Aired (January 11, 2025): Sa halagang P150 na silicone scar sheets, gagaling na raw ang pabalik-balik na acne?! At sanhi ng bad breath na tonsil stones, paano mawawala? Alamin 'yan at ang iba pang balitang pangkalusugan sa video na ito.
Hosted by Connie Sison and its resident doctors, ‘Pinoy MD’ is an informative magazine show that provides wellness tips and answers to some important medical questions.
Watch ‘Pinoy MD’ every Saturday, 6:30 AM on GMA Network. Subscribe to youtube.com/gmapublicaffairs for our full episodes. #GMAPublicAffairs #GMANetwork
GMA Network promotes healthy debate and conversation online. Any abusive language that does not facilitate productive discourse will be blocked from this post.
GMA Network upholds ethical standards of fairness, objectivity, accuracy, transparency, balance, and independence.
Walang Kinikilingan, Walang Pinoprotektahan, Serbisyong totoo lamang. #GMAPublicAffairs #KapusoStream #GMANetwork
Subscribe to the GMA Public Affairs channel: https://www.youtube.com/user/gmapublicaffairs
Visit the GMA News and Public Affairs Portal: http://www.gmanews.tv
Connect with us on:
Facebook: http://www.facebook.com/gmapublicaffairs/
Twitter: http://www.twitter.com/gma_pa
Hosted by Connie Sison and its resident doctors, ‘Pinoy MD’ is an informative magazine show that provides wellness tips and answers to some important medical questions.
Watch ‘Pinoy MD’ every Saturday, 6:30 AM on GMA Network. Subscribe to youtube.com/gmapublicaffairs for our full episodes. #GMAPublicAffairs #GMANetwork
GMA Network promotes healthy debate and conversation online. Any abusive language that does not facilitate productive discourse will be blocked from this post.
GMA Network upholds ethical standards of fairness, objectivity, accuracy, transparency, balance, and independence.
Walang Kinikilingan, Walang Pinoprotektahan, Serbisyong totoo lamang. #GMAPublicAffairs #KapusoStream #GMANetwork
Subscribe to the GMA Public Affairs channel: https://www.youtube.com/user/gmapublicaffairs
Visit the GMA News and Public Affairs Portal: http://www.gmanews.tv
Connect with us on:
Facebook: http://www.facebook.com/gmapublicaffairs/
Twitter: http://www.twitter.com/gma_pa
Category
😹
FunTranscript
00:00Happy and healthy new year po sa ating lahat, ako po ang inyong kaagapoy sa kalusugan,
00:24Connie Sison.
00:25Mamaya, makakasama din natin ang ating pinagkakatiwalaang internist at Health and Wellness Doctor na si Doc Oy Valburias para sagutin ang inyong mga katanungan sa aming Facebook page.
00:35Kaya abangan niyan sa magbabalik ng Pinoy MD dahil basta usapin kalusugan, ito ang legit!
00:46Ngayong umaga sa Pinoy MD, problema mo rin ba ang tigyawat na ayaw magpaawat?
00:51Ang solusyon ng iba riyan?
00:53Silicone scar sheet para sa acne?
00:56Ligtas at efektibo nga ba itong gamitin?
00:59Alamin!
01:00At kung problema mo naman ay bad breath, baka tonsil stones na raw yan.
01:05Ano ba itong maliliit na tumutubo sa tonsils?
01:09At ano nga ba ang dapat gawin dito?
01:12Abangan!
01:13Samantala, narito muna ang ating internist at Health and Wellness Doctor na si Doc Oy para sagutin
01:18ang ilang mga usapin pang kalusugan na ipinadala po ninyo sa aming Facebook page.
01:22Good morning and happy, happy new year to you, Doc Oy!
01:26Good morning at happy new year din po sa ating mga kapuso na nakatutok ngayong umaga.
01:31First question for you, Doc, mula kay Maribeth Arpon.
01:34Forever na raw ba ang epilepsy?
01:38Maribeth, pwede namang ma-control ang epilepsy,
01:42lalo na kung may marami namang gamot,
01:45at sapat yung kombinasyon or dosage ng gamot na binibigay sa iyo ng iyong neurologist.
01:51Pero malaking bagay din ang lifestyle at nutrisyon,
01:55kung bakit magiging mas madalas ang atake ng epilepsy.
02:00So, unang-una na dyan, yung pagkain mo.
02:03Mas maganda kung mapapataas natin, alam mo, Maribeth,
02:08ito ang tinatawag nating ketogenic diet.
02:11Isa yan sa mga ginagamit.
02:13Para dun sa mga may intractable seizures na tinatawag.
02:17Kasi, ang napoproduce ng mataas na antas ng fats or fatty acids sa ating katawan,
02:23ayong tinatawag nating ketones.
02:26Itong ketones, or pag nasa ketosis ang ating katawan,
02:29ito ay magandang source ng enerhiya para sa ating utak.
02:34Ganun din ang lifestyle.
02:36Pagka-erotic ang iyong pagtulog,
02:38o kaya kulang ka sa tulog,
02:40o madalas ka nagpupuyat,
02:41isa din ito sa pwede mag-trigger na kahit meron ka ng maintenance na gamot
02:45para sa seizure o sa epilepsy,
02:47ikaw pa rin ay maaari magkaroon ng atake.
02:50Kaya importante yung regular at sapat na oras ng ating pagtulog.
02:55Next question, tanong naman ni Crisanta,
02:57safe ba daw ang mga decaf or no sugar na soft drinks para sa mga may diabetes?
03:03Cafe or soft drinks,
03:04these are what we call simple refined sugars or carbohydrates.
03:09Pagpasok nito sa ating katawan,
03:11ito ay asukal kaagad.
03:14Wala ng conversion na gagawin pa.
03:16At ito ang magiging dahilan kung bakit bigla ding magsa-surge
03:19ang insulin o pag-release ng insulin ng iyong pankreas.
03:23Kung madalas mo itong iinumin or kakainin,
03:27ito ay magdudulot para mas madaling maubos
03:31at mapagod yung ating lapay o yung pankreas.
03:34Kung kaya pagdating ng panahon,
03:36wala nang mapupudus na insulin.
03:38Kung kaya yun, aasa ka na lamang sa gamot
03:41or ikaw ay magiging insulin-dependent
03:43para lamang makontrol ang asukal sa iyong dugo.
03:51Sa video na ito,
03:52makikita ang isang babae na nakanganga sa harap ng kamera.
03:57Gamit ang cotton buds,
03:59makikitang tila may sinusungkit siya sa bahagi ng kanyang tonsils.
04:04Hanggang sa ang basungkit niya,
04:06isang maliit na bilog na animoy isang bato.
04:10Ano kaya ito?
04:11Abangan mamaya!
04:15Samantala, back to our Facebook question for you, Doc.
04:17Oye, kung hinahaluan daw ba ng gulay ang canned goods,
04:21nagiging healthy na rin ba yan?
04:23Yes, tama yun.
04:25Kasi kahit pa paano,
04:26kasi ang canned goods, number one,
04:27halos kung ito ay wala namang sustansya talaga.
04:30Lalo na kung ito ay mayroong pang mga laman
04:33ng mga preservatives or additives.
04:35Pero, sa tulong ng mga gulay,
04:37kahit pa paano yung gulay,
04:38lalo na kung hindi naman ito lutong-luto
04:40or lasog na lasog,
04:42meron itong mga sustansya
04:44na mabibigay sa iyong katawan
04:46kung isasabay mo ito sa canned goods.
04:48At marami ding mga gulay na mayroong detoxifying effect, actually.
04:52So, para ma-minimize yung impact
04:54ng mga preservatives at additives sa ating katawan
04:58kung ito'y mapagsasabay mo.
05:00But of course, kahit naman gulay,
05:01pwede mong kainin.
05:03Mas maganda kung talagang lahat ng kakainin natin
05:06ay mataas ang sustansya o atas ng sustansya nito.
05:15Narinig nyo na ba ang chismis?
05:18Ang chismis na hindi maitatago,
05:20kahit anong kapal ng concealer o foundation.
05:23Kahit mag-makeup po talaga ako nun,
05:25parang naiiyak na po ako
05:27kasi hindi po talaga siya matakpan.
05:30Kaya para iwas chismis ngayong 2025,
05:33skincare reveal naman dyan.
05:35Umabot po talaga ng P10,000 to P15,000
05:38yung pong nagastos ko
05:40para gumaling lang po yung mismong tigawad ko.
05:45Pero aanhin pangaraw ang mahal.
05:47Kung sa halagang P150 pesos lang,
05:49bye-bye na sa mga tigawad sa mukha?
05:56Para sa iba,
05:57ang pagkakaroon ng tigawad,
05:59pangkaraniw na.
06:02Pero ang tigawad naw
06:04ng content creator na si JM,
06:06walang awat.
06:08Growing up, madami nga po akong security,
06:10especially yung face ko po.
06:11Mabilis po akong magka-tigawad,
06:13especially during menstruation talaga,
06:16magiging scars,
06:17and mahirap po talaga silang mag-fade.
06:21Most common cause ng scars sa mukha natin
06:24is acne or pimple.
06:25Sa mukha natin,
06:26mas marami tayong blood supply.
06:28So ito yung dahilan kung bakit
06:30mas mabilis siyang gumaling
06:31kumpara po sa scars
06:33sa ibang parte ng katawan natin.
06:37Minsan pangaraw,
06:38sa sobrang lala,
06:39ang kanyang pimples,
06:40mukhang bulutong na sa dami.
06:44Nagkasabay-sabay po yun
06:45dahil sa stress,
06:46sa mga kinakain ko,
06:48kulang ng tulog.
06:50Ang atopic scar po,
06:51yun pong mas common
06:52na nakikita sa mukha.
06:53So kapag meron kang acne,
06:55tapos iniris nyo po,
06:56lumulubog po siya.
06:58Sa kakatiris po,
06:59etong pores po ng skin natin
07:01mas lumalalin po siya,
07:02and nagkakaroon po ng kulang
07:05ng collagen doon sa area.
07:08Sa kawala na pag-asa,
07:09umasa na lang si JM
07:10sa mga nakikita niya
07:12sa social media.
07:13Nakita ko po sa social media,
07:15yung isang dermatologist
07:16na nagsa-suggest po
07:17na gumamit po
07:18ng silicone scar sheet.
07:20So hindi ko po pinaniwalaan yun,
07:21na madami daw benefits,
07:23yung effects nila,
07:24ganyan.
07:25Until one time,
07:26ayun, nakapag-decide na po ako
07:27itry yung mismong silicone.
07:30Sa paniniwalang efektibo na
07:33mura pa,
07:34sinubukan ni JM gumamit
07:36ng silicone scar sheet
07:37na nakita niya online.
07:39Below 200 pesos lang po,
07:41siya lang po pala yung nakatulong
07:43to heal my acne scars.
07:55Parang papel
07:56or parang sheet
07:57or tape po
07:58na dinidikit po sa muka,
07:59it locks in hydration
08:01sa skin mo.
08:02So kapag nakadikit po yun,
08:03syempre protectado na po yung area na yan
08:05na magkaroon ng dehydration.
08:08Mas maganda po yung chances
08:09ng healing.
08:11Sa unang linggo pa lang,
08:12unti-unti na raw napapansin ni JM
08:14ang pagbabago sa kanyang acne marks.
08:17Nag-fade yung dark spot
08:19dito po sa
08:20mismong baba ko.
08:22Yung dito din po sa side ko,
08:23ayan,
08:24dati po talaga
08:25mala din po yung dito ko.
08:27Nagkaroon po talaga ng scars.
08:29And pati po yung dito.
08:32At matapos ang tatlong buwan
08:34ng paggamit ng silicone scar sheets,
08:37Parang tignan niyo po ngayon,
08:38nag-improve talaga po siya.
08:40Nung nag-try po ako ng
08:42silicone,
08:43hindi na po talaga ako napa-foundation.
08:45So ang ginagamit ko na lang po ngayon
08:46is concealer,
08:47and then okay na po ako.
08:50For silicone scar sheet,
08:52dapat po talaga,
08:53ganiting lang natin siya
08:54for hypertrophic scar.
08:56Ibig sabihin yung mga nakaangat
08:57or elevated scar.
08:59Doon lang po siya matakaroon ng pete.
09:03She's Miss No More na nga raw
09:04si JM ngayon.
09:06At may mukha na raw nga siyang
09:07ihaharap.
09:08Confident din po ako
09:09makiusap sa ibang tao.
09:11Hindi po kagaya no,
09:12na parang lagi ako naka-face mask.
09:14May cheaper way po talaga,
09:16makikita mo lang siguro yun
09:17if magtatsaga ka.
09:18Talagang,
09:19tinest ko talaga siya
09:20just to make sure na effective.
09:24Para masiguro ang epekto nito,
09:26sinasabayan daw niya ito
09:27ng mga skin serum.
09:29Naya-cinemide yung ginagamit ko.
09:31Where I suna ko muna po yung serum,
09:33tapos after 30 minutes
09:34or 15 minutes,
09:35hintayin ko muna mag-dry yung face ko,
09:38tapos doon ko po ilalagay yung silicone
09:40para po madikit po siya sa mukha.
09:44Naya-cinemide serum is something na
09:46more of a vitamin
09:48na nakakatulong po ng skin po natin.
09:51And dagdagan nyo pa po
09:52nung silicone na medical grade
09:53from the silicone sheet,
09:54syempre,
09:55it locks in the moisture
09:57underneath the skin talaga.
09:59However,
10:00not all patients will have
10:01the same case as I mentioned.
10:03Kasi nga po,
10:04kapag depressed po siya
10:06or parang nakalubog po ang scar,
10:08hindi pa rin niya kaya
10:09mag-regenerate ng bagong collagen.
10:1312 hours daw niya
10:14iniiwan sa mukha
10:15ang silicone scar sheet.
10:16Wala naman siyang definite study
10:18kung how long nyo po siya
10:19dapat i-lagay.
10:21Sa ibang brands,
10:22you can apply it daily,
10:23change po everyday.
10:25Pero paalala ng mga eksperto,
10:27ingat-ingat sa paglalagay
10:29o paggamit ng kahit na ano sa mukha.
10:31Of course,
10:32double cleanse your face lage
10:34and protect your skin
10:35from sun damage.
10:36Lagi po tayo mag-apply
10:37ng sunblock
10:38and syempre po,
10:39the right skincare.
10:41Ayon sa eksperto,
10:42ang authentic scar sheet
10:44ay dapat malambot,
10:45nababanat o flexible
10:47at banayad sa balat.
10:49Kaya mga kapuso,
10:50maging mapanuri sa pagbili nito.
10:52Siguruhing FDA approved
10:54at rekomendado ito ng eksperto.
10:59Ngayong bagong taon,
11:00iwas na sa mga itinatago.
11:03Panatalingin healthy ang skin
11:05sa tulong ng mga eksperto.
11:14Eto naman ang ating last question for you
11:16mula kay Liza Germano Mantilla.
11:18Ano ba ang gamot sa UTI
11:20at may DIY remedy ro ba dyan?
11:23Ang UTI, lalo na sa babae,
11:26so isa sa pinaka-common na sanhinyan
11:28is kung ikaw ay dehydrated
11:31or lalo na,
11:32kung ikaw ay nagpipigil pa ng pag-ihe.
11:34So, important thing,
11:35do it yourself there,
11:36is uminom ka ng uminom ng tubig.
11:38So, kasi kung ikaw ay inom ng tubig
11:41kahit hindi ka pa nauuhaw,
11:42at ito ay magt-trigger para
11:44ikaw ay umihi din ng umihe.
11:46Ito ay parang natural antiseptic.
11:48Kasi yung mga mikrobyo
11:50na nag-aattempt na pumasok
11:51sa ating urinary tract,
11:53ito ay mailalabas mo kagad
11:55at hindi na sila makakapasok pa
11:57sa loob ng sistema ng ating katawan.
11:59Marami din mga halamang gamot
12:01na pwedeng may epekto
12:02na mayroong antibacterial
12:04or makakatulong para
12:06i-alkalinize ang ating urine,
12:08lalo na ang mga gulay
12:10at pagkaing halaman.
12:12So, una na nga dyan,
12:13yung cranberry na tinatawag.
12:15Kasi meron din silang antibacterial
12:17at the same time,
12:18makakatulong sila para
12:20ma-alkalinize ang ating ihe
12:22upang hindi
12:24baka survive itong mga mikrobyo na ito.
12:27Importante ang hydration.
12:28So, importante na
12:30huwag tayong ininom lang ng tubig
12:31kung tayo uhaw na.
12:32Kundi dapat makaubos tayo.
12:34Computin mo yung timbang mo
12:37in kilograms,
12:38then i-divide mo ito into eight.
12:40At yung sagot,
12:41yun ang bilang ng baso ng tubig
12:43na dapat iniinom mo
12:45minimum sa isang araw.
12:47So, para kung
12:49ikaw pagpapawisan pa,
12:50then dapat mas madami dyan
12:52sa number of glasses
12:54na iinomin mo sa isang araw.
12:57Thank you so very much, Doc Oyi,
12:59sa pagsagot sa mga katanungan
13:00ng ating mga kapuso.
13:01Siyempre, ipadala niyo lamang po
13:03ng tuloy-tuloy yung mga ating
13:04mga tanong pangkalusugan
13:05sa aming Facebook page
13:07at baka-question niyo na
13:08ang masagot namin next week.
13:27Ito raw ang naranasan
13:28ng 34 tataong gulang na si Amber.
13:41Ang masakla pa raw,
13:43napansin niyang may lumanak
13:44masa tila bigas na kulay dilaw.
13:47At kapag pinisa,
13:49hindi raw ka nais-nais ang amoy.
13:56So kaya nag-research ako,
13:58tinignan ko kung ano yung reason
14:00kung bakit bumabaho yung hininga
14:02at kung ano yung something cheese
14:04na lumalabas sa bibig ko.
14:07Nang magbasa-basa raw siya online,
14:09napagalaman niyang tonsil stones
14:11ang mga ito.
14:12Ayon sa eksperto,
14:14ang tonsil stones
14:15ay yung puti o dilaw na deposit
14:17na tumutubo sa tonsils.
14:20Ang tonsil stones,
14:22or kilala rin sa tawag na tonsilolids,
14:24ay mga maliliit na piraso
14:26ng hardened debris
14:28na nabubuo sa mga crevice
14:31or crepes ng tonsils.
14:33Kapag ito ay nalalagyan
14:35o naiipunan ng mga pagkain
14:38o kaya bacteria
14:41at saka mucus
14:44at hindi natatanggal,
14:46nabubuo ito,
14:48tumitigas,
14:49yun yung tinatawag na tonsil stones.
14:54Mula raw noon,
14:55palagi nang tinitignan ni Amber
14:57ang likod ng kanyang tonsils
14:59kung may tumutubong tonsil stones.
15:02Sinubukan ko po siya,
15:03natanggalin na ako lang,
15:04kasi nung chinay ko siya sa mirror,
15:06kaya ko naman siyang abutin
15:08at saka hindi nahuwa ko makahintay
15:10at makatiis dun sa discomfort
15:12na nararamdaman ko
15:13sa lalamunan ko po.
15:15Regular din daw pumupunta
15:17sa dentista si Amber.
15:19Sabi ng doktor ko,
15:20ay galing po daw yung sa pagkain natin,
15:22lalo na pag unhealthy yung mga kinakain natin.
15:25So every time I wake up,
15:27I have to brush my teeth first
15:28before I eat anything.
15:30Tapos nagagargol po ako ng warm water,
15:32nilalagyan ko ng asin.
15:35Ayon sa eksperto,
15:36ilan sa sintomas ito,
15:38sore throat at throat infection,
15:41bad breath,
15:42ubo at hirap sa paglulok.
15:45Ang unang-unang symptoms
15:46ay yung may mabahong hininga
15:49o tinatawag na halitosis
15:51sapagkat ito ay may bakteria
15:53at syaka sulfur compounds.
15:56Pangalawa, kapag binuka ang yung bibig,
15:58may makikita ka puti o dilaw
16:01na maliliit doon sa tonsil area.
16:04Maaligasga sa may lalamunan.
16:07Ayon naman sa eksperto,
16:09hanggat maari,
16:10iwasan ang paggamit
16:11ng anumang matutulis na bagay
16:13para tanggalin ang tonsil stones.
16:16Kadalasan,
16:17ang tonsil stones ay hindi naman delikado
16:19kapag ang tonsil stones ay maliliit lamang,
16:22maaari na itong gawin
16:24ang mga home remedies.
16:26Katulad ng una,
16:27maggargal ng warm water salt solution
16:30o kaya gumamit ng cotton swab
16:33unti-unti itong tanggalin
16:35nang sa ganun hindi itutubogo.
16:37At kung namamaga naman ang tonsils,
16:39magpakonsulta sa doktor.
16:41Kapag ito ay marami at malaki na,
16:44mas mainam na bumisita
16:46sa inyong mga espesyalista
16:48nang sa ganun,
16:49mabigyan kayo
16:51ng nararapat na antibiotics.
16:54Tandaan,
16:55wag mag-self-medicate.
16:57Kaya naman si Amber,
16:59patuloy pa rin magpapakonsulta sa dentista
17:02para masiguro ang kanyang oral health.
17:05For me, napaka-importante po sa akin
17:07yung oral health.
17:08Kasi,
17:09kapag nakipag-usap ka ng tao,
17:11dapat mabango talaga yung hininga mo.
17:13Kasi, when you know that your mouth is clean,
17:16then you will feel more confidence as well.
17:20Tandaan,
17:21ang oral health ay mahalaga.
17:23Kaya kapag may napansin ka kaiba,
17:25sa extent po,
17:26magpakonsulta.
17:30Hangga sa susunod na Sabad ng mga Kapuso,
17:32magkikita kita tayo muli, ha?
17:336.30 to 7 in the morning.
17:35Ako po si Connie Sison,
17:37na nagpapaalam ng
17:38iisa lamang nga ating katawan,
17:40kaya dapat lamang natin itong pangalagaan.
17:42At ako naman po si Doc Oye,
17:44ang inyong health and wellness doctor.
17:46Tandaan, unahin ang kalusugan.
17:48At laging tumutok tuwing Sabado ng umaga,
17:50dito lang sa nag-iisang tahanan ng mga doktorn ng bayan.
17:53Ito po ang
17:54Pinoy MD.
18:14Subscribe na sa GMA Public Affairs YouTube channel.
18:17And of course,
18:18don't forget to hit the bell button
18:20for our latest updates.