Babae, sugatan nang banggain umano ng ex-boyfriend?! Ano ba ang sinasabi ng batas tungkol sa ganitong mga insidente? Alamin ‘yan kasama ang ating #KapusoSaBatas, Atty. Gaby Concepcion!
Hosted by the country’s top anchors and hosts, 'Unang Hirit' is a weekday morning show that provides its viewers with a daily dose of news and practical feature stories. Watch it from Monday to Friday, 5:30 AM on GMA Network! Subscribe to youtube.com/gmapublicaffairs for our full episodes.
Hosted by the country’s top anchors and hosts, 'Unang Hirit' is a weekday morning show that provides its viewers with a daily dose of news and practical feature stories. Watch it from Monday to Friday, 5:30 AM on GMA Network! Subscribe to youtube.com/gmapublicaffairs for our full episodes.
Category
😹
FunTranscript
00:00Nagmahal na saktan na nagasa, ganyan ang sinapit na isang babae sa Cagayan de Oroz City na lubhang na sugatan matapos umanong i-hit and run ng dating kasintahan.
00:13Nagtamu ng bukod sa ulo at sugat sa iba't ibang bahagi ng katawan ang babaeng biktima, ang tinuturong suspect, dati niyang kasintahan.
00:22Kwento ng biktima, bago ang insidente, mahigit dalawang linggo na silang hindi nakikita ng dating nobyo matapos maghiwalay.
00:31Pero noong biernes, nakitaraw niya ang kotse ng ex-boyfriend malapit sa kanyang pinagtatrabahuhan.
00:39Habang naglalakad pa uwi, nagulat na lang daw ang biktima nang banggain siya ng nasabing kotse.
00:46Sabi ng Cagayan de Oroz City Police, dati nang nagpa-blatter ang biktima dahil sa mga di magandang nangyayari sa kanya sa kanila ng kanyang dating kasintahan.
00:56Ano ba ang sinasabi ng batas tungkol sa mga ganitong insidente?
01:00Ask me, ask Attorney Gabby.
01:04Parang sa sinilang nangyayari yan.
01:06Attorney, grabe naman ang inabot ng paghihiwalay na to.
01:10Literal na masakit.
01:12Ngayong kabi-kabila po ang nababalit ang hiwalayan o kataksilan.
01:17Ano po ang sinasabi ng batas tungkol sa paghiganti o paggawa ng krimen dahil naloko o nasaktan sa pag-ibig?
01:26Naku ang mga dating magkarelasyon na hindi nagkakaroon ng happy ending at walang forever dahil napaka-bitter ng isa o naging bayolente o hindi makontrol ang masamang ugali
01:37ay pwedeng mapasailalim ng aprobisyon ng Republic Act 9262 o ang Anti-Violence Against Women and Children Act.
01:46May special na proteksyon laban sa paghiganti, pananakit o pagkakaroon sa pag-ibig.
01:52May special na proteksyon laban sa paghiganti, pananakit o masamang pag-trottle sa isang babae.
01:59Gawa ng kanyang ex-husband, ex-boyfriend o ex-nakadate.
02:04Hindi kinakailangan na asawa o boyfriend kahit nakadate lamang na nabusted.
02:10Ay, kasama pa rin dito ang dating karelesyon na babae kung ito halimbawa isang lesbian relationship.
02:19Kaya't ang physical, sexual, psychological at economic abuse ay pinarurusahan sa ilalim na batas na ito.
02:26In fact, sa mga kaso ng physical injuries, halimbawa, mas mataas ang penalties sa ilalim na batas na ito
02:33kaysa sa ilalim ng revised penal code na talagang parang biblia ng mga krimen.
02:39Halimbawa, sa ilalim ng regular na batas, ang slight physical injuries, ibig sabihin,
02:45kayo ay naospital o hindi nakapagtrabaho ng 1 to 9 days, punishable lamang ng arresto mayor o 1 to 30 days na kulong.
02:53Or kung ito ay less serious physical injuries, ibig sabihin,
02:57hindi kayo nakapagtrabaho o naospital ng 10 days o higit pa,
03:01ang penalty ay arresto mayor or 1 month and 1 day to 6 months naman.
03:06Ngunit sa ilalim ng anti-vowsie law, mas mataas ang penalty.
03:10Pag less serious physical injuries, presiyon-correctional na or 6 months and 1 day to 6 years ang kulong.
03:18Pag slight physical injuries, arresto mayor or 1 month to 6 months imbis na isang buwan lamang.
03:25At ang dagdag na protection din na binibigay ng batas,
03:28pwedeng kumuha ng protection order ang babaeng biktima ng violence para matigil to.
03:33Ang protection order ay utos sa gumagawa ng pang-abuso na itigil na to.
03:38Pwedeng iutos na huwag lumapit within a specified distance.
03:42Bawal tumawag or to make contact with the victim.
03:45Bawal gumamit ng barel or other firearms.
03:48At ang paglabag sa isang protection order, may fine at kulong kapag hindi sinunod.
03:53So malaki talaga ang diferensya.
03:55Kinikilala ng batas na madalas, nagiging kawawa ang isang babae sa isang relasyon.
04:00Kaya't nangangailangan na dagdag na protection sa ilalim na batas natin.
04:05So para mapigil ang pag-sustalk ng inyong ex,
04:08ang pananambang, pananakit at panunugod,
04:11mag-report kaagad sa polis at kumuha ng protection order.
04:16Attorney, usapin pag-ibig pa rin po kung halimbawa,
04:19nagkaroon naman kayo ng matinding away ng girlfriend or boyfriend
04:23at ipinost nyo sa social media,
04:26tapos nagkabalikan kayo at nagkaayos na,
04:29may habal po ba yung mga ibang taong nadamay o nabanggit sa naging bangayan online?
04:35E unang-una, huwag naman kasi nagpa-post kaagad.
04:38Lalo na kung ito ay pribadong away ng magkasintahan or even worse,
04:42mga mag-asawa.
04:44Mahirap bawiin ang masasakit na silita o ang judgment ng mga tao
04:49base sa post ninyo.
04:51Lalo na kung init lamang pala ng ulo at magkakabalikan din naman pala kayo.
04:56In the meantime, naahusgahan na ang pagkatao ninyo
04:59at iba pang posibleng third party na idinamay nyo sa gulo ninyo.
05:04Syempre lahat naman ang pinapost ninyo subject sa mga batas natin labon sa libel.
05:09Halimbawa, o yung pinaniram puri or paninira ng reputasyon ng ibang tao.
05:14So kung ito ay papasok sa provision natin ukong sa libel,
05:17pwede maging kaso for cyber or libel in fact,
05:20dahil ang paninira na ito ay ginawa over the internet.
05:23Pero mas madalas, pag nadawit na sa intriga isang tao,
05:26kahit na walang libel o tahasang paninirang puri,
05:30dahil sa pinutaktinasyan ng mga chismosa.
05:33At mga netizen na madaling manghusga,
05:35madaling nagiging biktima ng intriga, paninira at paghuhusga ang kawawang nadamay lamang.
05:41So huwag na tayo man damay ng ibang tao, better yet,
05:44huwag gawing teleserya ang pribadong buhay para pagpiestahan ng lahat ng tao.
05:49Remember, whatever you put on the internet stays forever on the internet.
05:54Bapasayan lang niya ng inyong mga anak at apo later on.
05:57Think before you click, palagi natin sinasabi.
06:00In any case, mga usaping batas, usaping relasyon, usaping pag-ibig,
06:05well, bibigyan po nating linaw dito para sa kapayapaan ng pag-iisip at puso.
06:10Huwag magdalawang isip, ask me, ask Katerina.
06:19If you're new to my Public Affairs YouTube channel, bakit?
06:22Mag-subscribe ka na. Dali na!
06:24Para laging una ka sa mga latest kwento at balita.
06:27I-follow mo na rin yung official social media pages ng unang hirit.
06:31Salamat kapuso.