Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • yesterday
Unang Balita is the news segment of GMA Network's daily morning program, Unang Hirit. It's anchored by Arnold Clavio, Susan Enriquez, Ivan Mayrina, and Mariz Umali, and airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 5:30 AM (PHL Time). For more videos from Unang Balita, visit http://www.gmanetwork.com/unangbalita.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Transcript
00:005 araw bago ang election 2025, patuloy ang paghahatid ng mga balota,
00:13pati na ang final testing at sealing ng mga automated counting machines sa iba't ibang lugar.
00:18Samantala ay naresto ang tatlong nagpanggap na taga-COMELEC na nagsabing mag-iinspeksyon daw sila ng mga ACM.
00:26May unang balita si Rafi Tima.
00:30Ang pakilala ro'n ng tatlong lalaki, mga taga-COMELEC silang mag-iinspeksyon ng mga automated counting machines sa isang eskwelahan.
00:37Pero napaamin sila kalaunan.
00:42May dala pa silang peking COMELEC ID at may logo ng COMELEC ang kanilang sasakyan.
00:47Nakapiit ng tatlong suspect. Tumanggi silang magbigay ng pahayag.
00:51Nakaharap po sila sa kasong usiwagwasyon ng authority at falsification ng public documents.
00:56May mga nababalitan na nagbebenta sa buong bansa na mga nakaya daw nila allegedly na gawa ng paraan ng ating eleksyon.
01:06Anong malay natin, yung ibang tao dyan lalapit lang sa maraming stock ng mga machine.
01:12Kunyari, nandun sila sa mga makina at palalabasin nila na meron silang mga makina sa kanilang sariling mga bahay
01:18o sa kanilang posesyon para mas mataas ang paniningil sa mga kliyente.
01:24Inisyohan naman ang show cause order ng COMELEC si Caloacan Congressional Candidate Edgar Irise.
01:29Pinagpapaliwanag siya kaugnay sa paraan ng pagpuna niya sa suot na isang babaeng kandidato sa isang interview.
01:34Binanggit din sa show cause order ang ginapit niyang pandiwa sa isang kampanya na tila double meaning
01:39dahil nakakabastos para sa isang babae.
01:42Ayon sa COMELEC, posibleng paglabag ito sa kanilang anti-discrimination and fair campaigning guidelines.
01:46Gate ni Irise, walang pagdidiskrimina sa kanyang mga sinambit na pagbatikos lang anya sa mga aksyon na isang public official.
01:53Tanong niya, bakit tila tinuntiria siya ng COMELEC?
01:57Dahil daw ba sa mga pagbatikos niya noon sa komisyon?
02:00Sabi ng COMELEC, sagutin na lang niya ang show cause order.
02:03May iba pang show cause order na inilabas ang COMELEC kaugnay sa iba't ibang election offenses.
02:07Sa Marikina, dalawa. Pagkatapos, dalawa rin sa Laguna.
02:12Ito ay nilabas po ng Committee on Contrabigay.
02:17Pinaasang matatapos ang delivery ng pitot kalahating milyong balota sa Metro Manila
02:21na tulad sa ibang lugar ay tinatanggap muna sa City Hall o munisipyo
02:25bago ilagay sa isang secured na lugar na pwedeng pabantayan ng mga partido at kandidato.
02:30May tracker po yan.
02:32At at the same time, lahat po ng track na nagdi-deliver ay may kasama na PNP personnel
02:38na nakaantabay hanggang sa ma-i-deliver ang kahuli-hulihan o sa kahuli-hulihan lugar yung mga balota.
02:44Lalo po ito, balota po ito. Ito po ang number one accountable document.
02:49Patuloy naman ang final testing and sealing ng mga automated counting machine o ACM
02:52sa iba't ibang lugar gaya sa Tagbilaran City, Bohol.
02:56At Dumaguete City, Negros Oriental kung saan may pumalyang ACM na agad pinalitan.
03:01May mga naiulat ning ACM na hindi gumana sa dalawang lugar sa Davao City
03:04pero maayos na naisagawang MAC voting sa iba pang lugar.
03:08Extended naman hanggang May 10 ang enrollment ng mga Pilipino abroad na buvoto online.
03:13Ito ang unang balita. Rafi Tima para sa GMA Integrated News.
03:18Gusto mo bang mauna sa mga balita?
03:20Mag-subscribe na sa GMA Integrated News sa YouTube at tumutok sa unang balita.
03:34Mag-subscribe na sa GMA Integrated News.

Recommended