• 4 hours ago
24 Oras Weekend is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Ivan Mayrina and Pia Arcangel. It airs on GMA-7, Saturdays and Sundays at 5:30 PM (PHL Time). For more videos from 24 Oras Weekend, visit http://www.gmanews.tv/24orasweekend.

#GMAIntegratedNews #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Mula sa Cebu City, nakatutok live sa Nico Ferreira ng GMA Regional TV.
00:05Viva Pit Senyor, Nico!
00:08Pit Senyor Ivan, nagpapatuloy nga ang mga religious activities dito sa Basilica.
00:12Alauna ngayong hapon, Ivan, isinagawa ang solemn foot procession ngayong Bispiras ng Pista ng Senyor Santo Nino.
00:20Kaninang umaga isinagawa ang taonang procession kung saan mahigit tatlong daang sasakyang pandagap ang lumahok.
00:31Sakay ng galyon, iprinosisyon ang imahe ng Senyor Santo Nino, Birhen ng Guadalupe at Senyor San Jose.
00:38Dinala ang mga imahe ng Holy Family sa Naval Forces Central o NAVFORCEN sa Lapu-Lapu City.
00:44Doon ay sinalupong ito ng mga pari sa pangunguna ni Cebu Archbishop Jose Palma.
00:50Matapos maisakay sa galyon ang mga imahen mula NAVFORCEN binaybay ng galyon ang Mactan Channel habang naka-escort ang Philippine Coast Guard at Philippine Navy.
01:00Sumunod naman ang mga sasakyang pandagat na umabot sa 355 ayon sa tagapagsalita ng Basilica Minore del Santo Nino.
01:08May mga sasakyang himpapawidin na nagpaulan ang mga bulaklak sa galyon.
01:12Ang mga dibotong hindi nakasakay sa mga sasakyang pandagat ay nagabang sa gilid ng Mactan Channel upang masilayan ang fluvial procession.
01:20Bandang alas 8 na umaga dumaong ang galyon sa Pier 1 ng Cebu City kung saan nakaabang ang libu-libong diboto at nagperform pa ng sinulog dance ang anim na grupo sa pantalan.
01:32Ang pagdating ng mga imahen ay hudyat ng banal na prosesyon papunta sa Basilica Minore del Santo Nino
01:38kung saan isinagawa ang reenactment mass para gunitain ang kauna-unahang binyag at kasal na isinagawa sa Pilipinas.
01:53Ivan, dito nga sa Basilica nagpapatuloy ngayon ang pontifical mass.
01:56Naging tradisyon ito.
01:57Pagkatapos ng food procession, babalik ang mga tao dito sa Basilica at isinasagawa ang banal na misa.
02:03Matapos dito, Ivan, isinasagawa mamaya ang traditional religious sinulog.
02:08Isang oras ito na pagsasayaw ng mga diboto ng kanilang intensyon kay Senyor Santo Nino at mga panalangin.
02:15Bukas naman gaganapin ang highlight ng pista ng Senyor Santo Nino kung saan isinasagawa ang Sinulog Grand Parade
02:22kung saan mahigit sa apat na pong mga contingents ang magpapasiklaban.
02:26Ivan?
02:27Nico, isa yan sa mga inaabangan taon-taon, yung Sinulog Festival ng Cebu.
02:31Kumusta naman yung dagsa ng mga turista dyan sa Cebu para sa Sinulog?
02:39Patuloy, Ivan, ang pagdagsa ng mga turista.
02:41Punuan nga itong mga hotels at mga pension houses dito.
02:45Pero patuloy rin, ang mahigpit na siguridad ay pinapatupad ng mga otoridad
02:49para masiguro nga magiging matiwasay itong kabuan ng Sinulog Festival at ang fiesta senyor mismo.
02:55Ivan?
02:56Pete Senyor, daghang salamat. Nico Sereno ng GMA Regional TV.

Recommended