMA Integrated News.
18:16Muling kinilala ang GMA programs at personality sa 19th Gandingan Awards.
18:21May unang balita si Jamie Santos.
18:23Sa ikalabing siyam na taon ng University of the Philippines Los Baños Combrod Sock Gandingan Awards,
18:34labing siyam na parangal ang nakuha ng GMA Network,
18:38kabilang ang Best News Anchor para kay 24 Horas Anchor Emil Sumangil.
18:44Iginawa din ang Gandingan ng Edukasyon kay Kim Atienza
18:47at ang Gandingan ng Kabataan Award kay Game Changer Host Martin Javiera.
18:52Panibagong panalawin ang nakuha ng How to Spot Deepfake ng 24 Horas
18:58na itinanghal na Most Development Oriented Feature Story.
19:01Ito yung nag-mimistulang kalasag na gagamitin ko para hindi ako tablan
19:07ng ginagawang pagbanat sa atin mga alagad ng tunay na media
19:12na kumahanap ng tunay na story ang dapat malaman ng mga kababayan nating Pilipino.
19:16Most Development Oriented Gender Transformative Program naman ang State of the Nation.
19:21Best Field Reporter si Joseph Morong
19:24at Best TV Program Host si Balitang Hali Angkor Rafi Tima.
19:29Kinilala rin ang ilang public affairs show and personalities
19:32gaya ni Jessica Soho na pinarangalan ng Gandingan ng Kalikasan.
19:37Most Development Oriented Environment Program din
19:40ang Kapuso Mo, Jessica Soho, Episode Nickel and Dime.
19:44Most Development Oriented Documentary ang The Atom Aralio Special sa mga boses sa hukay.
19:49Pag-i rin ang investigative story ng Reporter's Notebook,
19:53Nasaan ang pera, pabahay.
19:55Pati ang The Howie Severino Podcast na Most Development Oriented Educational Program.
20:01Most Development Oriented Drama Program ang Pulang Araw.
20:05Most Development Oriented TV Plug ang NCAA Siglo Uno Inspiring Legacies.
20:11Most Development Oriented Musical Segment Program, Julie Stel ang ating tinig.
20:16Sa radio, Best FM Radio Program host si Papa Dudut ng Barangay LS 97.1.
20:23At online, Most Development Oriented Online Feature article
20:28ang Leaving the History Reenactment, Bob Stel Tales of Filipinos' Wartime Valor.
20:34Ito ang unang balita, Jamie Santos para sa Jime Integrated News.
20:38First look na ang full costume ng mga bagong karakter ng Encantadia Chronicles Sangre.
20:48She no case ang mga yan sa unskippable YouTube in the New Era of Philippine Media event.
20:53Kabilang sa mga humarap si Sangre, new-gen Kelvin Miranda, suot ang isa sa mga Adamos costume niya.
21:00Ngayon din si Gabby Eigenman at John Lucas with their Zawur at Daron battle suits.
21:07Present din ang Gweco twins na si Navito at Kiel as Mantuk and Tukman.
21:12Therese Malvar as Dina mula sa Mortal World.
21:15At ang beloved Encantadia character na si Emao.
21:18May closer look din sa ilang Sangre props na Shinere ang head writer ng serya na si Suzette Doktolero.
21:28Gaya ng ilang armas at armor na makikita sa serye.
21:31Meron din prop version ng mga iconic brillantes.
21:35Hiling nga ng ilang encantatics, baka pwedeng gawa ng merchandise version ang mga ito para ikonad nila.
21:42Pwede.
21:43Sa May 2 na ang Coronation Night ng Miss Universe Philippines 2025 na gaganapin sa Pasay City.
21:50May delayed telecast yan dito sa GMA sa May 4, alas 9 na umaga at alas 8 naman ang gabi sa GTV.
21:57More than 60 candidates ang maglalaban-laban para makuha ang corona.
22:01Kabilang si Sparkle Beauty Queen at Reyna Hispano-Americana 2017, Win-Win Marquez.
22:06Dadalo sa kompetisyon ng Miss Universe Continental Queens.
22:09Kabilang si Miss Universe Philippines 2024 at reigning Miss Universe Asia, Chelsea Manalo.
22:15Si Chelsea ang magkokorona sa magwawaging Miss Universe Philippines 2024.
22:20Na siya namang maging representative ng bansa sa Miss Universe 2025 pa dyan sa November 21 sa Bangkok, Thailand.
22:28Igan, mauna ka sa mga balita.
22:31Panoori ng unang balita sa unang hirit at iba pang award-winning news ka sa youtube.com slash GMA News.
22:38I-click lang ang subscribe button.
22:41At sa mga kapuso abroad, maaari kaming masubaybayan sa GMA Pinoy TV at www.gmanews.tv.
22:47Panoori ng barita.

Recommended