• yesterday
Shopping mode on na ngayong Christmas Season! Pero paano kung ano gamit na binili mo, galing pala sa nakaw?

Ano ba ang sinasabi ng batas dito?

Alamin ‘yan kasama ang ating #KapusoSaBatas, Atty. Gaby Concepcion.

Hosted by the country’s top anchors and hosts, 'Unang Hirit' is a weekday morning show that provides its viewers with a daily dose of news and practical feature stories. Watch it from Monday to Friday, 5:30 AM on GMA Network! Subscribe to youtube.com/gmapublicaffairs for our full episodes.

Category

😹
Fun
Transcript
00:00Mga Kapuso, ngayong malapit ng magpasko, kabi-kabila na ang Christmas shopping.
00:06Pero ingat-ingat ba kasi sa kakahanap ng mura, ang mabili ninyo galing pala sa nakaw.
00:12Nabalita na nga itong dalawang lalaking nahuli sa Laguna na nasa likod ng pagnanakaw ng motorcyclo sa Las Piñas.
00:20Sa kuha ng CCTV, makikita ang pagtangay ng mga lalaki sa isang motorcyclo sa loob lang ng ilang segundo.
00:29Pagkalipas ng ilang araw, kinutuban daw ang may-ari ng ninakaw ng motor
00:33nang makitang may post sa online marketplace.
00:37Ang motorcyclo niya pala, chinap-chop na para i-benta ang mga pyesa online.
00:43Ano nga ba ang sinasabi ng batas tungkol diyan?
00:46Ask me, ask Atty. Gabby.
00:53Atty, ninakaw na nga, ibinandera at ibebenta pa online.
00:58Ano ang sinasabi ng batas tungkol dito?
01:01Well, actually, yung pagnanakaw ng mga motorcyclo at pagnanakaw ng isang magandang kotse,
01:05wala nang pinagkaibayan.
01:07Dahil pareho laman silang considered na motor vehicle
01:11na maaaring ma-carnap sa ilalim po ng Republic Act 10883 o ang pinaigting na anti-carnapping law.
01:19Dati kasi, yung simpleng pagnakaw ng isang motor vehicle,
01:22ang katapat na kulong ay 14 years and 8 months hanggang 17 years and 4 months.
01:28Pero sa ilalim ng mas bagong batas,
01:30yung simpleng pagnakaw ng motor o kotse nang walang violence or force
01:35ay naging 20 years and 1 day hanggang 30 years na.
01:39Pero pag may violence na, pananakot,
01:42pag tutok ng barel o patalim,
01:45ang penalty ay 30 years and 1 day hanggang 40 years.
01:49Parang hindi naman worth it na magnakaw pa kayo ng motorcyclo
01:53nakapalit ng napakatagal na kulong.
01:56Well, itong batas na ito na naipasa noong 2016,
01:59talagang pinabigat po ang penalty sa pagnanakaw
02:02dahil sobrang rampant ang carnapping.
02:06Hindi natatakot ang magnagnakaw
02:08dahil padami ng padami ang mga kaso ng carnapping
02:12kaya't nagpasa nga ng bagong batas para dito.
02:15Sa mga motorcyclo pa lang,
02:17tinatayang 30,000 ang ninanakaw taon-taon.
02:21So, ingat-ingat lang.
02:23Lalo na yung mga delivery,
02:25maraming kaso na sila ang nananakawan ng motorcyclo.
02:29Ang tanong, marami ang gustong makamura sa panahon ngayon
02:33kaya ang iba, kahit kadudadudang source,
02:35bumibili pa rin basta bagsak presyo.
02:38Ano naman po ang kahaharapin ng mga bumibili
02:41ng knock-on na gamit?
02:43Well, maaaring makasuhan ang sino mang bibili
02:45ng knock-on na kagamitan
02:46dahil sa PD 1612,
02:48ang tinatawag natin na anti-fencing law
02:51na nagpaparusa hindi lamang sa pagbebenta
02:53ng knock-on na kagamitan,
02:55kundi pati na rin sa pagbibili
02:57at pagmamay-ari nito.
02:59May apat na elemento ang krimen ng fencing.
03:01Unang-una, meron ngang krimen ng robbery or theft.
03:05Pangalawa, ang pagbili, pagbenta o pagtanggap
03:08sa anumang paraan ng gamit na nagmula nga
03:11na sa robbery or theft.
03:13Pangatlo, kung alam ng akusado
03:15o dapat ay alam niya na galing sa knock-on
03:18ang gamit na naibenta, nabili o natanggap.
03:21At pangapat, may intensyon na makinabang ang akusado
03:24mula sa naging transaksyon.
03:26Sa penalty, ang fencing
03:28depende kung magkano ang ninakaw.
03:30Halimbawa, kung Php 12,000-22,000
03:34ang value ng ninakaw at binili,
03:37the penalty is prisyon mayor
03:39or 6-12 years na kulong.
03:42Kung may palagay na baka knock-on ang bibiliin online
03:44at kadudaduda ang presyo,
03:46mas maganda na po, huwag na po natin bilhin.
03:49Pagmasyadong mura ang mga bilihin
03:51or nakakalat lamang.
03:52Halimbawa, yung mga spare parts na andami-dami
03:55na walang eksplenasyon kung bakit
03:57dapat mag-isip-isip na
03:59baka nga ang source nito
04:01ay pagnanakaw dahil napakamura ng mga spare parts.
04:05Pero talagang mautak na itong mga magnanakaw na reseller na ito
04:08lalo na yung mga nagbebenta online.
04:10Sabi ng mga polis,
04:12madalas ay pinaghahalo ang pagbenta
04:14ng legit spare parts at ang mga nakaw
04:17so nahihirapan talaga ang mga namimili.
04:20Sa ilalim ng anti-fencing law,
04:22kahit na inosente pa kayo,
04:23pero kadudaduda ang mga binili ninyo,
04:25may presumption na guilty kayo
04:27ng anti-fencing law.
04:29Sabi nga nila,
04:30if it's too good to be true,
04:32it probably is.
04:34So ingat po kayo.
04:35Mga usaping batas,
04:36bibigyan po nating linaw.
04:38Alam nyo na,
04:39para sa kapayapaan ng pag-iisip,
04:41huwag magdalawang-isip,
04:43ask me,
04:44ask Kateri Gag.
04:50If you're new to the Public Affairs YouTube channel,
04:52bakit?
04:53Mag-subscribe ka na.
04:54Dali na!
04:55Para laging una ka
04:56sa mga latest kwento at balita.
04:58I-follow mo na rin
04:59yung official social media pages
05:00ng unang hirit.
05:02Salamat kapuso.

Recommended