Kim Chiu, naiyak sa party; asan si Xian Lim?

  • 7 months ago
Naging emosyunal si Kim Chiu sa inorganisa niyang annual Christmas party sa kanyang Quezon City home noong Linggo, December 17, 2023.

Imbitado ang piling mga kaibigan at kapamilya kasama ang staff ng Star Magic at mga programang kinabibilangan ng actress-host, kabilang ang It's Showtime, Linlang, at What's Wrong With Secretary Kim?.

Bukod sa kainan ay may pa-raffle rin si Kim sa mga dumalong bisita.

Base sa video, halatang mugto ang mga mata ni Kim na kaiiyak lang noon.

Pero, nananatiling matatag ang aktres na nagpasalamat sa mga taong nagpapalakas ng kanyang loob.

Sabi ng aktres: "I wanna thank all of you for being here. Nanalo man kayo, natalo man kayo but lahat yun at the end of the day masaya tayong lahat. Yun ang mahalaga.

"Maraming salamat naging bahagi kayo ng aking 2023 ko."

Sa puntong ito, sumigaw ang mga bisita: "We love you, Kimmy!"

Dagdag ni Kim, "Each and everyone of you here played a big part of my life. Kaya maraming-maraming salamat. Mahal na mahal ko ang bawat isa sa inyo."

Hindi kaila na may pinagdadaanan si Kim dala ng napabalitang hiwalayan nila ng nobyong si Xian Lim.

Kapansin-pansin na wala rin si Xian sa party, gayong noong nakaraang taon ay dumalo ito.

Halos dalawang buwan nang usap-usapan na natuldukan na ang 12 taong relasyon ng couple.

Pero sa kasalukuyan ay wala pang direktang kumpirmasyon mula sa mga ito.

#kimchiu #xianlim #pephotstory

Video: Jayson Sarmiento
Text: Rachelle Siazon
Edit: Rommel Llanes

Subscribe to our YouTube channel! https://www.youtube.com/PEPMediabox

Know the latest in showbiz at http://www.pep.ph

Follow us!
Instagram: https://www.instagram.com/pepalerts/
Facebook: https://www.facebook.com/PEPalerts
Twitter: https://twitter.com/pepalerts

Visit our DailyMotion channel! https://www.dailymotion.com/PEPalerts

Join us on Viber: https://bit.ly/PEPonViber

Watch us on Kumu: pep.ph

Recommended