• 7 months ago
Aktibo umano sa destabilisasyon laban kay Pres. Bongbong Marcos ang kampo ni dating Pres. Rodrigo Duterte. Akusasyon 'yan ni dating Sen. Antonio Trillanes IV sa gitna ng impormasyong maglalabas na umano ng arrest warrant ang ICC kaugnay ng Duterte drug war.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.

#GMAIntegratedNews #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Activo humano sa destabilisasyon na alabang kay Pangulong Bongbong Marcos, ang kampo ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.
00:08Akosasyon niyan ni dating Senador Antonio Trillanes IV, sa gitna ng impormasyong maglalabas na humano ng arrest warrant ang ICC kaugnay ng Duterte Drug War.
00:18Ang tugon ng kampo ni Duterte sa pagtutok ni Mackie Pulido.
00:22September 2021 ang simulang alamin ng International Criminal Court kung sino ang pinaka-responsable sa pagkamatay ng libu-libo sa Duterte Drug War.
00:35Halos tatlong taon matapos niyan, nakakuha-umano ng informasyon si dating Senador Antonio Trillanes IV na patapos na ang investigasyon.
00:43Hindi niya binanggit ang kanyang source pero kabilang si Trillanes sa grupong unang nagparating sa ICC kaugnay ng umano'y extrajudicial killings ng dating administrasyon.
00:52Sabi niya maaaring kasunod umano nito ang pag-issue ng warrant of arrest or red notice bandang June or July.
01:22Kung sakali matatanggap ang warrant ng lahat ng membro ng ICC at padadalhan ng red notice ang Interpol.
01:36Sabi ni Sen. Bato de la Rosa, ang dating PNP chief na nagpatupad ng Duterte Drug War,
01:41go ahead make my day Mr. Trillanes kahit sumama ka pa mag-serve ng warrant, sumama ka, ikaw mismo magpusa sa akin.
01:51Sabi ni Atty. Harry Roque, dating tagapagsalita ni Duterte, wala naman na raw say-say anumang warrant ang ilabas dahil hindi na membro ang Pilipinas ng ICC.
02:00Tanging PNP lang ang pwedeng mag-execute ng warrant at dati nang sinabi ng Pangulo na hindi nito ipatutupad ang arrest warrant kung sakali dahil sa pagkalas ng Pilipinas sa ICC.
02:11Pero nangyari ang pagpatay bago kumalas ng Pilipinas kaya sabi ng isang grupo ng mga abogado,
02:16Maski nga Supreme Court e binanggit yan that you have residual obligations to the court kahit na umatras ka.
02:24Yung Marcos administration talaga yung makakapagsabi kung implement ba o hindi ang warrant of arrest.
02:31Sabi ni Trillanes, dahil sa posibilidad ng pag-issue ng warrant of arrest,
02:35aktibo kumano ang destabilization plot ng kampo ni Duterte para mapatalsik si Pangulong Marcos.
02:40Wala rin binanggit na source o patunay pero sabi niya nakapag-recruit na kumano ng ilang matataas na opisyal ng PNP ang kampo ni Duterte.
02:48Wala naman kumanong pumapatol mula sa AFP.
02:51Meron ng mga na-identify na active PNP personnel na double group na involved dyan sa mga ouster plots.
03:03Kunti lang naman pero the point is meron. Identified na sila.
03:09Sinusubukan pa ng GMA News na kunan ang pahayag ang magamang Duterte at si Sen. Bong Go.
03:14Dati nang sinabi ng ICC sa GMA Integrated News na hindi daw sila magkukomento sa operational matters kaugnay sa mga isinasagawang investigasyon.
03:24Para sa GMA Integrated News, Mackie Pulido na Katutok, 24 ORA.

Recommended