Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • yesterday
Early voting sa Batangas, umarangkada na; Senatorial candidate na si Ben Tulfo, naghihintay na makaboto. #Eleksyon2025


Welcome to the official YouTube channel of GMA Integrated News, the News Authority of the Filipino. Updated daily with the latest top news and breaking news
.
Subscribe to the GMA Integrated News channel! https://www.youtube.com/@gmanews


Visit our website - https://www.gmanetwork.com/news/


Facebook - https://www.facebook.com/gmanews
TikTok - https://www.tiktok.com/@gmanews
Instagram - https://www.instagram.com/gmanews/
Twitter/X - https://x.com/gmanews

Category

📺
TV
Transcript
00:00Iga, nagpapatuloy yung early voting dito sa Gaudencio Bilontoc Memorial School sa Lipacity, Batangas.
00:06Itong G. Bilontoc, yung pinakamalaking polling place sa buong Lipacity kung sa ninaasahang boboto ang mahigit 16,000 registered voters.
00:15Dito sa kinatatayuan ko, nakikita na natin yung pila ng mga botante sa labas ng mga presinto.
00:22Karamihan ang mga miyembro ng priority group o mga senior citizens, PWDs, buntis na kabilang doon sa pwedeng bumoto ng 5 a.m. to 7 a.m.
00:32Alas 4 pa lang ng madaling araw, Igan. Marami na yung pumunta rito.
00:36Sabi ng mga nakausap kong senior ay mas gusto raw nilang mauna.
00:40Yung iba kasi sa kanila ay may iniinda ng karamdaman gaya ng hypertension at arthritis.
00:45Kaya talagang mahihirapan daw sila kapag sumabay sila sa buhos ng mga tao.
00:49Yung iba sa kanila, nakita naming nahirapan din hanapin yung pangalan nila dahil malabo na yung matanong iba.
00:56Kaya talagang mabuti na lang daw ay pumunta sila ng maaga.
01:00Samantala, Igan, isang oras pa lang na nagpapatuloy o kasi simula pa lang ng botohan,
01:06meron na kaming na-encounter na problema doon sa dalawang clustered precincts dito sa GB Lontok.
01:12Yung isang presinto, clustered precinct 221 na late ng 20 minutes yung simula ng botohan.
01:18Ayon sa nakausap naming miyembro ng electoral board ay nagkaproblema raw ang ACM o automated counting machine sa initialization
01:27dahil walang print na lumabas sa resibo na bahagi ng kanilang proseso.
01:32Pero agad ding naayos yan kaya nagsimula na rin yung botohan pasado 5.20am kanina.
01:38Yun nga lang, nagkapila sa labas ng presinto.
01:41Kaya dismayado yung ibang botante gaya ni James na naaborido dahil may trabaho pa raw siya.
01:47Yung isang ACM naman sa iba pang clustered precinct ay ayaw tumanggap ng balota.
01:545.46am na italayan yung error doon sa ACM na yan.
01:59Pero kaagad naman daw naayos makalipas lang yung tatlong minuto dahil merong mga technical personnel yung deso dito
02:08na nagmo-monitor ng ganyang mga aberiya at kaagad-agad namang tinugunan.
02:13After 3 minutes, nagpatuloy na ulit sila.
02:15Kaya ngayon po ay tuloy-tuloy lang yung botohan sa lahat ng 90 na presinto dito sa GB Lontoc.
02:21Ayon sa school principal na si Sir Roberto Rodriguez.
02:24Samantala, Igan, isang oras pa bago magsimula yung regular voting.
02:28Pero may pila na rin ng mga botanting pipila doon sa regular hours o yung hindi kabilang sa priority group.
02:35Patuloy kami magbabantay dito.
02:37Mula rito sa Lipas City, Batangas, ako si Darlene Kay ng GMA Integrated News.
02:42Dapat totoo para sa eleksyon 2025.

Recommended