Sa ginanap na hearing ng House Committee on Good Government and Public Accountability, napansin sa mga dokumento na magkakaiba ang pangalan pero pareho ang pirma! Ano ba ang sinasabi ng batas tungkol dito? Alamin ‘yan kasama ang ating #KapusoSaBatas, Atty. Gaby Concepcion.
Hosted by the country’s top anchors and hosts, 'Unang Hirit' is a weekday morning show that provides its viewers with a daily dose of news and practical feature stories. Watch it from Monday to Friday, 5:30 AM on GMA Network! Subscribe to youtube.com/gmapublicaffairs for our full episodes.
Hosted by the country’s top anchors and hosts, 'Unang Hirit' is a weekday morning show that provides its viewers with a daily dose of news and practical feature stories. Watch it from Monday to Friday, 5:30 AM on GMA Network! Subscribe to youtube.com/gmapublicaffairs for our full episodes.
Category
😹
FunTranscript
00:00Mga Kapuso, mainit-init na usapin ngayon ng mga natuklasang resibo na kahit isa ang pangalan,
00:07meron namang iba-ibang pirma.
00:09Question yan sa hearing ng House Committee on Good Government and Public Accountability.
00:14Napansin kasi ng isang Alice Cresencio na nakapangalan sa tatlong resibo,
00:19magkakaiba ang pirma at address.
00:21Gina Sally at Sheila naman, magkakaiba ang pangalan, pero pareho ang pirma?
00:27Ano ba ang sinasabi ng batas tungkol dito?
00:30Ask me, ask Attorney Gabby.
00:38Attorney, lahat naman tayo pumipirma sa kung ano-anong dokumento.
00:42Para sa kaalaman ng lahat, ano ba ang sinasabi ng batas tungkol sa pirma?
00:46Dapat ba ang isa lang ang version ng pirma ng isang tao?
00:50Well, wala naman talagang batas na tahas ang sinasabi
00:53na dapat iisa lamang ang inyong signature sa lahat ng bagay at transaksyon.
00:58Pero for purposes of authenticity at hassle-free ng mga transaksyon,
01:02talagang mas mabuti at dapat lamang na pare-pareho o consistent ang pirma ninyo.
01:08Otherwise, paano malalaman ng mga tao na hindi scammer ang pumipirma?
01:12Lalo na sa mga transaksyon sa banko at mga kontrata,
01:16dapat ay consistent ang signature para hindi kayong maloko.
01:20Kaya nga yung iba, kung duda sila kung authentic ang signature o hindi,
01:24nagpapa-NBI pa.
01:26Kaya at kahit na walang batas na specific tungkol dito,
01:29ugaliin na iisa lamang or consistent kayo sa ginagamit na pirma
01:34para malaman ng mga ahensya at mga opisinang kadil ninyo
01:38na authentic ang signature at ang taong gumagukan nito.
01:44Attorney, madalas din natin naririnig yung mga nanggagayan ng pirma,
01:48physical man yan o e-signature.
01:51Ano naman pong kakaharapin ng mga gagawa nito?
01:54Yun naman talagang mga gumagaya sa signature ng ibang tao
01:57dahil meron silang lolokohin o gagawing kalokohan
02:00o gagawan ng pinsala o damage ang ibang tao.
02:03Well, ito ay isang crimen obviously
02:05at ito ay tinatawag na falsification of a private or public document
02:10sa ilalim ng Articles 171 at 172 ng Revised Penal Code.
02:14At kasama nga dito ang paggaya ng handwriting
02:17or kahit na pirma lamang ng isang tao.
02:20Kung kayo isang public official o isang notary publico
02:23at ang falsification na ginawa sa isang public document
02:26ang penalty ay hanggang labing dalawang taon na kulong.
02:29Kung ang falsification na ginawa na isang private individual
02:33sa isang public document, kulong na hanggang sampung taon naman.
02:37Kung ito ay private individual na nagfalsifika sa pribadong dokumento
02:42ito ay kulong na hanggang 6 na taon.
02:45Ganun din ang penalty kung kayo naman ay gumamit na isang falsified document
02:49alam niyong false ito pero ginamit nyo pa rin sa isang transaksyon.
02:53Of course, mas mabigat ang penalty kung ang gumawa ng kalokohan
02:57ay isang public official dahil remember,
03:00public office is a public trust.
03:03Sa mga usuping batas, bibigyan po nating linaw yan dito
03:06para sa kapayapaan ng pag-iisip.
03:09Huwag magdalawang isip.
03:11Ask me, ask Atty. Gabby.