• last week
Severe Tropical Storm “Marce” (international name: Yinxing) has intensified into a typhoon at 8 a.m. on Tuesday, Nov. 5, raising the likelihood that the Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) will issue Wind Signal No. 4 in the coming days.

In its 11 a.m. bulletin, PAGASA said Marce now has maximum sustained winds of 120 kilometers per hour (kph) near the center and gusts reaching 150 kph.

READ: https://mb.com.ph/2024/11/5/marce-intensifies-into-typhoon

Subscribe to the Manila Bulletin Online channel! - https://www.youtube.com/TheManilaBulletin

Visit our website at http://mb.com.ph
Facebook: https://www.facebook.com/manilabulletin
Twitter: https://www.twitter.com/manila_bulletin
Instagram: https://instagram.com/manilabulletin
Tiktok: https://www.tiktok.com/@manilabulletin

#ManilaBulletinOnline
#ManilaBulletin
#LatestNews

Category

🗞
News
Transcript
00:00Magandang araw, narito na nga yung update sa minomonitor natin na si bagyong Marse.
00:08Ito nga si, ito yung latest satellite image natin kay Marse at kanina nga alasgis na umaga
00:15ito ay nasa may layong 590 kilometers east of Valer Aurora.
00:20Ito nga ay lumakas at ngayon ay nasa typhoon category na.
00:23Ito ay nagtataglay ng lakas na hangin na 120 kilometers per hour malapit sa centro at
00:28Mabugso na abot sa 150 kilometers per hour, kumikilo sa direksyong west-northwest sa bilis
00:34na 30 kilometers per hour.
00:36Tingnan naman natin itong magiging track nga ni Marse.
00:39So naasahan natin na posibling maglandfall ito sa may Babuyan Islands or northern portion
00:46ng Cagayan on Thursday evening or Friday early morning.
00:50So yung pinakamalakas na intensity nito ay bagong maglandfall sa may Babuyan Islands
00:56Pero importante nga, kagaya ng mga nabanggit natin, na inote natin na posible nga itong bumagal
01:02bagong maglandfall, kaya mararamdaman din natin yung mga malalakas na ulan, malalakas na hangin
01:08lalo na sa mga malalapit na area, lalong lalo na sa mga nasa may silangang bahagi ng Luzon.
01:14Pati na rin lalo na sa silangang bahagi ng northern Luzon.
01:18Kaya yung ating mga kasamahan din sa Regional Services Division ay maglalabas ng mga thunderstorm advisory,
01:24rainfall advisory at heavy rainfall warning kung kinakailangan.
01:30Naasahan nga din natin na dahil may high-pressure area sa hilaga netong Sea Marse,
01:36hindi natin tinatanggal yung possibility na mas bumaba yung landfall area neto
01:41at posibling magbago at mapunta sa may Cagayan Isabela area.
01:45Posibling lumabas na ating Philippine Area of Responsibility Friday evening or Saturday early morning.
01:52So, naasahan nga din natin na patuloy yung paglakas netong Sea Bagyong Marse.
01:58Dahil nga rin dito kay Marse, pinaka-tas na tayong signal number one,
02:02sa may Batanes, Cagayan, kabilang ng Babuyan Islands, Isabela, Ilocos Norte,
02:08sa may Apayaw, sa may Kalinga, sa may Mountain Province, sa may Ifugao,
02:13northern portion ng Nueva Vizcaya, northern portion ng Quirino, at northern portion ng Aurora.
02:20Naasahan nga natin yung pinaka-mataas na tropical cyclone wind signal na pwede nating erase
02:25during the passage of Marse is signal number four.
02:31Ito naman yung nilabas nating weather advisory as of 11 a.m. today.
02:36Ngayong tanghali, hanggang bukas ng tanghali, posible nga moderate to heavy rains,
02:4050 to 100 millimeters sa may Cagayan.
02:44Tomorrow noon naman until Thursday noon, moderate to heavy sa Batanes, Cagayan, at Apayaw,
02:49at pagdating naman ng Thursday noon hanggang Friday noon,
02:53may intense to torrential rains tayong inaasahan sa may Cagayan,
02:58heavy to intense sa may Apayaw, Ilocos Norte, at Batanes,
03:01at moderate to heavy sa may Isabela, Abra, Ilocos Sur, Kalinga, at Mountain Province.
03:07Kagaya nga na nabanggit natin, yung Regional Services Division natin maglalabas ng mga
03:12rainfall advisory, heavy rainfall warning, kung kinakailangan.
03:18Ito naman yung mga bugso ng malalakas na hangin na walang signal ngayong araw,
03:22posible yang sa may Ilocos Sur, Aurora, Quezon, at Kamarines Norte,
03:27at by tomorrow, sa may Ilocos Region, Quezon, Kamarines Norte, Kamarines Sur, at sa may Katanduanes.
03:33Meron din tayong gale warning sa may Batanes, Cagayan, kabilang ng Babuyan Island,
03:39sa may Isabela, Ilocos Norte, at Ilocos Sur, kaya kung maaari yung mga maliliit
03:44na sasakiyang pandagat ay huwag muna pumalaot dahil magiging maalon hanggang sa napakaalon ng karagatan.

Recommended