• last year
Ano ba ang sinasabi ng batas tungkol sa pagbabanta online? ‘Sasagutin ‘yan ng ating #KapusoSaBatas, Atty. Gaby Concepcion.

Hosted by the country’s top anchors and hosts, 'Unang Hirit' is a weekday morning show that provides its viewers with a daily dose of news and practical feature stories. Watch it from Monday to Friday, 5:30 AM on GMA Network! Subscribe to youtube.com/gmapublicaffairs for our full episodes.

Category

😹
Fun
Transcript
00:00Mga Kapuso, paalala lang, hinay-hinay po sa pagbibitaw ng salita.
00:06Sa panahon kasi ngayon, mapa-online livestreaming man o kahit online messaging,
00:11parang naging napakadali na lang magbitaw ng salita na may pagbabanta.
00:16Ano nga bang sinasabi ng batas tungkol dito?
00:19Well, ask me, ask Attorney Gatto.
00:22Attorney, ang pagsasabi po ba ng mga statement na may pagbabanta halimbawa sa buhay ng isang tao ay may nalalabag na batas?
00:36Naku, pag nagbanta ka sa buhay ng ibang tao or yung magbanta na may masamang mangyayari sa kanya,
00:42sa kanyang reputasyon o sa kanyang property o ari-arian,
00:45yan ay isang krimen ng grave threat sa ilalim ng Article 282 ng Revised Penal Code.
00:51Kabilang dito ang mga pananakot na pagpatay o sakta na isang tao,
00:55mga banta ng physical na karahasan o anumang pananakit.
00:59Kung minsan ang mga ganitong pagbabanta ay isang form din ng panghingikil.
01:03Kumbaga, kung hindi mo ako bigyan ng pera, papatayin kita.
01:07Or ikakalat ko ang mga makahalay na nitrato mo.
01:10Or some other kind of threat or demand.
01:12Kung minsan wala namang kondisyon, pero syempre ito isang krimen pa rin
01:17Dahil ang essence ng krimen ng grave threats ay yung intimidation o pananakot
01:22na siyang gumagawa ng matinding kaba o takot sa taong napagbantaan.
01:28Ang tanong, may kaibahan po ba ang kaso kung broadcasted publicly online
01:33o kung sa private messaging lang ginawa ang pagbabanta
01:36at kung isang opisyal ng gobyerno ang sangkot?
01:40Well, usually, yung pagiging isang public official, nagiging factor lamang yan.
01:44Halimbawa, kung ginamit ng opisyal ang posisyon niya para magawa ang isang krimen.
01:49Halimbawa, kung yung chief of police ay nagbabanta sa buhay ng isang tao
01:53at ginamit niya ang posisyon niya para maisagawa ang pagbabantana ito.
01:57Halimbawa, nagpadala siya sa isang pulutong ng mga polis para iparating ang bantana ito,
02:02ito ay pwede maging aggravating circumstance na pampabigat ng penalty ng kulong kung guilty man siya.
02:09Syempre, isang krimen pag ginawa gamit ang internet,
02:12alam na natin ito ay violation ng cybercrime prevention law at bibigat din ang penalty.
02:18Cybercrime yan pag ginawa through social media or the internet.
02:21Mahigpit na tinututulan ng ating batas ang ganitong uri ng aksyon
02:26dahil ito ay directang lumalabag sa karapatan ng bawat tao
02:30na mamuhay ng walang takot o pangamba.
02:34So, hinay-hinay lang talaga.
02:36In any case, mga usaping batas, bibigyan po nating linaw
02:39Para sa kapayapaan ng pag-iisip, huwag magdalawang isip.
02:44Ask me, ask Attorney Gaby.

Recommended